16.

355 2 0
                                    

Habang nag titiklop si Amora ng kanyang mga damit na nilabhan ay nakarinig siya ng timbre.

Mukhang dumating na ang tinawagan ng boss niya.

Hindi na siya nag abalang lumabas.Para saan pa at hindi naman siya kailangan doon.
Ngunit sino nga ba ang tinawagan ng lalaki?
At bakit siya nagkakainteres?
Tumigil ka Amora!Nagiging tsismosa kana.

Upang libangin ang sarili'y nagbukas siya ng cellphone at doon na lang nag abala.
Nakapanood siya ng balita sa nagpost sa facebook.
Matindi na talaga ang nangyayari sa bansang China marami daw naapektuhan ng virus na unti unting kumakalat at pumapatay sa mga tao.
Dalangin ng lahat na huwag umabot sa bansang Pilipinas ang kumakalat na epidemia.

Bigla tuloy siyang nauhaw sa pinanunood at napilitang lumabas.

Nakaka ilang hakbang palang siya'y bigla siyang napaurong.
Nakita kasi sa gilid ng kanyang mata ang nakasiwang na pinto.
May sumisilip na kung ano.
Nakakatakot kung sakali man na tama ang nasa kanyang isip.

Tumingin ka!
Hinde!Ayoko!
Kahit sandali lang.
Ayoko!
Sus!Silip lang naman.
Ayoko sabi eh!
Walang makakaalam.
Mahuhuli ako!
Hindi ka mahuhuli,sandali lang naman.
Ayoko parin.
Ikaw,bahala ka,hindi mo makikita kung tama ang hinala mo o hindi.

At sa panunukso ng kanyang isang pagkatao'y
Tumingin nga si Amora.

At nanlaki ang kanyang mata.Natakapan niya agad ang kanyang mga labi upang hindi makakatakas ang impit niyang sigaw.
Mula sa pagkakatayo'y doon siya mismo bumagsak at nawalan ng malay ng hindi niya inaasahan.

May boses na tila tumatawag sa dalaga ngunit malabo iyon.
Hanggang sa katatawag ng makulit na boses na iyon ay unti unti siyang ginising ng liwanag.
Pagmulat ng kanyang mga mata'y nagsisigaw siya.Hindi niya malaman kung bakit.

"Hushhh,it's ok,it's ok,I'm sorry,I'm sorry!please."

Boses iyon ng kung sinong yumakap sa kanya ng mahigpit.

Sandaling napaiyak ang dalaga.

Nang unti unti na siyang nahimasmasan ay doon nalaman ni Amora na nasa sala siya at nakaupo kasama ng lalaking nakayakap parin sa kanya sa ibabaw ng malaking sofa.
Siya na mismo ang agad na bumitiw sa lalaki.

Sandali silang nagkatitigan bago naisipan ng dalaga na magsalita.

"P-Pasensiya kana.P-Pasensiya na kayo."

Sabi ng dalaga at sa kasama nila na naroon ding babaeng naka bathrobe na iiling iling sa kanya habang naninigarilyo.

"Era not here."

Narinig niyang sinabi ng amo.

Nakita ni Amorang nagmartsa papuntang balkonahe ang babae pagkatapos siyang tapunan ng naiinis na tingin.

"Ikaw naman kasi.Ano ang ginagawa mo sa tapat ng pinto ko?"

"N-Nakabukas kasi.N-Naiwan niyo."
Sabi niyang nagkakanda utal.

Saglit siyang tiningnan nito.

"Alam mo!"
Napahilamos ang lalaki sa sinabi sa kanya bago nagpatuloy.
"Alam mo ikaw e.Kailan kaba matututo?Matanda kana,dapat alam mo na ito!Ano?Ako pa ba ang mag aadjust?Para kang ano e-"

"Parang ano?Sige nga,parang ano?Parang tanga?Ikaw ang tanga!Sino ba namang bastos ang mag iiwan ng nakabukas na pinto at makita kayong naggaganyanan?Sino ang matutuwa?Hindi porke't ganito lang ako'y gagawin mo na akong parang tanga!Ikaw,kung ayaw mong magkaganito ako,ayusin mo,ilagay mo naman sa lugar! Ganito na ako eh,at wala akong choice dahil ikaw ang may kagagawan,tapos sisisihin mo ako?Ano bang kasalanang nagawa ko sa iyo para sapilitan mo akong isadlak sa ganito!?"

Nakita niyang nabigla ang lalaki sa sinabi niya at nanatili lang itong nakamata sa kanya habang nagsusumigaw siya sa kakasalita.

Naiiyak na iniwan ni Amora ang bastos na lalaki.
Wala siyang pakielam na binalibag ang pinto at doon niya sa mga unan at kumot pati sa mga bagong tiklop na damit ibinunton ang galit.Galit na siya lang ang nakakarinig.Nagwala siya roon ng walang ingay.

Ito paba?Ito pa ang may ganang magalit sa kanya?Kasalanan ba ang himatayin?Kasalanan bang may trauma siya sa ganoon?Kasalanan bang matawag na tanga dahil inosente ka?Ito ba ang kapalit ng pagiging inosente?E ano kung wala pa siyang alam sa ganoon?Totoo ang sinabi nito na ito dapat ang mag adjust at hindi siya.E pokpok ito eh,e ano bà siya sa palagay nito?Bulag?Na dapat walang reaksiyon sa ganon dahil hindi dapat siya nakakakita?
Nakakabastos na ng pagkatao!

Nanghihina siyang napaupo sa dulo ng kanyang kama.
At nagdasal ng mataimtim sandali.
Pagkatapos ay huminga ng malalim at pinahid ang mga luha sa mga mata at dahan dahang binuksan iyon.

Napanganga ang dalaga ng makita ang gulo sa loob ng kanyang kwarto.Ang mga damit kumot unan basahan mga panty at bra ay nakasampay kung saan saan.
May sa ibabaw ng lampshade,sa takip ng electricfan sa mukha ng teady bear niya ay naroon ang kanyang panty.
Hindi niya malaman kung ano ang uunahing ligpitin.

Ang dami niyang nagkalat na damit kung saan saan.
Nainis din siya sa sarili dahil bukod sa nanghina siya lalo ay gumawa pa siya ng ligpitin niya.Pati kasi mga libro ay naibato niya kasama ng iba pang gamit na hindi naman babasagin.Ang nakakatawa lang ay mukhang pinili pa ata niya ang mga ibabato.

At doon di'y natigilan siya.

Patay!Ano na naman ang nagawa niya?Paano na?!Ano ang mukhang ihaharap niya sa amo?
Siya kasi.Bakit pinairal niya ang kanyang katarayan ng wala sa ayos?Nakupo!Paano kung palayasin na siya nito?Wala pa naman siyang ipon dahil nagasta na niyang lahat sa bahay?Wala narin siyang trabahong babalikan dahil nag resign na siya sa trabaho nung nakaraan lang.

Tanga talaga siya!May punto ang lalaki.

Nagpalipas ng maghapon si Amora bago pasilip silip at dahan dahang lumabas ng kanyang kwarto ng makaramdam na ng gutom.
Nakabukas ang ilaw sa sala ngunit nakiramdam muna siya bago lumabas.

Nakahinga siya ng maluwag ng masulyapan ang nakapinid na kwarto ng lalaki.
Nasorpresa siya ng makitang may nakatakip na ulam sa mesa at may sinaing din.

Sumandok siya ng kanin niya at nagsimulang kumain ng nakakamay.Kanina pa kasi siya gutom na gutom naghihiya lang siyang lumabas kaya tuloy para siyang hayok na hayok sa pagkain kaya nagkamay nalang siya.

"Ok kana?"

Nabilaukan siya sa pagsubo kaya dali dali siyang uminom ng tubig.

"O dahan dahan lang."

Sabi ng lalaking nakatayo at nakasandal na pala sa hamba ng pintuan ng silid nito.

Imbes na mahimigan niya kung consern man o ito o ano ang nararamdaman ni Amora'y pagkapahiya at pagkainis.
Alam na nga nito na mapapahiya siya'y parang sinasadya pa yata nito.

Imbes na sagutin niya ang lalaki'y nanahimik nalang siya.

Nakita niyang lumapit din ito at sumandok.
Ang lalo niya pang ikinainis ay iyong sa tapat pa niya talaga ito pumwesto at doon kumain.

"Sorry talaga kanina.Hayaan mo,hindi na mauulit."

Sabi nito sabay kindat sa kanya.Nawala naman ang bikig na nakabara sa lalamunan ng dalaga dahil tila ok naman pala,ang buong akala niya'y uulitin nito ang ginawang panenermon sa kanya kanina.
Buti naman at hindi pa siya mawawalan ng trabaho.

"Pasensiya narin.Hindi ko sinasadya."
Sabi ni Amora sa lalaki kahit salat sa katotohanan ang kanyang dahilan.

"Nagalit lang ako kanina sa iyo 'non,kasi nabitin ako."

Tres Bastardos Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon