"Kuys Niks, babakasyon ka daw dito sabi ni mama?" masayang bungad sakin ni Dennis sa kabilang linya
"oo Den, namiss ko na maligo ng dagat eh haha, pasabi kay tito baka hapon na ako makadating sa bayan ah"
"oo kuys, sasabihin ko mamaya kay papa para masundo ka niya, bye"
Sabay baba ng telepenoAko nga pala si Niko, 22 years old, kumukuha ng kursong engineering sa isang kilalang school dito sa manila.
Summer kaya naisipan kong mag bakasyon sa probinsiya at doon ako kina tita maninirahan pansamantala.
Gusto ko ipahinga ang isip ko at lumayo para mag karoon ng time sa sarili ko. Inaasahan kong magiging masaya ang bakasyon koPero hindi pala...
4:38 pm, ang oras ng makarating sa bayan, wala pa ang tito kaya namili muna ako ng konting pasalubong sa kanila habang nag aantay. Saktong 5:00pm na nakarating ang tito at nasundo ako, humingi ng pasensya dahil nag ka problema ang motor niya at ayaw mag start, sinabi kong wala naman sa akin iyon at umuwi na kami.
"hoy Tonton! Bakit ngayon lang kayo kawawa naman si Niko pinag antay mo doon"
Inis na sabi ng tita kay tito"ewan ko ba dito sa motor ko delia, bigla bigla na lng ayaw mag start minsan maayos naman" sagot ni tito kay tita
"oh siya hayaan mo na at kakain na tayo" sagot ni tita
"ah eto po pala tita konting pasalubong" sabay abot kay tita ng pinamili ko
"nasaan nga po pala si de—""hello kuys den!" masigla bati ng bata
"hahaha saan ka ba galing at ngayon ka lang? Akala ko pa naman sasalubungin mo ako hahah" pabiro kong sabi
Si Dennis ay nag iisang anak nila tita at tito, namatay kasi ang ate ni Dennis 1 year palang ang nakakalipas.
10 yrs old na si Dennis pero hindi pa nag aaral. May down syndrome kasi ang bata at sa lugar na yun ay walang school ang may kayang mag alaga ng mga katulad niya, isa pa ayaw ng tito at tita na ma bully si Dennis ng ibang bata, napakasakit nga naman sa mga magulang na makita ang nag iisa nilang anak na inaapi."hahaha nag laro lang kami ni Em sa likod" na ngiting sabi niya sa akin
"Den" seryosong tawag sa kanya ni tita
Nawala yung ngiti ng bata at umupo na para kumain.
Tahimik kaming kumain, as in walang nag salita kaya medyo na naramdaman kong may mali.
Nilinisan na ni tita si Den para makatulog habang ako naman ay naka pwesto sa sala kasama ang tito manood ng tv."Niko naka handa na pla yung higaan nyo ni Den, kapag inaantok ka na pumunta ka na lng sa kwarto nyo ah" mahinahong sabi ni tita, tumango ako bilang tugon
"ahh Niko, pwede ka bang makinig ng konti may sasabihin lang ako" pahabol na sabi ni Tita
Medyo kinabahan ako nun kasi seryoso ang mukha ng tita pati na din ang tito na napatingin sa akin. Hindi ko makakalimutan yung mga sinabi niya sa akin
Simula daw ng nawala ang ate niya ay nag karoon daw eto ng imaginary friend na ang pangalan ay "EM". Eto din ang pangalan ng ate ni Dennis, sa una ay hinayaan lng nila ang bata pero kalaunan at nag iiba na daw ang bata, minsan daw ay hindi na eto natutulog at naabutan nilang nasa sala dahil laging kalaro si Em kaya nag kakasakit si Den at kapag pinag babawalan daw nila etong paglaruin ay sila daw ang nagkakasakit.
Sa una ay alangan ako sa mga kwento nila tita dahil hindi ako naniniwala sa mga ganung kwento, saka baka nag kataon lng naman pero yung sunod na kwento ni tita, dun ako kinilabutan.Alas nwebe ng gabi ng nagising sila tita at tito dahil sa may kumakatok, bumangon daw si tita para tignan pero wala naman daw tao, isasara na ni tita yung pinto ng biglang may
"mama" boses ng batang babaeng natatakotNanlamig daw ng bigla si tita at di makagalaw, nakakunot noo si tito ng lumapit at tinapik si tita at sinabi kung anong nangyari pero di nag salita si tita at isinara na lng ang pinto.
"Niko bantayan mo na lng si Dennis ah" pakiusap sakin ni tita
"opo tita" sagot ko kahit takot na takot na ako
Napansin siguro ni tita na natakot ako kaya nag aya na siyang matulog kami.Papunta na ako ng kwarto ng mapasilip ako sa labas, napalapit ako sa bintana tapos pinamamasdan ko maigi ang labas, ramdam ko yung lamig ng hangin ang sarap tapos madilim na din wala akong makita bukod sa motor yung nakasakay—
"huh!?" Gulat kong sabi
Kitang kita ko may nakaupo sa motor! Hindi ako makagalaw hindi maputol yung tingin ko sa kanya"tito!" sigaw ko
Biglang lumabas si tito at tita ng kwarto at napalapit sakin
Saka ko pinaliwanag ang nakita ko pero ayaw niya maniwala"baka naman guni-guni mo lng yun Niko impossible namang may uupo pa sa motor anong oras na"
"ti..to kitang kita ko po andun siya eh.... nakaharap pa nga sakin eh.. parang nakaangas na babae ang upo niya" takot kong sabi sa kanila
"sabihin nating may nakaupo nga, edi tao yun kaya wag ka matakot" kontra ni tito
"hin..di tao yun" sagot ko habang nanginginig
"paano mo nasabi?" alalang sagot ni tita sa akin
"Wala siyang ULO!!"
Kita ko sa kanila yung pamumutla, hindi sila naka sagot agad sa sinabi ko. Mag sasalita sana ako na ng biglang
"SI EM!!"
sabay sabay kaming napatingin sa pintuan kung saan galing ang boses...... Si Den naka dungaw sa pinto at nakangiti
Grabe ang takot ko ng nakita ko siyang nakangiti.. Parang may something sa bata, lalo na yung pag kakangiti niya, parang tuwang tuwa siya na nakikita na namin si "EM"
Mabilis na binuhat ni tita si Dennis papunta sa kwarto namjn sumunod naman agad ako at naiwan si titong tulala sa sala
Pagkahiga ko ay agad akong nag talukbong sa kumot ay nakatulog.
Kinabukasan wala kaming imikan nila tito at tita habang nag aalmusal
Kasama din namin si Dennis nag kukulay sa coloring book habang pinapakain"Niko samahan mo muna si Dennis dito bibili lng kami ni tito mo ng makakain para mamaya"
"opo tita sige lang po" sagot ko
Mag aalas dyes na ng nakaalis sila tito at tita, ako naman ay nag babantay kay Dennis sa sala, akala ko magiging tahimik yung mag hapon ko....
"Em!" masayang bungad ni Dennis habang nakaharap sa TV
Nag taasan balahibo ko.. Umaga pero bakit ganito, ang bigat ng pakiramdam ko, parang may nakatingin sa akin.
"Kuys Niks oh! Si Em" sabay turo sa may TV nila
Napatulala ako saglit sabay pinag masdan ang TV pero wala naman akong makita bukod sa tv, cabinet at picture fra—
" AHHHHHHH!! " SIGAW KO NG MALAKAS SABAY TAKBO PALABAS
dali sali kong tinawagan si tito at pinaliwanag ang nakita ko
"MAY BABAE!! MAY BABAE SA PICTURE FRAME!!" halos paulit ulit kong sinasabi sa kanya.
Kitang kita ko yung ULO NG BABAE NASA PICTURE FRAME.
TITIG NA TITIG SIYA SA AKIN, hindi siya naka ngiti basta walang emotion tapos naka titig lang sa akin, lalo na ng narinig ko yung salitang
" mama"