CHAPTER 73 *It's a Yes*

52 6 0
                                    

CHAPTER 73 *It's a Yes*

6 YEARS LATER

Demi Xeira

"Ms. Garcia, may klase pa po ba tayo mamayang hapon?" lapit ng isa sa mga estudyante ko sa akin.

"Wala na, may program daw mamaya sa hall eh. Pinapadalo lahat, pumunta nalang kayo doon ha? Pakisabihan nalang din mga kaklase mo" sagot ko sa kaniya.

Nasa opisina ako ngayon, at nag-aayos ng gamit ko, dahil kakarating ko lang galing sa isang klase ko.

I am a Licensed Professional Teacher now, na 6 years ago ay pinangarap ko lang, ang bilis ng panahon, parang kelan lang noong grumaduate ako sa high school.

Parang kelan lang din noong grumaduate ako sa college, nagtake ng Licensure Examination, at ngayon nga ay ganap ng Teacher.

Ang bilis ng panahon, sobrang bilis, na akala ko hindi na kami aabot ni Renzel hanggang sa ngayon.

Sobrang dami naming napagdaanan mula noong tumuntong kami sa college, dahil nga din at magkaiba kami ng kurso na pinapasukan.

Magkaibang oras ng vacant, magkaibang load ng mga subject, magkaibang majors, magkaibang mga tao na nakakasalamuha araw-araw.

Hindi naging madali, Oo. Pero walang sumuko, dumating man kami sa puntong nagkaroon ng sobrang lalang di pagkakaunawaan, pero nagkaintindihan din naman sa huli.

Heto nga at patuloy na nagmamahalan, patuloy na matibay at matatag ang relasyon namin.

Iba pa rin pala talaga yung relasyon na nabuo mula sa pagkakaibigan? Napatunayan na namin yun, mas kilala ninyo ang isa't isa, mas matibay yung pagkaka-konekta ninyo sa isa't isa.

Hindi lumilipas ang isang buong araw na hindi nagkakamustahan, kaya din siguro hindi nawala yung spark.

Sobrang saya ko hanggang sa ngayon, dahil kami pa rin, kami pa rin ng taong mahal ko.

Matapos kong mag-ayos ng mga gamit ko, ay nagsimula naman akong magsulat na ng mga lesson na gagamitin sa mga susunod na araw.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina at bumungad ang mukha ni Janine.

"Demiiiii!" sigaw nito papasok.

Napatakip naman ako sa tenga ko sa lakas ng boses nito.

"Ano ba ang ingay mo ah" sabi ko sa kaniya, nang makarating siya sa harapan ko at umupo.

"Sorry na po Ma'am Francisco- ay este Ma'am Garcia pala" nakangising sabi nito.

Napakunot naman ang noo ko sa kaniya, kaya natawa ito sa harapan ko.

"Hindi ka na ba lumalabas sa opisina mong 'to? Ano na? Wala nang time magsocialize?" sunod-sunod na tanong nito sa akin.

Tinawanan ko lang naman ito, mula kasi noong magsimula na akong magturo ay hindi na ako madalas nakakasama sa mga gala at lakad nila.

Umaga hanggang hapon ba naman ay nasa eskwelahan ako, pagdating naman ng gabi, ay yun nalang ang nagsisilbi kong pahinga, naiintindihan naman nila.

"Sorry na, alam niyo naman eh" sabi ko sa kaniya.

Nginitian lang naman ako nito,

"May program daw sa hall ah? Hindi ka ba pupunta?" tanong nito.

Nakatingin lang naman ako sa laptop sa harapan ko.

"Pupunta ako, maya-maya siguro, tinatapos ko lang itong ginagawa ko" sagot ko sa kaniya.

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon