Luna's POV
"Luna anak! Bumaba ka na dyan at kumain ka na dito, nakahanda na ang pagkain baka lumamig pa", ani Mama.
Nagtataka ako bakit ang aga akong ginising ni Mama 5:20 a.m. pa talaga, at bigla ko namang naalala na ngayon pala ang unang araw ng aming pasukan.
Dali-dali kong binuksan ang pinto at naglakad pababasa hagdan.
Nasa hagdan pa lamang ako ay naamoy ko na ang paborito kong bacon at fried rice, mas binilisan ko ang paglalakad pababa sa hagdan at pagka-baba ko ay umupo na ako sa silya.
Hinintay ko si Mama at si Papa para sabay-sabay kaming kumain..
Naka-upo na kaming lahat at sabay-sabay kaming nagdasal para magpasalamat sa panginoon dahil may nakakain pa kami.
Habang kumakain ay nag-uusap-usap kami.
"Anak umpisa na ng pasukan niyo ngayon, galingan mo ah:) para maging proud kami ng Papa mo sayo". Ani mama
"At ipakita mo sakanila na may kaya ka, wag kang makikipag away at makikipag daldalan ah lalo na't unang araw ng klase nyo ngayon" Dagdag pa ni Papa
"Ako pa po ba" sabi ko sakanila at nagtawanan kami.
"Osya kumain na tayo at ikaw Luna bilisan mo kumain baka ma-late ka 5:40 a.m. na". Ani Mama.
Ilang minuto lang ay natapos na kaming kumain nila Mama at Papa.
Tumayo na ako sa kina-uupuan ko at kinuha ang tuwalya at ang aking uniform na aking susuotin para sa unang pasukan ngayon.
Nakuha ko na ang gagamitin at susuotin ko, pumunta na ako sa banyo at inumpisahan ang pagbubuhos ng tubig sa aking ulo.
Ilang minuto pa lamang ay natapos na ako sa aking pagliligo at ako'y dali-daling nagbihis dahil 6:05 a.m. na ako natapos sa aking pagliligo at ang oras nang aming klase ay 6:40 a.m.
Pagkatapos kong nagbihis ay lumabas na ako sa banyo at umakyat sa aking kwarto para ayusin ang aking sarili at aking mga gamit.
Bumaba na ako at nag-paalam kay Mama sabay halik sa kanyang pisngi.
"Anak hintayin mo ang papa mo at ipapahatid kita sakanya baka kung mapano ka pa".Ani mama
Hinintay ko si papa ng 2 minutes, dahil dumating na sya agad na akong sumakay sa kotse namin dahil 6:30 a.m. na.
- - - - - -
Nasa gate na 'ko ng school namin
"Papa, pasok na ho ako", sabi ko kay papa at sabay halik sa kanyang pisngi at lumabas na sa kotse
"Ingat anak" dagdag ni Papa
Nginitian ko lang sya at tumalikod na at nagsimulang maglakad.
Pumasok na ako sa loob ng school at at pagkatapos pumasok ay dumaan ako sa kaliwa dahil nandoon ang elevator at pinasok ito tsaka pinindot ang 3 dahil sa ikatlong palapag ang aking paroroonan.
Nasa ikatlong palapag na ako at lumabas ng elevator at dumaan sa kanan at naglakad at pinasok ko ang pangatlong pinto dahil doon 'daw' ang aking silid sabi ni Papa.
- - - - - -
Habang ako'y nakatayo sa labas ng pinto natulala na lamang ako sa nakita ko dahil sobrang ganda ng aming silid.
Kulay puti ang pintura, merong aircon at flat screen T.V. sa taas ng aming whiteboard at bagong linis din ito.
'malamang bagong linis kasi first day of school, di naman hahayaan ng nga janitor at mga teacher na pumasok kaming mabaho ang room noh' at napaka-bango ng amoy ng aming silid'Pinasok ko na ang aming silid at umupo sa aking silya, kahit saan muna ako umupo dahil wala pa kaming kanya-kanyang pwesto.
Nang maka-upo ako ay madami naring estudyante na nandito sa loob at tahimik lang sila dahil di pa sila magkaka-kilala.
Iba-iba ang ginagawa ng mga ito.
May nagsusulat, nagdo-drawing, may nagce-cellphone, may naka-earphones at nakapatong ang ulo nito sa kanyang lamesa, may naka-idlip din, meron ding naka-tunganga, at may kumakain pa talaga.
Pero may ibang nag-uusap-usap at satingin ko magkaka-kilala na rin ang iba sakanila.
6:42 a.m. na ako nakarating sa aming paaralan at buti hindi pa naman ako late at wala pa ang teacher sa loob ng room.
YOU ARE READING
I Met Him In School
De TodoSi Luna Santos ay nag-aaral Blake University, galing ito sa mayamang pamilya ang magulang ni Luna ang nagmamay-ari ng paaralan na ito.Si Luna ay sikat sa kanilang paaralan dahil sa taglay nitong kagandahan at kabaitan. Ngunit isang araw may isang la...