CHAPTER THIRTY - TWO

1.3K 40 5
                                    

KENDRA POV:

Simula nong nawala na ako sa mansyon, marami na akong nababalita tungkol kay Luxxe, naawa ako sa kanya sa totoo lang dahil halos limang buwan na niya akong nililigawan, sinusuyo para lang bumalik ako sa kanya kahit gustong gusto ko na siyang makasama pero pinigilan ko lang ang sarili ko, dahil gusto ko munang umalis dito at pumunta sa ibang bansa, malaki 3 months na ang tiyan ko pero hindi ito halata sa kanya dahil nagsusuot na ako ng mga malalaking damit,

Ang pamilya ko lang at mga kaibigan ko lang din ang nakakaalam sa aking pagbubuntis, even Kenneth hindi niya alam, kahit na si Luxxe hindi niya din alam, nahihirapan na akong itago ito kaya kailangan kong umalis papuntang England,

At sa araw na ito ako aalis,

"Kendra are you sure na kailangan mong itago ang anak ni Luxxe? hindi mo ba siya bigyan ng karapatan na malaman ito?." pagtatanong sakin ni Bea habang andito kami sa NAIA TERMINAL alas otso kasi ng gabi ang flight ko at sinadya ko iyon para hindi ito malaman ni Luxxe,

"Malalaman niya rin naman ito, soon." pangiti kong Sabi

"Sana tinapos mo man lang semester dito Kendra, mamimiss ka namin .." napangiti ako sa sinabi ni Leah,

"Basta huh? ninang kaming tatlo sa magiging anak mo Kendra.."

"Oo naman Shemie, hindi ko kayo makakalimutan, basta ba pag tuwing may occasions madami regalo niyo sa anak ko ah.."

"Nako! kahit pa bahay kayang kaya ko basta para sa inaanak namin!." si Bea

"Aba! ang yabang!."  sagot naman ni Leah

Nagtawanan at nag ku-kwentuhan lang kami hanggang sa dumating sina mama, papa at kuya .. sakto rin at na-i-announce na ang susunod na flight ay ang UK ....

"Anak, basta mag iingat ka don ah?." naiiyak na sabi ni mama Sakin

"Mama naman eh, umiiyak ka eh. naiiyak rin tuloy ako .." agad naman pinunasan ni mama ang mga luha ko,

"Anak ito yong unang pagkakataon na malayo ka samin kaya kung ano man ang problema mo doon tawagan mo agad kami ah?.."

Tumango ako at muli kaming nagyakapan ni mama nakisali narin sina papa at kuya Peter,

"Bunso mag iingat ka don okay?, tapos yang magiging pamangkin ko ingatan mo din ..."

"Opo kuya."

"Sige na anak dahil paalis na yong airplane na sasakyan mo." Sabi ni papa,

Nagmano muna ako sa kanilang dalawa, lumapit din sakin ang mga kaibigan ko at naiiyak narin sila, nahawaan tuloy ako sa mga pag iiyak nila,

"Hoy! ano ba? hindi pa ako mamamatay uy.." pabiro kong sabi sa kanila

"Eh kasi naman pwede mo bang i-extend ang pag alis mo Kendra?." nagulat ako sa hinihling ni Leah,

"Bakit?." pagtatanong ko

"Eh kasi.......... syempre mamimiss ka namin." Sabi niya

"I'll be back soon." Sabi ko sa kanila nag group hugs ulit kaming apat, at nagpaalam na ako sa kanila,

Habang naglalakad na ako palayo sa kanila hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na umiyak, kanina ko pa kasi pinigilan ang sarili ko na wag umiyak, Pero ito na talaga yong mga luha ko ayaw na paawat ...

Malayo layo na ako sa kanila pero nilingon ko muna sila, nakatingin sila saakin nag ba-bye na ako sa kanila at ganun din ang ginawa nila saakin, habang ang mga luha ko naman ay patuloy sa pagbuhos ...

Marrying the BILLIONERS SON [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon