After class ay umalis na ako ng classroom at tinahak mag-isa ang daan papuntang cafeteria. At first, hindi ko pa alam kung nasaan ito. Buti nalang at may napag-tanungan ako. Naglalakad akong mag-isa sa corridor hanggang sa may tumapik sa aking balikat.
"Aga niyong natapos ah" it was Felix.
"Ikaw lang pala, kala ko kung sino"
"Bakit, may iba ka pa bang kakilala dito?"
"Wala pa naman. Pero malay mo, diba?"
"San ka nga pala ngayon? Sabay na tayo"
"Pupunta ako ng cafeteria. Kanina pa ako nagugutom"
"Sakto, ako rin. Di kasi ako nakapag-almusal kanina"
Tipid nalang akong ngumiti at tinanguan siya.
"Can I ask you something?"
"Yeah. Sure"
"No offense ha, pero wala ka bang kaibigan?" I can't help it. Lumabas na talaga siya sa bibig ko. I've been thinking for it kasi kanina pa. Nakita ko siyang marahang napangiti at napayuko.
"I knew it. You're thinking that I'm weird, right?"
"Felix, that's not what I'm trying to say. Wala naman akong problema kung guto mong makipag-kaibigan sakin. It's just that, nabigla lang ako sa bilis ng pangyayari" sagot ko.
"But if you don't want to answer me, it's okay"
"I never really make friends that much. May nakaka-usap naman ako pero hindi 'yong nakakasama ko talaga araw-araw"
"Then, why me?"
"What do you mean, you?"
"Ang ibig kong sabihin, bakit gusto mong makipag-kaibigan sakin?"
"Dapat pala talaga may reason? I just want to. Tsaka magka-same village lang tayo kaya lalayo pa ba ako"
Napatango-tango naman ako sa sinagot niya. He has a point naman. Maybe I'm just overthinking too much.
"Sorry for asking earlier. Na-curious lang ako"
"It's fine. Bilisan na natin, gutom na talaga ako eh" sagot niya at naunang naglakad. Napabuntong-hininga ako at sinundan siya.
Nang marating na namin ang cafeteria ay naghanap agad kami ng mauupuan. Siksikan dito ngayon dahil sa dami ng estudyante.
"Ano gusto mo kainin?" tanong niya.
"Kahit ano na lang"
"Sige. Bibili lang ako"
"Saglit lang" natigilan siya at nilingon ako. "Samahan na kita"
Tumayo ako at naglakad na kami para bumili. Iba ang cafeteria nila dito, dapat ka talagang nakapila bago ka makarating sa counter at makuha ang order mo. Sa dami ng estudyante ay maging sa pila ay siksikan na rin. Naunang naglakad si Felix sakin kaya mas una siyang makakapila. Kaya nung pa-pila na kami ay ikinagulat kong bigla niya akong tinulak para mas mauna ako sa kanya.
Naguguluhan man pero di ko nalang pinansin 'yon, baka naalala niya na kanina pa ako nagugutom kaya niya lang 'yon nagawa. Dahil nga sa siksikan ay di maiiwasang nagtutulakan ang mga estudyante sa pila. Pero imbes na madamay ako ay di ko maramdamang may tumutulak sakin.
Nilingon ko si Felix at kitang-kita ko na kanina pa siya nabubundol ng mga nakapila sa kanyang likuran. Bat ganito 'yung mga students dito?
"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.
"Oo. Don't worry"
I can't help but felt bad. Nagpipigil talaga siya dahil sa mga makukulit na students. Hindi man lang ba nila inisip na may nakapila sa harapan nila?
Nang marating na namin ang counter ay kinuha ko na ang aming mga pinamili at bumalik na kung saan kami nakaupo. Nagsimula na kaming kumain at una kong binuksan ang brownies saka nilantakan 'yon. It's my favorite. You can't blame me. Nabigla ako nang inilapag ni Felix ang brownies na kanyang binili sa aking harapan.
"Halatang di ka mahilig sa brownies"
"Ano ka ba. Baka isipin mo pang matakaw ako"
Bahagya naman siyang napatawa. "Okay lang. Hindi naman ako masyadong mahilig sa matamis"
"Sinabi mo yan, ah. Wala ng bawian"
Habang tahimik kaming kumakain ay di ko maiwasang tumingin sa mag-kabilang table. Tinitignan nila kami. Yung tipong hindi normal 'yung pagkatitig nila sa amin. Sinasabayan pa nila ng pabulong. Tsismis, kumbaga.
Hindi talaga maiiwasan ang mga ganyan. Wala eh, nakasanayan na yan ng mga pinoy. Hindi ko nalang pinansin.
"Felix, matanong lang" he raised his brows and waited for me to continue. "Bakla ka ba?"
I know it's not a good thing to ask about it pero nilalamon na ako ng kuryusidad ko. Hindi naman siguro siya mao-offend. Tsaka may reason naman talaga kung bakit ko 'yon tinanong.
Agad siyang napatigil sa kanyang ginagawa at muntik pa itong mabulunan sa tanong ko. I really hope he doesn't get offended.
"Why'd you asked? Of course not"
"Pero aware ka naman ata na hindi ako straight, diba?"
"I know at wala naman akong nakikitang mali dun"
"So, okay lang sayo na makipag-kaibigan sa isang katulad ko?"
"Bat naman hindi? Wala naman akong pinipiling kasarian sa kung sino 'yung gusto kong maging kaibigan"
I sighed and I even can't help to hide my smile because of what he said. Parang mas pumogi siya dahil sa sagot niyang 'yon.
"I'm just feeling guilty. Ayoko lang kasing madamay ka sa sinasabi ng iba. Alam mo namang may mga tao pa talagang hindi bukas ang isipan"
Marahan siyang napatango-tango. "I got your point. Just don't mind them. Who cares kung anong sasabihin nila behind my back or your back. Basta't ang importante, alam natin sa isa't-isa na wala tayong ginagawang masama"
Wow. I didn't expect that he's such a wise talker. Bumabagay sa pogi niyang mukha 'yung maganda niyang ugali.
"Ang sabihin nila, naiinggit lang sila kasi hindi sila kasing cute na tulad mo"
"Gago talaga 'to. Tumahimik ka nga" napangiti nalang siya at bumalik ng kumain. "Anong department mo nga pala?"
"Mass comm. I don't know kung anong pumasok sa isipan ko't 'yon 'yung kinuha ko. Maybe I was just undecided when the day I enrolled"
"Bagay naman sayo, ah. Magaling ka mag-salita"
"Talaga? Pakiramdam ko nga puro kalokohan lang lumalabas sa bibig ko"
Napangiti ako sa sinabi niya. "But seriously, I like how the way you talk"
Hindi siya nagsalita. Bagama't nagtitigan lang kaming dalawa. I can really tell that his chestnut brown eyes are his big asset on how attractive looking it is. I've never seen anything like it. They're this mesmerizing shade of hazel, like a blend of autumn leaves and morning sunlight.
Natigilan ako nang una siyang umiwas ng tingin. Napa-iwas nalang din ako at binawasan ang binili kong iced coffee.
"Mauna na pala ako. My second class is starting soon" sabi nito at niligpit ang kanyang mga gamit.
"Talaga? Hindi mo pa inubos pagkain mo"
"Ayos lang. Busog na ako"
Pansin kong parang nagmamadali siya. Is he okay? Hindi naman nakaiwas sa akin ang namumula niyang ilong.
"Are you seriously okay? Your nose is red. Baka may allergy ka"
"I swear, I'm okay. Mauna na ako, kita nalang tayo mamaya" sagot niya at nauna ng umalis.
Napailing-iling nalang ako at napabuntong-hininga.
To be continued.
BINABASA MO ANG
FALLING
RomanceMiguel and Felix, the best of friends who share everything from laughter to dreams. Yet, in the midst of their everyday moments, Miguel realizes his feelings are shifting. As they continue to spend time together, a sweet and unspoken evolution takes...