Page 33

132 11 5
                                    

"Thank you, Mika!"

Pagpapasalamat ni Brent sa kanya matapos niyang ibigay dito ang christmas gift niya.

Christmas party na kasi nila ngayon at sobrang saya dahil madaming activities na inihanda para sa kanila sina Vanes kasama ang iba pang mga classroom officers nila.

"Sana magustuhan mo 'yan"

Ang laman lang naman ng regalo niya para dito ay isang sweater na magagamit nito kapag nasa US na ito.

"Kahit ano naman, basta bigay mo. Pero syempre, may gift din ako para sa'yo!"

"Seryoso ba 'yan? Parang ngayon ka lang magreregalo sa'kin ah?"

Natatawa niyang sabi na ikinatawa rin nito. Ibinigay nito sa kanya ang isang maliit na paper bag.

"Buksan mo na, magagamit mo 'yan"

"Sure ka? Sige!"

Binuksan niya iyon at bumungad sa kanya ang isang unisex na wristwatch at katulad na katulad iyon ng suot nito ngayon.

"Kapag umalis na ako ay gusto kong ingatan mo 'yan. Parehas tayo oh! Ini-advance ko 'yan ng four minutes para 'di ka malate sa kung saan ka man pupunta. Naka-adjust na rin 'yan at sigurado akong tama lang ang sukat n'yan sa'yo. Naka-set din 'yong alarm n'yan sa eleven eleven, katulad nitong akin. Para kahit magkahiwalay na tayo, sabay na tutunog ang mga relo natin sa eleven eleven tapos sabay tayong magwiwish. Ingatan mo 'yan ha?"

Hindi niya maipaliwanag kung gaano siya kasaya ngayon. Gusto na niyang maluha sa harap nito ngunit pinigilan niya dahil maraming makakakita.

"Iingatan ko talaga ito pero wait lang, bakit four minutes 'yong advance? Bakit hindi mo pa isinaktong five minutes?"

"Four as in L.O.V.E, love. Para maalala mo na kahit malayo tayo sa isa't isa ay mahal na mahal pa rin kita"

"Ang corny mo!"

Palusot niya dahil kinikilig na talaga siya ngayon. Natawa naman ito saka ginulo ang buhok niya.

"Huwag mong hahayaan na i-set o i-adjust ng iba 'yan ha? Gusto ko ako lang!"

"Yes, sir! Thank you talaga dito!"

"Gusto ko, pagbalik ko after five years ay dapat makikita kong suot mo pa rin 'yan"

Nakangiti siyang tumango-tango dito saka niyakap ito ng mahigpit. Sobrang aga naman ng Christmas gift ni God para sa kanya.

Isinuot nito iyon sa kanya at tama nga lang ang sukat niyon. Hindi masikip at hindi rin maluwag. Sobrang saya niya hanggang sa pag-uwi niya sa bahay ay nakangiti siya habang nakatingin sa relo niya.

Dumaan ang Pasko at Bagong Taon kaya naman malapit na muli ang pasukan nila. Excited na siyang makitang muli ang mga kaibigan niya lalo na si Brent.

Ngunit kapag nagpasukan na ay dadami na naman ang mga gawain nila. Kaya naman nang dumating na nga ang pasukan nila ay excited siyang pumasok sa loob ng classroom.

"Mika! Good morning!"

Agad siyang napangiti nang mabungaran si Brent sa loob ng classroom. Sobrang namiss niya ito lalo na ang ngiti at boses nito.

"Good morning! Ang aga mo ah?"

"Well, bagong taon, bagong buhay!"

Natawa na lang siya saka umupo sa upuan. Tumabi naman ito sa kanya at nagkwentuhan na lang sila ng tungkol sa naging Christmas vacation nila.

"Sa susunod na pasko, kasama ko na si mama sa US!"

Nakangiti nitong sabi at bahagya naman siyang nalungkot dahil ibig sabihin non ay sa susunod na pasko ay wala na ito dito sa Pilipinas.

IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon