CHAPTER 22

14 7 0
                                    

Brie's POV:

Magkatabi kaming nakaupo ni Diego. This day is the most unforgettable moments of my life.

Mula nang pumasok ako nang bahay dahil sa hindi ko na naabutan si Prime. Hawak - kamay niya akong hinila.

Nababahala man ako dahil maaaring sumugod ang mga kalaban. Hinayaan ko lamang. Whenever I'm with him. I feel safe.

"Bakit mo nga pala ako hinanap?"

Hinawakan niya ang kamay ko bago hagkan ang likuran nang palad.

I blush with that gesture of him.

"(Chuckle), honestly, I'm worried and I don't what I'm gonna do if you leave me. Nawalan na ako nang isang tao sa buhay ko. Hindi ko na kakayanin kung pati ikaw ay mawawala sakin". Ramdam ko man ang sensiridad at lungkot hindi naman napawi ang tuwa sa mukha ko.

'Oh God, if I know already that this is too good to be with him. Sana pala noon ko pa siya hinanap'

Out of nowhere noises, I know what that thing is. It's a vehicle.

Naging alerto ako sa paligid at dali - daling hinila si Diego papasok sa loob nang kuwarto ko.

Sunod-sunod na yabag ang maririnig sa buong bahay. Hindi ko tinangkang buksan ang pinto kaya nanginingig kong nilingon si Diego.

'Shit, I'm too scared!'

"Hey, anong problema?" Naguguluhan niyang tanong kaya tinakpan ko ang bibig niya para hindi makagawa nang ingay na maglalagay samin sa panganib.

"Don't make noise" bulong kong saad sakaniya na tinanguan niya naman.

Ingat na ingat akong naglakad papuntang bintana nang kuwarto ko. Hindi naman ako maaaring pumunta sa veranda dahil maaaring makita nila ako na ikapahamak pa.

Nakita ko ang mga dating tauhan na kumuha sakin. Nasisiguro kong wala ang boss nila dahil wala ang sasakyan nitong ginamit nang minsang sumugod sila dito.

'Tonto, mayaman yun. Maaaring iba ang gamit nitong sasakyan'

Hindi ko na inisip pa ang pagkontra nang isipan ko sakin.

Ramdam ko ang tensyon namin ni Diego sa kuwarto pero wala ni isa saming nagsasalita.

Napasinghap ako nang kumalabog ang pinto at ang pagiging iritable nang kung sino para mabuksan ito.

"Brie, andiyan na sila!" Hindi niya napigilang angil na nakapagpakaba sakin.

Imbes na magsalita pa ay agad ko siyang hinila sa isa kong closet. Ito ang ineregalo sakin ni Lolo.

"Boss, nasisigurado kong narito ang  babae"

"Ano pang hinihintay mo? Buksan mo na!" Boses yun nang taong ipagbebenta ako. Ang taong kalaban at ang nag - utos ipapatay si lolo

Naririnig ko ang kanilang walang humpay na kalabog, animo'y sinisira nang walang humpay.

Nang matapat kami sa closet dali - dali kong hinanap ang button na makapagbubukas para makapasok kami sa loob.

Matagumpay kaming nakapasok sa loob kaya dali - dali rin itong nagsara bago ko rin malaman na bumukas na ang pinto nang kuwarto ko.

"Anong gagawin natin?" Naaligaga na siya kaya hinawakan ko ang kamay niya para hindi siya kabahan. Ramdam ko ang malakas na pintig nang puso ko. Halo - halo dahil sa takot. Wala akong oras kiligin sa kaniya. Anumang oras maaari nila kaming mapatay dito.

"Asan na sila?" Rinig namin ang malakas na nagawa nitong ugong dahil close ang lugar kung nasaan kami nagtatago.

"Boss, sigurado akong narito lang siya-" napatakip kami nang tenga nang umugong na naman sa kuwarto na kinalalagyan namin dahil sa malakas na putok nang baril.

Habang pinapanood namin sila sa maliliit na butas nang closet ko. Walang alinlangan lamang ito pinatay nang kasamahan nito nang ikumpas nang boss nila ang kaniyang kamay. Senyales para patayin ito.

Naiiyak man at nanghihina ang mga tuhod ko hindi naman ako hinayaan makagawa nang ingay ni Diego.

"Shh, makakalabas rin tayo rito. Pangako" bulong niya habang yakap-yakap niya ako. Tango lang ang naging isinagot ko para hindi makagawa nang ingay.

"Hahahhaa... Napakawalang-kwentang tauhan! Halina kayo. Iwan na niyo yan diyan. Remembrance na natin yan sa kanila para malaman nilang hindi tayo nakikipagtaguan... Hahhaahhhaha" matunog na halakhakan ang bumalot sa kuwarto ko hanggang sa tuluyan na silang nakalabas nang bahay namin.

Ilang minuto pa ang inilagi namin sa loob bago lumabas nang masigurado na wala na nga sila.

"Brie, sila ba yun?" Seryosong tanong niya na hindi ko naman sinagot pa.
"Ba't hindi mo sinabi sakin?" Hindi ko nagustuhan ang paraan niya nang pagtatanong kaya salubong ang kilay kong hinarap siya.

"Hindi sinabi!... Sa tingin mo ba, alam ko lahat nang ito. Diego, wala ako ni katiting na alam dito. Ni hindi ko alam na ganito ang may galit sa pamilya namin. Diego, hindi ko alam kaya unti-unti kong inuunawa lahat nang ito" guilty ang mukha niyang tumingin sakin.

"I'm sorry" malungkot niyang ani at puno nang sinseridad ang tono. Hinawakan niya ang mukha ko at ina-angat ito para mapantayan ko ang mukha niya.
"I'm sorry, Brie"

"(Sigh)... It's okay. There's nothing in your words, I just overreacted due to fear. I'm sorry" hinagkan niya lang ang noo ko bago ngumiti sakin upang mapangiti rin ako.

"(Chuckle)... First day pa lamang natin sa stage nang getting to know each other. May pasabog na agad" aniya na nakapagpatawa sakin.

'Hanggang saan ba ang kaya natin para malampasan ang lahat nang ito?'

"Sana malapasan natin lahat nang ito" nag-alala kong saad nang makaupo sa sariling kama.

"Alam kong makakaya natin" dahil sa sinabi niya nagkaroon ako nang lakas nang loob upang harapin ang mga paparating na balakid sa buhay namin.

Si Diego na ang naglibing sa bangkay na iniwan nang mga armadong pumasok sa bahay namin at nagtatangkang patayin ako.

Kaya ko namang tumulong sa kaniya sa paglilibing nang bangkay pero hindi niya ako hinahayaang tulungan siya. Napakawalang puso nilang pumatay.

'Makakaya ko bang iligtas si Diego sa mga taong gusto akong patayin?... Anong gagawin ko? Natatakot ako sa maaaring gawin nila '

Hindi ko na namalayan ang kumawalang luha sa mata ko na agad ko rin namang pinunasan dahil sa naging tanong na iyun sa isipan ko.

'Kakayanin ko ba talaga?'







____________________________________________

Hi guys👋

Hays! Napakawalang puso naman nang taong gustong patayin si Brie?

Survey lang guys!!!

Ano ang gagawin mo kapag ikaw na ang pinaghahanap nang mga taong gustong pumatay sayo?

LIKE, COMMENT & VOTE

© purpleCalib

A Moment with You ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon