CHAPTER 10: ALAGA

4 0 0
                                    

Bagong araw na naman pero bukas parin sa bawat isa ang pagod na natamo namin kahapon.

Lahat ay masaya dahil natapos narin ang parusang naigawad sa amin pero  bakit para sa akin parang may kulang.
Diniskubre ko ng mabuti ang hinahanap ang mga mata ko.

Isa isa kong tinitigan ang apat kong kaibigan.

Laking gulat ko nang makita ko lamang ay ang masasayang mukha nina Awi,Josh, at Kath at di ko man lang nasilayan ang paborito kong ngiti sa lahat, ang ngiti ni Tim.

"Josh asa'n si Tim?"tanong ko.

"Miss mo agad?hahaha..."pambobola ni Josh

"May sakit si Tim kaya wala siya ngayon.." pagpapaliwanag ni Kath

"Nanghina daw ng husto ang katawan niya kaya minabuti nilang pagpahingain muna siya" dagdag pa ni Awi

"Huhhhh?.. eh nasaan siya ngayon?... sinong kasama niya?.." nag aalala kong tanong

"Malamang nasa bahay nila at malamang na malamang wala siyang kasama" sabi sakin ni Josh

"Mabuti pang pumunta ka agad dun para may mag alaga naman sa kanya" suhestyon ni Awi

"Hyst mabuti pa nga.." pag sang ayon ko naman

*Alalang alala ako para sa kalagayan ni Tim at dahil na rin alam kong ako ang may kasalanan ng nangyari sa kanya.
Kahapon ay kitang kita na siya ang may pinakamalawak ang parte ng nilinisan sa gym. tapos iniwan ko pa siya sa C.R tiyak ngang manghihina talaga ang katawan ng isang tao sa ganung sitwasyon lalo nat di naman siya sanay.
Pumasok sa isip ko na tama nga ang suhestyon ni Awi na dapat ko siyang alagaan.

Dadamputin ko pa lamang sana ang cellphone ko para tawagan ang driver ko upang masundo ako ay sakto namang nag ring ang bell.

Wala na akong nagawa kundi pumasok at maghintay na matapos ang kalahating araw ng klase.
Imbes na makinig sa leksyon ng guro ay sumasabay na lamang ang mga mata at isip ko sa bawat pag ikot ng bawat kamay ng akin munting relo.
At nang ang kamay ng reloy tumapat na sa saktong oras ng uwian at agad akong tumakbo palabas ng paaralan at ako pa yata ang unang studyante na lumabas sa gate.

Pumara agad ako ng tricycle at dumiretso sa bahay nina Tim. Nang timigil ang trycicle mula sa mabilis niyong takbo kanina ay inabot ko agad ang aking bayad at nag doorbell sa bahay na nasisigurado kong kay Tim.
Sampung beses mahigit kong pinindot ang doorbell na yun ngunit wala man lang lumalabas.
Naalala ko ang sabi ni Josh kanina na mag isa lang siya sa bahay nila at dahil ang gate ay kaya ko namang buksan gamit ang mga kamay ko ay walang pag aalinlangan akong pumasok at hinanap ang silid ni Tim.
Maya maya sa isang gilid ng bahay ay nakakita ako ng mga pictures ng isang lalaki na nakapatong sa isang mamahaling mesa.
Nilapitan ko ang mga iyon at nakita ko ang mukha ni Tim.
Gwapo at maamong mukha, matangkad at may malaking puso, ganyan ko inilarawan base sa larawang iyon si Tim.
He is more than perfect! Handsome outside and handsome inside.

Habang tinititigan ko ang mga larawang iyon ay napatigil ako dahil may narinig akong parang nahulog na gamit sa isang silid sa ikalawang palapag.
Agad akong tumakbo sa lugar na iyon at nagulat nang makita ko si Tim na talaga namang nanghihina.

"Tim!" tawag ko sa pangalan niya.

Lumingon siya agad at sabing "Rhea... anong ginagawa mo dito?".

"Wala nang tanong tanong, nandito lang naman ako para alagaan ka" sagot ko sa kanya.

Maputi si Tim kaya agad kong napansin ang pagpunta ng pisngi niya.
Pagkatapos naming mag usap at wala ng sumunod na nangyari.
Parehas kaming natulala sa hangin at nag isip ng malalim.
Walang usap, walang imik, walang pansinan,parang mga pipi na nabingi dahil sa sobrang katahimikan.

"Nilalagnat si ako d'ba?" sambit niya.

"Uminom ka na ba ng gamot?
Wag kang magpupuyat baka madagdagan pa.
Tsaka mag ingat ka kasi lagi" paalala ko sa kanya  ng may taimtim na boses at puno ng concern.

Todo tutok ako sa pag aalaga sa kanya. Pinupunasan ko siya kapag may pawis siya, sinusubuan ko siya kapag gusto niyang kumain, pinapainom ko siya ng gamot kapag oras na para mag take, at nagbibigay ako ng jokes para mapasaya siya kahit sa munting sandali.
Wala akong sinayang na segundo,
Wala akong pinalipas na minuto,
At wala akong ginawa sa bawat oras kundi ituon ang lahat ng atensyon ko sa mahal Kong pasyente.
Wala akong naramdamang kahit anong lungkot at ano mang pagod dahil mahal ko ang ginagawa ko at mahal ko ang pinaggagaw'han ko, si Tim......




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Please don't forget to vote, comment and follow tenkyah😊
Godbless

Love means?...Where stories live. Discover now