#HULA- 18 years old na ko ngayon at kasalukuyan kaming nasa antipolo, nakasanayan n namin na dito mag celebrate tuwing pasko at bagong taon. maganda kasi ang view sa itaas ng bundok, bukod sa luntiang kapaligiran, kapag gabi ay para kang nasa langit sa dami ng ilaw na iyong matatanaw sa mga kabahayan sa ibaba ng bundok. madalas kaming mang huli ng ibon sa gabi tapos kapag umaga naman tinuturuan akong mamaril ng kapatid ko. Ang pinaka paborito kong kapatid. Isang araw nag luluto si mama ng tanghalian sa malaking bahay , habang si kuya Mon naman ay nag sisibak ng pang gatong. napansin ko sa lapag ang nakaukit nyang pangalan. biniro ko sya, aba parang lapida kuya, kapag umalis kna sa pag babantay nitong property ni madam mapagkakamalang me namatay dito. ginawan mo ng parang lapida tong bahay eh oh. nag tawanan pa kami noong araw na iyon. pagkatapos mag luto ni mama ay sumunod ako sa kuya Mon ko papuntang kubo. bigla syang lumingon saakin at nagkatitigan kami. may nakita ako sa mga mata nya, "malapit na syang mamatay, may malubha syang sakit". tinampal ko pa ang sarili ko nahihibang na ata ako dahil kung ano ano ang nakikita ko. ano ba tong nasa isip ko, na babaliw na ata ako. sabi ko pa sa isip ko. naging masaya ang bakasyon namin sa bundok kahit na may nagpapakita sa malaking bahay. may nag babantay daw kasi roon , sabi nila binabantayan ang kayamanan na nakabaon sa ilalim ng bahay. at kapag gabi na doon ka natulog sa malaking bahay ay makakarinig ka ng kung ano anong ingay, sinyales na hindi ka welcome sa bahay na iyon.
Pagkalipas ng isang buwan, nagkasakit si kuya, nilalagnat sya, nilalamig, at laging masakit ang ulo nya. ini uwi sya sa bahay ng ate namin upang doon magpagamot. ilang araw pa ang nakalipas ay ipinaconfine na si kuya Mon sa provincial sa mga naunang araw ng gamotan ay naging maayos ang resulta. lumalakas na sya at unti unting nagkakasigla ang katawan. hanggang sa isang araw, ako ang nakaeschedule upang magbantay sakanya kasama ang kanyang buntis na asawa. nagpaalam sya na iihi kaya tumayo sya , pero sa pag tayo nyang iyon ay nahipan sya ng masamang hangin at bumagsak sa sahig. nangingisay , nakaihi rin sya sa suot nyang padjama. halos hindi sumayad sa tiles na sahig ng hospital ang paa ko para tawagin ang doktor na sumusuri sa kapatid ko. ang daming sana sa isip ko. sana mali ang nakita ko, sana wag ang kuya ko, sana bangungot lang to. tinawagan ko si ate upang ipaalam ang nangyari, dumating naman sila pakatapos ng kalahating oras. umiiyak na kaming lahat dahil sa mga nangyayari, nag sasalita si kuya ng wala sa sarili, nagkukumbulsyon sa taas ng lagnat. noong gabi ding iyon ay inilipat sya sa ICU, napakaraming tubo ang inilagay sa katawan nya. at dahil wala pang aparatu na available ay nag mano mano kami sa pag pump para makahinga sya. lapnos lapnos ang mga kamay namin sa pag pump upang makahinga si kuya itinali rin ang kanyang kamay upang hindi nya tanggalin ang mga tubo sa katawan . kinabukasan eschedule ko ulit sa pag babantay kay kuya, medyo ok na sya kpag kinakausap nag reresponse na. pero hindi pa rin maidilat ang mga mata. tinataas nya lang ang kilay kapag oo, at kapag hindi ay hndi sya kikilos. maraming test ang ginawa sakanya pero walang makitang sakit, halos matuyo na ang balat nya , wala na rin makuhang dugo ang mga nurse. Gabi nanaman, kinakausap ko sya. nagpapaalam ako na pupunta akong abroad para maghanap ng pera pampagamot nya, wag kang susuko kuya, maghhanap ako ng pera para gumaling ka na agad. pero wala lang syang imik, nakita kong may luha sa gilid ng mga mata nya. naiiyak na dn ako pero pinipigilan ko. di ako bumibitiw sa pag asa na baka pwede pa. baka mali lang ang nakita ko.
Hindi ako natulog ng mga oras na yun, binatayan ko si kuya dahil sobrang taas ng lagnat nya, pero habang lumilipas ang oras napansin ko na kasabay nun bumababa ang lagnat ni kuya, pero kakaiba kasi hindi normal na init ng katawan ng tao ang nararamdaman ko. kundi ang unti unting pag lamig ng katawan nya. hinawakan ko ang kamay nya at pinulsohan ito. mahina ang pulso nya at malalim ang buntong hininga nya. mag aalasais ng umaga ng napansin ko ang pag putla ng dila ni kuya. natataranta na ako kaya tumawag ako ng nurse. nurse paki check nga si kuya, namumutla kasi sya tsaka mahina ang pulso nya. tumungo naman ang nurse sa kwarto ni kuya. ipinatawag ang doctor at iba pang nurse. nahuhulaan ko na ang susunod na mangyayari, humahagulgol na ko sa sakit. bakit ang kapatid ko pa?! kinukwestiyon ang Diyos kung bakit?! narinig ko nalang ang sabi ng doctor, sorry! pinipilit nyang lumaban pero katawan nya na ang bumigay. condolence! wala na kong nagawa kundi yakapin si kuya, naninigas na rin ang buo kong katawan. sana ako nalang sabi ko sa sarili ko. kahit hinang hina ako tinawagan ko si ate. ate, wala na si kuya Mon. matagal bago sya sumagot , akala nya nag bibiro ako. pwede ba?! wag kang mag biro ng ganyan! galit na sagot nya sakin. pero tinaasan ko ang boses ko, makakapag biro ba ko ng ganyan?! pumunta ka na
dito kailangan kita ate! patay na si kuya!! tinapos ko na ang pag uusap nmin. naupo ako sa tabi ni kuya, hinihimas ko ang dibdib nya, naririnig ko syang umubo. nahihirapan syang huminga. pag dating ni ate pinauwe na muna nya ang asawa ni kuya, habang ako patuloy lang sa pag hagod ng dibdib ni kuya. narinig kong nagsalita si ate, bakit mo pa hinahagod dibdib nya? patay na sya. naririnig ko sya ate, nahihirapan sya sa pag hinga . sagot ko sakanya. napaiyak nalang si ate at tumalikod, iniwan nya ko sa loob ng kwarto kung saan maraming patay.
makalipas ang dalawang linggo ay inilibing na si kuya, kasabay ng paglibing sakanya ay ang pag libing ko rin sa aking kakayahang makakita ng mga mangyayari, naging makitid ang utak ko, nilamon ako ng galit pati ang Diyos ay sinisi ko sa pagkamatay ng kapatid ko. tinalikuran ko ang regalo ng lumikha na akala ko dati ay isang sumpa.
This is true life story, i just wanna share it in behalf of my loving brother Raymond SP. Sana mapost . Thank u!
![](https://img.wattpad.com/cover/225019261-288-k520130.jpg)
BINABASA MO ANG
KATATAKUTAN STORIES COMPILATION
HorrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...