PROLOGUE

10 0 0
                                    


Maybe it's all my fault. Ako ang hindi enough kaya ako ang may kasalanan. I should have known this better than anyone else. Hanggang sa mamatay ako, aakuin ko lahat ng sisi. Because I was not enough and I will never be enough for anyone.

"I'm sorry, Rei." Iyan ang huli niyang sinabi bago niya ako tinalikuran ng gabing 'yon. It was after my 18th birthday celebration. Kung alam ko lang rin pala na ganoon ang mangyayari, sana ay hindi ko na lang siya ininvite. Kung pwede lang talagang magpa-abiso bago manakit ano? Like, 'makikipag break ako sa'yo bukas. Sinasabi ko lang para hindi ka na magulat.' Funny. Iyon na pala talaga ang literal kong "huling sayaw". But nobody expected that to happen. Sino ba namang mag aakala na pagkatapos ng gabi na 'yon, iiwan ako ng isa sa mga taong sobrang mahalaga sa akin. He said he wanted to end our 1-year relationship. Yes, 1 year lang 'yon pero pakiramdam ko 10 years naging kami. I'm so sick of that young and reckless love.

There was no third party according to him.

Na-fall out of love lang siya.

Ganyan lang kasimple ang rason pero halos masira ako ng gabing 'yon.

"Bakit ka umiiyak?" Natigil ako sa pagtitipa sa aking keyboard nang marinig ko ang boses ng kaibigan kong si Risse. "Sobrang carried away ka naman diyan. Oh, heto na ang hot choco mo. 30 pesos 'yan ah. Medium 'yan eh."

Agad kong kinuha ang pinasabay ko sa kanyang kape sa 7/11. "Thanks. I'll pay tomorrow. Wala pa 'kong cash eh."

"Joke lang naman! Para namang iba ka pa sa akin. Oh siya, hindi ka pa ba matutulog?"

"Tatapusin ko lang 'tong isang chapter." I replied while sipping my hot choco.

"Bagong nobela? Tungkol saan?" Tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. 
I don't think I'm ready to share this to anyone yet. Hindi pa 'ko satisfied eh.

"Abangan mo na lang kapag natapos ko na at naipasa sa DL publishing."

"Hmm, sige. Sabi mo eh. I'll leave then. Just call me if you need anything, alright?"

"Yes, Risse. Thank you." Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay tyaka lang ako nakahinga nang maluwag.

2 years ago, I quit studying. Hindi dahil tinamad ako at lalong hindi dahil sa kailangan para sa pamilya.
Well, to tell you the truth, I simply quit because I don't find myself living anymore. Yung pakiramdam na para bang nabubuhay ka na lang para sa wala. I was just going with flow at wala akong nakikitang direksyon. I can't visualize what plans my life has to offer. Naghihintay na lang ako sa kung ano pa ang pwedeng ibato sa'kin ng buhay. I feel like I'm slowly turning into a robot at ayoko ng ganoong klaseng buhay. Hindi ako isang de-bateryang makina na hinuhulugan ng barya para mag function. That's the time when I told myself that I can't live like that anymore. I needed to do something. I needed to get back to the old me, who was that goal-driven and motivated to look for my purpose.

It takes a lot of courage before I decided to quit. Imagine, giving up your dream to look for a purpose. I just need to breathe. And maybe when the right time comes, I'll be able to continue studying—that is what I was thinking back then.

I woke up from my reverie when the cold wind invaded my peace. Napatingin ako sa orasan. It's already 3 am. 30 minutes na rin pala akong nakikipag titigan sa monitor ko. Ubos na rin ang hot choco  at kanina ko pa pala nginangatngat ang straw. Bilog at maliwanag na buwan ang bumungad sa akin nang tunguhin ko ang balcony. Maingay pero ang peaceful ng ganito para sa akin. Siguro dahil nasanay na rin ako sa city life. What more could I expect? Normal na lang ang ingay ng busina at polusyon sa lungsod. Sinong hindi masasanay?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters for Cigarettes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon