"Halika rito" sabi ko habang nakangiti
Tumakbo ito sa amin at patalong-yakap ang ginawa kaya ang ending tumba kaming lahat
"Dianne oh, ice"
"Ang lamig huhuhu" napatingin ako sa gawi nila
"Gagi ka naman Lean bat di mo nilagay sa ice bag?" sabi ni Trishia at sinapok si Lean
"Ito naman kung makapang-batok wagas."
Umiling lang ako saka pumunta sa kusina
"Oh ito gamitin mo"
Tinignan lang nila akong tatlo na parang dalawa yung ulo ko
"Ah eh bessy ipapakain mo ba kay Dianne ang ice?" tanong ni Lean
"Ano naman ang gagawin ko sa kutsara?" tanong ni Dianne
"Lunukin mo"
"Edi tsugi na si oks?"
Mamamatay ka talaga kung uuto-uto ka
"I-press mo yung kutsara sa bukol mo" tinapat ko yung likod ng kutsara sa noo niya
"Ah sige" sinunod naman niya ang utos ko
"Shay kain ka muna" sabi ni Trishia
"Ikaw?" Umiling lang si Dianne at tinuro yung bukol niya.
Nagkibit balikat nalang ako
Si Trishia na ang nagsandok sa akin ng pagkain, pambawi niya raw
Pagkatapos kong kumain ay naglatag na kami ng mahihigaan sa veranda.
Put some scented candles and lights
Nakabihis na kaming lahat ng pajama
"Bessy samahan ka namin maghanap ng matitirahan, okay?" Sabi ni Lean
"Okay" Nasa magka-bilang gilid kami ni Trishia habang nasa gitna naman sina Lean at Dianne
Nag-uusap lang kami ng kung anu-ano hanggang dalawin na kami ng antok
"Good night guys. I'm happy na magkakasama na tayo ngayon" sabi ko tsaka natulog
Trishia POV
Nagising ako sa amoy sunog
Sinundan ko lang ang baho at dinala naman ako nito sa kusina
"Good morning Trish" bati ni Dianne
"Morning. Anong niluluto mo?"
umupo muna ako sa dining table at tinignan siya
"Nagluto ako ng kanin saka yung biniak na itlog" sabi niya habang panay parin ang pag-lalagay ng kung anu-ano sa frying pan
"Scrambled egg yun"
"Asus. Itlog pa rin naman yun" umiling lang ako sa kanya
"Gigisingin ko nalang muna yung dalawa"
Habang tinititigan ko si Shay, Di ko mapigilang hindi mangamba pero at the same time matuwa
But no matter what happens I'll do my best to protect her.
"Shay, Lean, Gising na" sabi ko habang niyuyogyog ang balikat nila
YOU ARE READING
Legendary Warriors: Thief of truth
Fantasi"The mind is like a parachute, it works best when it's opened." - Prof. Lee ------- She's just a simple girl back then. A happy go lucky shay. That has one goal and that is to make those people pay for degrading her She thought that the destiny is o...