Chapter 18

11 1 0
                                    

{CHAPTER 18}




"Congrats " utas ni Rafael sa'kin

"Thanks"



Bakit kaya parang ang saya pa niya? Nanalo kasi ako sa debate namin. Pero bakit parang siya pa 'yong mas masaya kaysa sakin? Parang siya pa nga 'yong nanalo, eh. He's weird,



"Ang galing mo naman. Halos wala pa akong naisagot sa mga banat mo. " aniya



It is because of Izan,  Rafael. Hindi ko alam kung paano niya din 'yon ginawa dahil lahat ng possible answer ay nando'n. Well thanks to him. Gusto ko sana pumunta sakanila pero baka nakaka bastos kapag iniwan ko 'yong mga nag c-congratulate sakin. Nandito din kasi sila para manood, to show me support.



"Congrats, Isabella. Tara celebrate! " masayang sabi ni Tristan

"Sa'n si Matteo? "

"'To naman!  Matteo agad, e. " natatawang sabi niya.



Kanina lang ay nandito siya,  sa'n na kaya pumunta 'yong isang 'yon. I just wanted to say thank you.



"Bumalik sa tent, e. May tumawag kasi sakanya, kanina pa nga 'yon tingin ng tingin sa cellphone niya. "

Cellphone?  Buti at may signal dito ngayon.

"Puntahan ko lang ah? " sabi ko sakanila

Tumango lang sila tsaka ngumisi.



Medyo malapit lang naman 'yong tent namin do'n kaya ayos lang. Una ko munang pinuntahan 'yong tent namin at naabutan ko si Anna na sinusuklay 'yong buhok niya. Nilagpasan ko lang siya at tinignan si Izan sa labas pero wala siya do'n kay dumiretsyo na ako sa tent nila. Maybe he's here.




Narinig ko siya na nasa phone.

"Kym?.... Oo pupunta ako.... Siguro mamaya ay baba na ako dito.... Oo.... Pakisabi nalang na sunduin ako sa baba..... Thanks bye."




Kym? Bakit niya kausap si Kym? Lumabas na ako do'n bago pa niya ako makita. Relax, Isabella sasabihin niya din siguro kapag nagpaalam siya. Paglabas ko ay nando'n sila nakaupo sa pinagkainan namin. Pagka upo ko ay doon naman lumabas si Izan na balisa.




"I have something to tell you" frustrated niyang sabi.

Lumabas na din si Anna.

"I have to go home today. Iiwan ko din 'yong dalawang driver "

"Ha? Bakit? Is there something wrong?" tanong ni Alyssa.

"Pinapatawag ako ni mommy, e. Importante" utas niya.




Mommy niya? Kym 'yong narinig kong kausap niya kanina ah? Bakit naging mommy na niya ngayon? Bakit kailangan niya pa mag sinungaling para lang maka alis? Why are you like that, Matteo?




Kahit na ganon ay hindi na lang ako nagsalita pa. Mas gugustuhin ko nalang na itikom 'yong bibig ko ngayon dahil baka kung ano ano lang 'yong masabi ko and I don't like that to happen.




Hindi pa man siya tapos mag salita ay dumiretsyo na ako sa tent namin. Gusto ko umiyak, gusto ko ilabas lahat ng pagsisinungaling niya! Bakit naman ganyan? Liar.



"Hey, you okay?"

Sinundan niya pala ako.

"Of course,  Izan " ngumiti ako para maniwala siya.

"Are you sure?"



Mas lalo pa akong ngumiti para maniwala na siyang talaga. Nangangatog 'yong tuhod ko bawat tingin niya sakin. Believe me, Izan, I'm fine.


Forgiving Heart (completed)Where stories live. Discover now