Brie's POV:
Hindi ko siya makapaniwalang tinignan. Kung mas may ilalaki pa ang mga mata ko, yun ang isipin niyo.
"How did you know?" Naguguluhan kong tanong. Tinalikuran naman niya ako kaya inis ko siyang hinabol.
"Ano ba? Paano mo nalaman yun?" Kunot-noo niya ako tinignan bago tumalikdo sakin at humakbang muli. Hinabol ko naman siya dahil sa malalaki niyang hakbang at hinablot ang braso niya para humarap sakin.
"Ano ba? Sabihin mo. Saan mo nalaman yan?" Nafufrustate kong tanong sa kaniya."Somewhere?" Patanong niyang sagot sakin para mag - isang linya ang kilay ko.
"Huh, somewhere?"
"Psh, yun na ang itatawag ko sayo. Ayokong tawagin ka sa pangalan mo" nablanko naman ang tingin ko sakaniya tungkol sa sinabi niya.
"Tsk, ang ganda - ganda nang pangalan ko. Di huwag mo kung ayaw mo" nagdadabog akong umalis sa harapan niya.
'Paano niya nalaman ang tawag sakin?'
Nagbalik - tanaw sa akin ang mga ala - ala noong bata pa ako.
Mag - isa ang batang babaeng naglalaro sa kaniyang kuwarto. Gamit ang kaniyang mahabang stick na paulit - ulit na humahampas sa mga laruang niyang nagkalat na.
Ang iba'y wasak - wasak samantalang pira - piraso naman ang iba nito. Kahit na gaano niya pa pagbutihing ang pagiging bata hindi niya lubos magawang maging masaya.
Hanggang isang araw, mayroong isang batang lalaki ang napadapad sa kuwarto niya. Nagulat siya sa bigla nitong pagpasok ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang maapakan nito ang naka - usling turnilyo buhat sa sira niyang laruan kaya dumugo ito.
Naiiyak siya sa dugong lumabas sa lalaki. Humakbang ito papalapit sa kaniya habang dumudugo parin ang paa na nasugatan kaya mas lalo siyang namutla.
"Tigil! Tumigil ka!" Tumigil nga ang bata. "Huwag kang lalapit!" Takot niyang aniya.
Ngumiti ang bata sa kaniya kaya natigil ang pagluha niya habang unti - unting humahakbang muli ang bata palapit sakaniya ng nakangiti.
"Don't cry, Dames. Don't cry. You're my knight so stop crying". Nakangiti sakaniya nitong sabi habang pinupunasan ang luha niya bago siya halikan sa noo.
"I'm not Dames, I'm Brie". Naguguluhan niyang ani. Napatawa naman ang batang lalaki sa sinabi ng nagngangalang Brie.
"Hahahhahaa... You're my Dames, and always be. Iyan na ang itatawag ko saiyo mula ngayon. Keep that in your mind".
"But why?" Naguguluhan paring tanong nang batang babae.
"Well, as your King. You're are my knight who's responsible to protect me. 'Dames' is a title given to a woman equivalent to the rank of knight. No queen can replace you, my Dames".
Nang maalala niya ang batang unang kumausap sa kaniya noon sa palasyo ng hari at reynan sa Britaniya. Isa lang ang maaring tumawag sa kaniya noon. Si Prince Z. Ngunit impossible yun dahil ipinapatay na ito ni Viscount Milan. Ang mahigpit nilang kalaban sa trono.
BINABASA MO ANG
A Moment with You ✔️
RomansDalawang tao ang pagtatagpuin ng tadhana. Handa ba silang suungin ang mga problemang nakaambang para sa kanila? O ipagsasawalang bahala na lamang ito? Nang dahil sa mga sikreto ng pamilya ni Brie Zamora, makilala niya si Diego Sacramento. Ano kaya a...