Part 1 Si Ella at ang Matandang Babae

59 1 0
                                    

Writer's Note: Ang kwentong ito ay hango sa pelikulang "If The Shoe Fits" o "Stroke of Midnight" na pinagbibidahan ni Rob Lowe at Jennifer Grey early 1990's.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakaupo sa isang park si Ella. Mainit man ang panahon at basang-basa na sya nang pawis ngunit hindi nya ito pansin. Pakiwari nya ay wala nang pag-asa ang mga katulad nya sa mundo ng fashion. Binuklat nya ulit ang dala-dalang portfolio na syang pinakita nya kaninang umaga sa interview nya. Shoe designer si Ella, baguhan, may potensyal, kaso wala pang pangalan kaya hindi matanggap-tanggap sa inaaplayan.

"Magaganda naman ah..." ang mahinang sabi nya sa sarili habang iniisa-isa ang mga pahina ng dala nyang clearbook. Binuksan nya na rin ang isang shoe box kung saan nilagay nya ang isang sample ng sapatos na gawa nya.

"Kung binigyan lang sana nila ako ng chance na maipakita ito sa kanila kanina, kaso ni hindi man lang tinapos basahin yung resume ko..." buntong-hininga ni Ella habang inikot-ikot sa palad nya ang isa sa pares ng sapatos na gawa nya. Kulay silver ang sapatos na may 3 inches ang taas ng heel nito. Bagay sa mga pormal na okasyon pares ng isang gown. May mga nagkikinang na faux-gems na nakapalibot pa sa open-toe sa harap nito.

"Kung sabagay, sino ba naman ako para tanggapin sa kompanya ni Mr. Francisco Fuentes? Sila lang naman ang pinakasikat at malaking Fashion and Modelling company dito sa bansa. Kahit nga sa abroad, kilalang kilala sila. Try ko na nalang mag-apply kahit saan na pwedeng tatanggap sa baguhang katulad ko."

Tumunog ang cellphone ni Ella. Si Esther pala ang tumatawag.

"Esther malapit na ako sa bahay, hintayin mo nalang ako ng konti." sabi nya sabay hakot sa mga dala nyang gamit.

Sa pagmamadali hindi nya napansin na may papalapit din sa kanyang isang matandang babae na maraming kargang bagahe. Nagkabanggaan silang dalawa. Tumilapon ang mga dala ni Ella at ang shoe box ay nadaganan pa nung isang de-gulong na bagahe nung matandang babae.

"Kung sinuswerte ka nga naman oh..." pailing-iling na lang na sambit ni Ella habang tinutulungang tumayo ang matanda.

"Lola, ok lang po kayo? Sorry po, hindi ko po kayo napansin kanina..." pinagpupulot na nya ang mga nagkalat nilang gamit pagkatapos maiupo ang matanda sa malapit na bench.

Umupo nalang sya katabi ng matandang babae. Mukhang ok lang naman si Lola sa tingin nya.

"Lola, ok lang ho ba kayo?" tanong nya ulit nang makasiguro.

"Ay, ok lang ako iha. Yung mga gamit ko lang naman ang nagsitilapon. Ikaw ang inalala ko kasi ikaw yung natumba." sabi ng matanda.

"Wala hong problema lola, ayos lang po ako. Kumpleto na ho ba yung mga bitbit ninyo?" tanong niya habang iniisa-isa rin nyang inenspekyon ang mga dala nya. Sobrang dismaya nya nang nakitang napunit na yung sample shoes nya.

Gusto na nyang maiyak pero wala naman syang magagawa. Pinaghirapan at ginastusan nyang gawin ang mga iyon. Ngayon, anong ipapakita nya tuwing mag-a-apply sya ng trabaho? Wala na...

"Naku iha, ang sapatos mo, nasira yata. Sayang naman." sabi nung matanda.

"Ok lang ho lola. Mapapalitan din naman to pag nagkakataon. Kayo po ang inaalala ko baka kung may bali kayo o ano..."

"Wala talaga iha, huwag kang mag-alala..." hindi na tinapos ng matanda ang sinabi at tinitigan si Ella nang mabuti.

"Bakit nyo po ako tinititigan ng ganyan lola?" tanong ni Ella.

"Nakita na kasi kita dati iha." ngumiti ng malaki ang matanda sabay pisil sa pisngi ni Ella.

"Talaga ho? pero wala po akong matandaan." pagtataka ni Ella.

"Matagal na kasi yun at medyo mas bata ka pa nun. Sa probinsya nyo, nagpatulong ako sa iyo na hanapin yung isang malaking bahay. Sinamahan mo pa nga ako kahit malayo yun sa inyo. Ikaw pa nagbit-bit ng lahat ng gamit ko." masayang ikinuwento ng matanda ang nangyari noon.

Hindi na talaga matandaan ni Ella kung kailan nangyari yun kasi marami na rin syang tinulungan na mga matatanda sa probinsya kung saan sya galing. Maawain talaga si Ella lalo na sa mga lolo at lola na kasi lumaki siyang walang mga magulang at kapatid. Sa ampunan lamang sya lumaki kaya iniisip nya ang pamilya niya sa mga taong natutulungan niya ng konti.

"Ang bait-bait mong bata. Sana hindi lang ito ang huling pagkakataon na magkita tayo." sabi ni lola habang inabot niya ang punit-punit na shoe box kay Ella. Umalis na rin ang matanda bitbit ang pagkaraming bagahe.

"Bitbit siguro ni lola ang buong bahay nya." napangiting sabi ni Ella habang tinatanaw ang papalayo nang naglalakad na matanda.

Tumunog ulit ang cellphone niya.

"Naku, si Esther nga pala, nakalimutan ko... Esther, yes, sorry.... ikukuwento ko nalang sayo ang nangyari..." tinakbo na ni Ella papuntang aprtment nya na malapit sa park.

If The Shoe FitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon