CHAPTER 21

12 7 0
                                    

Brie's POV:

At last, today is the day to come back in my hometown.

Sakay kami ng Agusta F4 ni Prime ay binagtas namin ang daan papauwi sa bahay. Mula sa border nang Manila at Bicol kung nasaan ang bahay ni Prime.

Ligtas naman kaming nakabalik. Nauna akong bumaba nang motor saka pumasok sa bahay.

Bungad sa pinto nakita ko ang taong hindi ko inaasahang sasalubong sakin nang mahigpit na yakap.

"Sa wakas, narito ka na. Namiss kita, Brie!" Yun lang ang sinabi nito na nakapagpabilis nang tibok nang tibok ng puso ko.

Lub... Dub... Lub... Dub... Lub... Dub...

"Hands off, man". Namalayan ko nalang na hinablot ako ni Prime papalayo kay Diego. Nagsalubong ang kilay ko sa ginawa niya nang bahagyang kinuwelyuhan niya pa si Diego.

Pipigilan ko na sana ang kamay niya nang magsalita na ito.

"Sino ka para yakapin ang Dames ko?" Mahihimigan ng pagseselos niya.

'Wait, selos nga ba? Naku, Brie. Tigilan mo ang pagiging assuming'

Imbes na sagutin siya ni Diego ay kinuwelyuhan rin siya nito.

"At sino ka naman sa akala mong pagbawalan ako?" Matigas rin tanong nito kay Prime.

Bago pa sila magpang - abot ng away dahil sa matatalim nilang titigan ay agad ko na silang inawat.

"Hep, hep, hep. Kumalma nga kayo! Kapag hindi kaya kumalma, sasamain kayo saking dalawa". May halong man banta pero balewala parin sa kanila bago bitawan ang bawat kwelyo nang isa't-isa.
"Tsk, mga lalaki talaga!"

"Saan ka ba nagpunta, Brie? Hinanap kita! Kung saan-saan at kani-kanino na ako nagtanong para lang malaman kung nasaan ka. Kahit nga si James inistorbo ko pa para mahanap ka lang". Hindi ko na naman narinig yung huli niyang sinabi pero dahilan na iyun upang makaramdam ako nang tuwa at bumilis ang tibok nang puso ko.

"Psh, walang nagsabi sayong hanapin mo siya". Segunda naman sa kaniya ni Prime na ipinagsawalang bahala naman nito.

"Teka, hinanap mo ako? Pe-pero, bakit?" Nginitian niya ako bago sagutin na ikinainit nang mukha ko kaya naipaiwas ako nang tingin.

"Kailangan pa ba talagang sagutin yan... Brie. Mahal kita! Ewan ko kung kailan nag - umpisa. Mula nang araw na iniligtas mo ako, doon na nag - umpisa hanggang sa mas minahal pa kita sa mga nagdaang araw. Lalo na yung hindi kita makita dito sa bahay niyo. Natakot akong baka mawala ka nalang dahil sa mga taong binugbog mo. Pero hindi ko inaasahan na may nakakita dito sayo na isinakay ka sa van nang mga armadong lalaki ayun sa nakapagsabi. Brie... Sobra ang takot ko nang malaman ko yun kaya araw - araw akong naghihintay dito sa pagbabakasaling bumalik ka nga kahit wala akong kasiguraduhan. At eto ka na nga. Brie... Sobrang saya ko at nakabalik ka nang buhay. Hindi ko alam ang mangyayari sakin kung tuluyan na kitang hindi nakita. Mahal na mahal kita, Brie" naiiyak ako sa sobrang saya dahil sa mga sinabi niya hindi ko aakalaing ganito pala ang pakiramdam na minamahal ka rin nang taong mahal mo.

Noon pa man, gusto ko nang putulin ang pagkagusto ko sa kaniya ngunit talagang hindi ko pala kaya.

"Teka, teka nga. Diba may nobya ka na? Bakit mo sakin sinasabi ang lahat nang ito? Mali ang ginagawa mo, Deigo. Kaya please, itigil mo na iyang sinasabi mo-". Hindi na niya ako pinatapos nang maramdaman kung idinampi niya ang kaniyang labi sa labi ko.

Naramdaman ko nalang na siya ang unang tumapos nang halik bago ngumiti sakin.

"Hindi ko naman girlfriend si Gabby. Sabihin na nating nagkagusto nga ako sa kaniya pero hindi ko naman siya mahal tulad nang pagmamahal ko sayo. Brie, ikaw ang mahal ko at mamahalin ko habang buhay". Cheesy man pakinggan ang mga sinabi niya, wala kayong pake. Eh sa kinilig ako eh.

Marupok man ako para sainyo. Anong magagawa ko? Mahal ko rin siya at walang nagbago ron. After all, he still the one who makes me feel like this. A feeling of love.

The moment I settled my eyes to him, I realized that he is. He is the one that I should treasure. A moment with him is the greatest feeling to be proud of loving.

"Deigo, I don't know how to say this. But I think we both feel the same feelings. Oo, Mahal rin kita matagal na. Unang kita pa lamang natin nagustuhan na kita.Pinipigilan ko dahil hindi maari. Hindi maari dahil sa pag - aakala kong may gusto ka nang iba. 'A moment with you' is the most happiest feeling that I've experience and I'm grateful that you come to my life". Natawa siya sa sinabi ko kaya sinapak ko ang balikat niya para mahinto ngunit parang balewala naman. Patuloy lang ang pagtulo nang luha ko na panay niya namang pinupunasan.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Nailang ako sa paraan nang pagtitig sakin kaya naipaiwas ako nang tingin. Bago pa ako tuluyang maipaiwas nang hawakan niya ang baba ko at masuyong hinalikan ang noo ko.

Tuluyan nang binalot nang tuwa ang puso ko nang sabihin niya ang mga katagang hinihintay ko sa kaniya noon pa man.

"Mahal kita, Brie Zamora".

"Mahal rin kita, Diego Sacramento".

Parehas naming usal bago kumalas sa yakap. Narinig ko nalang ang motor na papaalis sa bahay namin.

'Fuck, si Prime'

Naghuhurumentado akong lumabas nang bahay sa pagbabakasaling maabutan ko pa ito.

Hindi ko man lang naramdaman ako pag-alis niya sa tabi ko.

'Brie, ang tanga mo talaga' naiinis man ako dahil sa naging usal sa isip ko hindi ko nalang initindi kaya mas lalong kong binilisan ang takbo sa lugar kung saan niya ipinarada ang kaniyang motor.

Wala na akong nakita ni anino nang motor niya sa labas kaya nalungkot ako dahil hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kaniya.

Hindi ko man alam ang dahilan nang biglaan niyang pag - alis. Masaya naman ako dahil isa siya sa mga mahahalagang tao sa buhay ko na nagpahalaga kung sino ba talaga ako.

'Prime, Thank you!'








____________________________________________

Hi guys👋

Ano kayang dahilan ni Prime kung bakit siya umalis?

Ows, mutual feelings pala sila Brie at Diego.

LIKE, COMMENT & VOTE

© purpleCalib

A Moment with You ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon