A/N: Nainspire ako sa dati kong ka MU. Pero, siya ang nang-iwan hindi ako. Anyway, sa mga taong pilit na nagmomove-on pero wala padin, sa mga taong palagi nalang hanggang MU nalang sila, sa mga taong takot magsabi, para sainyo po ito. Sorry po sa mga konting Bad Words Haha.
[+]
“Uy, Kate.”
“Francis. Kamusta, ano-“
“Nga pala, magtr-try ako na mag transfer sa school niyo, kate.”
Si francis ay moreno, matangkad, medyo mataba kaunti, baby face pero may pimples, may dimples din siya, at sobrang maloko na lalaki.
(Akala niyo lahat ng lalaki sa mundo, walang pimples. Echosera kayo!)
Kaya siguro hindi kami nagkatuluyan 4 years ago
kasi mas bata kasi siya sa akin ng isang taon
pero hindi halata yun sa itsura namin.
Reunion ngayon ng batch namin at sa kasamaang palad,
hindi naman pwede na hindi ko siya makita,
dahil magkaklase kami nung 4th year.
“Grabe, apat na taon na rin simula nung huli kitang makita kate.”
“Ikaw din francis, hindi ka padin nagbabago.” Mahal pa din kita.
“So, kamusta? May boyfriend ka na ba?”
Hindi ko masagot ang tanong niya.
Mali kasi ang tanong niya, dapat ang tanong niya,
So ano nakamove on ka na ba sa akin?
“Wala e. Wala pa din.”
Kasi ikaw padin ang gusto ko.
“Nako, tumatanda na tayo. Hindi ka na dapat choosy. Ako nga ngayon, may binabalak akong ligawan. Kaya dapat ikaw maghanda ka na, na umibig ulit.”
Hindi ko kayang umibig
Kasi hindi parin ako nakakapagmove on sa’yo.
Alam ko na MU lang tayo for 6 months,
pero 4 years ko yun iniiyakan,
4 years ko yun pinanghihinayangan,
4 years ko yun pinapaulit ulit sa kokote ko na
wala ka na sa akin.
“Baka siguro dahil, gusto padin kita. De. Biro lang syempre. Busy lang talaga siguro ako, lalo na’t graduation year na.”
Ang galing ko naman magpalusot, nanlalamig na ako.
“Imposibleng mangyare na gusto mo padin ako ngayon, dahil ikaw nga ang nang-iwan diba?”
BINABASA MO ANG
Malabong Usapan » one shot «
Short Story❝Saan kaya aabot ang malabo nating usapan?❞ © missrench