EPILOGUE

63 3 1
                                    

EPILOGUE

Renzel Carl

"Attorney Francisco!" natawa ako ng tawagin ako ng asawa ko.

Agad akong umakyat sa kwarto namin,

"Yes po, Ma'am Francisco? Ano po ang maitutulong ko?" nakangiti kong sagot sa kaniya nang buksan ko ang pintuan.

"Dada!" tawag sa akin ni Denzel, ang tatlong taong gulang na anak namin ni Xei, agad na nagtungo ito sa akin, kaya naman sinalubong ko ito.

"Yes Baby? Miss me already?" pinugpog ko ng halik ang mukha nito, kaya naman agad itong napahagikhik sa akin.

"Yes Dada" masaya nitong sabi, hinalikan ko ulit ito sa pisngi niya, nang lumapit sa akin si Xei.

"Ikaw na nga muna ang magbihis kay Denden, Moo. Mag-aayos lang ako" sabi ni Xei sa akin.

"Yes po, no problem, right baby?" sabi ko.

Pumapalakpak naman ang anak ko, at binabanggit ang salitang "Moo" kaya natawa kami ni Xei.

"Magbihis ka na, Moo. Ako na bahala" sabi ko sa kaniya, tumango naman ito sa akin at pumunta na sa banyo.

Ibinaba ko naman sa kama si Denden, at pumunta sa cabinet nito para maghanap ng damit.

Nang makahanap ng damit, ay napatingin ako sa kama at nakaupo na si Denden na naglalaro nung pulbo.

"Baby!" tawag ko sa kaniya, at agad na lumapit.

Napuno ng pulbo ang katawan nito, kaya tawa ako nang tawa.

"Look what you did" sabi ko sa kaniya, pero humagikhik lang ito sa akin.

Sinimulan ko na ding ikalat ang pulbo sa katawan nito, nang matapos ko siyang bihisan ay sakto naman ang paglabas ni Xei sa banyo, na nakaayos na.

Nakadress ito na black na may design na puti sa ibabang bahagi nito, at terno naman sa suot kong black na tuxedo, si Denden naman ay nakasuot din ng gray at black na polo.

Napatingin ako sa kaniya, nang makalapit ito sa amin.

"You're beautiful, Ma'am" sabi ko sa kaniya.

Pinamulahan naman ito ng pisngi, kaya natawa ako sa naging reaksyon niya.

"Bolero ka talaga kahit kelan" sabi nito sa akin nang nakangiti.

"All set? How's my baby?" tanong ni Xei, at agad binuhat si Denden at hinalikan ito sa pisngi.

"Fine Momma" sagot naman ng anak namin, kaya tumawa kami ni Xei.

"Ang cute cute mo talaga, be ready sa panggigigil ng Tita Janine mo" sabi ni Xei kay Denden.

Pumalakpak naman si Denden,

"Tata Janine!" masayang sabi nito, ngumiti naman si Xei.

-==-

Nang makarating kami sa hall ng lugar na ito, ay agad kaming sinalubong nina Jayme at Jeniel.

"Denden, our cutest baby!" excited na sabi ni Jayme, at pinisil ang pisngi ni Denden.

"Jayme!" saway naman ni Xei sa kaniya.

"Sorry na Dem, ang taba kasi ng pisngi ni Denden" agad namang sagot ni Jayme.

Sumalubong lang naman sa amin si Jeniel at nag-Hi ito kay Denden.

"Kanina pa kayo hinahanap ni Janine" sabi ni Jeniel sa amin.

Agad naman kaming naglakad papasok sa hall, at nakita ang maraming mga tao.

Thanksgiving Celebration kasi ngayon ng boutique ni Janine, dahil nag-open ito kahapon, at dinagsa naman ng maraming tao.

Nang makita kami ni Janine, ay patakbo nito kaming sinalubong.

"OMG! Baby Denden!! I miss you" agad na sabi nito nang makalapit sa amin, si Denden agad ang na-welcome, cute kasi ng anak ko eh, mana sa daddy!

"Tata Janine!" masaya namang sagot ni Denden, kaya natawa kaming tatlo.

"Alam niyo, nagi-start na ang music sa hall, sumayaw muna kayong dalawa, ako na muna ang bahala sa cute kong pamangkin" sabi ni Janine sa amin.

Kinuha naman nito si Denden mula kay Xei, at hinalikan sa pisngi, nanggigigil na naman siya kay Denden.

Nang makuha ni Janine si Denden, ay humarap naman ako kay Xei.

"Shall we, Mrs. Francisco?" sabi ko sa kaniya, at inilahad ang kamay ko.

Ngumiti naman ito sa akin, at kinuha ang kamay ko.

"Sure, Mr. Francisco" sabi nito, at ngumiti.

Nakita kong muli ang matamis niyang ngiting yun, na lalong nagpapatama sa akin.

Sabay kaming pumasok sa hall, at nakita ngang nagsasayaw na ang mga tao sa gitna.

Naglakad naman kami papunta sa gitna, at nagsimula na ding sumayaw.

Hawak ko ang beywang nito, at nakahawak naman ang mga kamay nito sa balikat ko,

"Thank you for loving me, and for bringing Denden into our life" sabi ko sa kaniya.

Muli kong naalala lahat ng nangyari sa buhay namin, mula noong nagkakilala kami.

It was a good journey, a beautiful memory that I always treasure.

"I will not stop loving you, Renzel. You are both my strength and weakness, you never fail to make me smile and happy, you and Denden are the best thing that came to my life" sagot nito sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya,

"I love you, Xei"

Tumigil kami sa pagsasayaw sa gitna ng hall, nakatingin lang din naman ako sa mga mata niya, parang tumigil ang lahat ng nasa paligid namin, nang magtama ang mga mata namin.

"I love you too, Renzel" sagot nito sa akin, lumawak ang ngiti ko.

"and let me say that, I'm not just lucky, I am also blessed that I'm in love with you, my Forever Bestfriend" sabi nito.

Unti-unting naglapit ang mga mukha namin, hanggang sa maramdaman ko ang malalambot niyang labi na dumampi sa akin.

I will love you forever, Xei

"Sundan na natin si Denden?" seryosong tanong ko sa kaniya, natawa naman ito sa sinabi ko at tinapik ako sa balikat.

"Teka at wala pa akong maisip na pangalan" sabi nito, kaya nagtawanan kaming dalawa.


-----------------------------------------------------------------


Maraming Salamat po sa lahat ng nagbasa at tumangkilik sa #ILIILWMB <3 Thank you for appreciating my work! :) Lovelots, Keep safe always!

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon