Brie's POV:
Panibagong araw na naman, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na buhay ang prinsipe ko.
Mula nang malaman ko ang lahat. Gusto ko naman ngayong puntahan ang pamilya ko.
Gusto ko rin malaman kung ano na ang lagay ni Diego mula nang nangyaring away.
'Psh, paniguradong namang masaya yun sa pag - aalaga nang nobya niya'
Inis man sa naiisip ay bumangon na lamang siya at nagtungo na sa banyo nang kuwarto ni Prime o Prince Z.
Ako lang ang natulog sa kama dahil nagpresinta naman siyang sa sofa nalang sa living room matutulog.
Alangan namang pilitin ko pa yun. Eh siya na ang nagpresinta.
Mayroon narin akong damit at nakita kong nababawasan na rin ang pasa ko nitong mga nagdadaang araw.
Kasa-kasama ko rin si Prime magpraktis para mas lalo pa akong gumaling sa pakikipaglaban. Natengga kasi ako dito sa bahay niya nitong nakaraan kaya inaya ko siyang mag-one on one sakin.
Malakas ang loob ko kasi wala namang alam ang taong yun sa pakikipaglaban. Ngunit nang magsimula kami ay mas magaling pa pala to sakin kaya mas lalo kong pinagbutihan.
Ngayong araw ang takdang araw namin sa panibagong one on one.
"C'on, let's go to gym" Yun lang aniya kaya nag - umpisa na kaming maglakad palabas nang bahay niya. Bagaman, panay ang lingon sakin nang mga taong nadadaanan namin dahil sa mukha ko.
"Hide your face, someone may recognize you" ginawa ko naman ang sinabi niya kaya inayos ko ang hood nang jacket sa ulo ko.
Ilang minuto rin ang ginugol naming sa pagjog bago makarating sa gym kung saan kami naglalaban.
Binati man muna kami ng manager bago igiya sa reserved na spot.
"Ready!" Tumango naman ako
"(Chuckle), Good! Dahil hindi ako magpipigil na paulit-ulit kang talunin, kahit gusto pa kita" hindi ko na narinig pa ang huli niyang sinabi dahil binulong na niya yun. Kibit-balikat lang ang isinagot ko kahit na naaasar na naman ako sa pagyayabang niya.~On count,
Three...
Two...
~Fight!
Ngingisi - ngisi niya akong hinamon kaya maunang sumugod. Hindi ako nagpa-apekto dahil parte na naman niya ito para linlangin ang isipan ko.
Nagpapa ikot- ikot kami sa loob nang ring para sa UFC fighters. Nakahanap ako nang tyempo kaya sinapa ko ang panga niya nang malingat ang mata niya sakin.
Nang magtagumpay ay nginisihan ko siya pero balewala lang sakaniya samantalang pag siya, sobrang nakakainis na.
Blangko ang mukha niya akong inilalagan nang suntok at sipa para nagback-flip ako at umatras nang isa bago bumuwelo sa pagsipa na agad na naman niyang nailagan.
Napasinghap ako nang tapikin niya ang pwet ko habang hindi ko pa naibaba ang binti gawa ng pagsipa.
Kaya sa ginawa niya asar ko siyang sinunggaban nang suntok na madali niyang nasasalag. Nagpatuloy lang ako sa pagsuntok at sipa nang marinig siyang natatawa sakin.
"Arrgh, what's funny?"
"(Chuckle)... Relax. Just relax yourself and free to hit me". Sa pagkakataong iyun, siya naman ang sumusugod sakin. May naririnig narin akong mga nag-iingay sa labas nang ring kung saan kami naglalaban.
Marami ang nakakalusot na suntok niya kaya dagdag sakit na naman to sa katawan ko.
Nakuha ko ang kamao niya at mabilisang pinilit sa likod niya kaya hindi siya agad nakadepensa sakin. Binuwelo ko muna ang kamay niya para hindi mabali kahit nagpupumiglas siya kaya agad kong tinadyakan ang likod niya at hinook ang leeg niya nang hita ko.
Nakita ko ang pagtap niya tanda pa nanalo ako sa unang pagkakataon. Nang makabawi nang lakas ay tumayo na ako gayundin siya.
Bumalik sa isip ko ang nagawa niya kaya sinikmuraan ko siya kaya namimilipit siyang napaluhod.
"Tsk, sa susunod huwag kang mananapik nang puwet ng may puwet". Matapos kung sabihin yun sa kaniya ay hinagisan ko na siya nang tuwalya nang makababa ako.
"Kapag inulit mo pa yun. Sasamain ka talaga sakin". Tinarayan ko pa siya bago tumungo sa banyo at nagsimulang maligo. Bitbit ko rin ang bag na dala kanina ni Prime na may damit namin kaya madali lang akong natapos bago ibigay sa kaniya ang bag at siya naman ang naligo."Woa. Ang galing mo, Miss!"
"Oo nga, Miss. Gusto kong maging kasinggaling mo".
Manghang saad sakin ng dalawang binata na sa tingin ko'y kasing edad ko lamang.
Hindi ko naman sila sinagot at umupo lang sa bakanteng bench kalapit sa kanila habang naghihintay.
"Alam mo ba Miss, ikaw pa lang ang nakakatalo kay Prime. Hindi nga namin matatalo - talo yan kaya puro pang - aasar lang ang natatanggap namin sakaniya".
"Oo nga, ganito palagi ang sinasabi niya. 'Hahahha, kayo lalaban sakin. Mga pototoy pa kayo, palaki muna kayo gaya nang sakin. Hahahha'. Yan ang palagi niyang sinasabi samin palagi kapag inaaya namin yang makipaglaban. Kaya hanga talaga kami sayo" bagaman nailang ako sa sinasabi ni Prime sa mga lalaking ito ay hindi ko naman napigilan na ang matawa.
Gulat man sila sa naging pagtawa ko ay yun na marahil ang hudyat para magkausap kami tungkol kay Prime.
Panay ang sumbong nila sakin kaya idinadaan ko nalang sa tawa dahil kahit ako hindi ko masasaway ang lalaki. Tyamba lang ang pagkapanalo ko sa kaniya kaya hindi ako gaanong nagsasalita.
Naramdaman kong natigilan ang mga lalaki kaya nilingon ko ang taong nasa likod ko na mataman saking nakatingin ngayon saka siya tinaasan nang kilay bago tarayan.
Napabuga naman ito nang hangin bago namin binaybay ang labas nang gym.
Walang nagsasalita samin na ayos rin lang sakin ngunit nababahala ako sa kilos nito na nagdadabog.
"Pst, nagdadabog ka ba?" Tanong ko ngunit wala naman akong nakuhang sagot mula sa kaniya nang mauna na itong maglakad.
Napailing nalang ako sa itinuran niya bago siya habulin. Sa laki ba naman nang hakbang nito, malabong maiwan talaga ako sa lagay niyang yun.
"Pst, hoy! Anong problema mo?" Sa pangalawang pagkakataon, hindi na naman niya ako sinagot lalo na nang mas hinakbangan pa nito ang biyas.
Nahihirapan mang humabol ng lakad kaya tinakbo ko na ang daan makalapit lang sa kaniya na napagtagumpayan ko rin naman.
Inis kong hinablot ang balikat niya para tumingin ito sa gawi ko.
"Sa pangatlong tanong ko, pag ito hindi ka pa sumagot. Hindi ako mag - aalinlangang bangasan ka. Ano ang problema mo, Prime?" Mahihimigan ang inis sa boses ko habang hinihingal dahil sa layo rin ang naging takbo ko habang malalaking hakbang lang sakaniya.
'Ang unfair nang mundo!'
Binuka niya ang kaniyang bibig bago sumagot na nakapagpatigil sa mundo ko.
'Prime, Tang*na ka'
______________________________________________
Hi guys!
Ano kaya ang sasabihin ni Prime? Hmm🤔
LIKE, COMMENT & VOTE
© purpleCalib
BINABASA MO ANG
A Moment with You ✔️
RomanceDalawang tao ang pagtatagpuin ng tadhana. Handa ba silang suungin ang mga problemang nakaambang para sa kanila? O ipagsasawalang bahala na lamang ito? Nang dahil sa mga sikreto ng pamilya ni Brie Zamora, makilala niya si Diego Sacramento. Ano kaya a...