Part I - Iskwelahan

5 1 0
                                    

Andito na ang guro namin sa silid aralan ng may nakita kaming nagbubugbugan sa gilid ng room namin.




"Magsitigil kayo" sabi ng aming guro at di parin nagsitigil ang nagsusuntukan sa gilid, kami namang mga nasa loob ng room ay nanunuod. Ang iba ay nagtatawanan, nag-aalala, natutuwa, nagpupustahan kung sino ang unang matutumba ng biglang binasag ng classmate naming lalake ang bintana kaya nakapunta siya agad sa away na nangyayare.


"Mr. Francisco, bumabalik ka dito" ani ng guro namin na galit na galit dahil nagpunta siya sa nag aaway


"Feeling hero" banggit ko at napatingin ako sa mga babaeng nakatingin sa gawi ko at tinarayan ko


"Shut up! Kala mo namang kaganda mo" sabi ng mistisang hilaw na nasa harapan ko ngayon ng biglang


"ANGE" sigaw ng tropa ko na si Dreak sakin sa pintuan


tinaasan ko siya ng isang kilay upang ipahiwatig ang bakit?


"SI ARGEL, YUNG BINUGBOG" sabi niya habang hingal na hingal


nagulat ako na si Argel pa ang binubugbog eh siya ang pinaka siga sa iskwelahan namin.


"Teka lang" sabi ko sakniya sa labas at nagpaalam ako sa guro namin kung pwede umihi at pinayagan naman ako habang busy siya sa pagpigil sa mga nagbubugbugan sa labas kasama si Francisco

"Puta, ano ba yon?" sabi ko kay Dreak habang natakbo kami patungo sa kinalalagyan ni Argel


"Di ko alam pero binugbugbog siya ng kalaban nila noon" na pa tigil ako sa pagtakbo "Bakit?" dagdag niya "Nagmamadali tayo Ange"


"Di ako pupunta" at naglakad ako palayo pero hinatak ni Drake ang kamay ko


"Ange kapatid mo yun, nakababatang kapatid baka nakakalimutan mo" sabi niya na may halong pag aalala


"Naisip niya ba yun ng gahasain ako ng tropa niya?" sabi ko habang na mumugto na ang luha


"Matagal na panahon na yun..." di ko na siya pinatapos sa sinasabi niya


"Tapos man o hindi nangyare parin ang di dapat mangyare" at tuluyan nako umalis


Naglakad ako ng naglakad hanggang sa nakarating ako sa dulo ng iskwelahan namin. Di ko namalayan na unti unti nakong nahihilo dahil kakaisip sa kung anong dapat gawin. Kung pagtatanggol ko ba yung kapatid ko o hindi. Mahirap maging ate lalo na kung naging close mo na masyado yung kapatid mo.
Naglakad ako habang na iyak, na iyak patungo sa kung saan. Hanggang sa di ko nalang namalayan tumumba nako tuluyan.



Pag gising ko andito nako sa clinic ng iskwelahan may lalakeng nakaupo sa gilid ko at ng tawagin ko kung sino yun bigla akong natauhan


"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko sakniya




"I know that your not fine but please you need some rest wag kana muna magalit masama yun for you" sabi niya sakin ng may halong pag-alala



"Letse! Tigilan mo ko! Para namang makakalimutan ko ang ma stress sayo" sabi ko sakaniya




"Hmm nurse pwede po ba iwan niyo po muna kami" sabi niya at umalis naman ang nurse





"Ange let me explain bago ka magalit okay? It is my fault, Yeah, I admit it.. So please wag kana magalit, I was drunk and I don't fucking know what I am doing that day" sabi niya sa akin




Habang ako naluluha dahil naalala ko yung nangyare sa amin. Di ko matanggap at di ko kayang tanggapin tong kinahaharap ko ngayon





"Shut up! Alam mo ginagawa mo! Bobo ka! Alam mo! Nagmamaang maangan ka lang" galit na galit kong sabi sakaniya





"Ipalaglag natin tong batang dinadala ko" sabi ko sakaniya habang napatulala siya





"WAG ANGELA! WAG" sabi niya habang nag mamakaawa at lumuluhod sa harapan ko




"Di ko kayang isalba ang buhay ng batang to kung ikaw naman ang ama" sabi ko sakaniya





"Kahit na ikaw nalang at ang baby ang magsama susustentuhan ko nalang kayo pero wag mo naman ipalaglag ang bata" naiiyak na sabi niya




Sa totoo lang di ko rin kaya mawala ang batang nasa sinapupunan ko kahit 1month palang akong buntis. Di ko kaya pumatay ng walang kamalay malay na bata. Pero kung walang inuman na nangyare noon di naman sana mangyayare lahat ng ito. Kung hindi lang sana nag party party at hinayaan ako ni Argel malasing at painumin ng pang patulog hindi ako mabubuntis.



"Ginago niyo ko ng kapatid ko! Mahirap lang kami, isang kahid isang tuka pero nilapastangan niyo parin ako! Vinideohan niyo pako! Mga wala kayong puso" sabi ko habang naiyak sa kama




Sa totoo lang gusto kong magwala, gusto kong magalit, minsan nakakalimutan kong buntis ako dahil minsan tumatakbo pa rin ako, minsan nakakalimutan ko na nagdadalang tao ako kasi kami palang ni Rain ang nakakaalam na buntis niya ako. He is Rain Francisco, siya ang ama ng batang dinadala ko at siya ang kinababaliwan ng mga kababaihan dito at siya ang nakipagsuntukan kanina sa gilid ng room namin. He is from rich family, lahat ng pamilya niya nasa political industry and some of them kilala talaga sa buong pilipinas. Meron siyang kapatid na babae which is Clarice Francisco na girlfriend ng kapatid ko na si Argel. Ang pamilya namin ni Argel hindi kilala, wala sa political industry and hindi kilala. Simpleng buhay lang ang meron kami mahirap at isang kahid isang tuka.
Gusto ko naman sana si Rain "NOON" kaso simula noong naging close kami nagbago na ang pagtingin ko sakaniya. Pogi't mayaman may tinatagong lihim at baho. Mahal ko si Rain "NOON" kaso pag mahal mo ang isang tao hindi ba dapat rerespetuhin mo siya pero hindi nangyare yun.



Alamin kung bakit sa mga susunod na kabanata..












[A/N : Thank you for reading my stories! Please be part of it. Sorry for the late updates. Spread the love and goodvibes. Godbless]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Save me! My Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon