CHAPTER 16

1.1K 64 2
                                    

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM

CHAPTER 16

SHEENA

"Okay ka lang ba?" hindi kaagad ako sumagot sa tanong ni Ethan. Nakatingin lang ako sa kawalan. Kapwa kami nakatayo lang sa lugar kung saan kami unang nag-usap. Hindi ko nga alam kung anong oras na at nandito pa rin kami.

"I don't know." tugon ko sa kanya. Napatingin ako sa ulap at napangiti. I don't know when was the last time I felt okay. Sa dami ng mga nangyari ay hindi ko alam kung magiging okay pa ba ako.

"Hindi ka na kasi dapat pumunta doon." muli niyang sabi sa akin at naramdaman kong napatingin siya sa gawi ko. He's right but I just wanna know if my dream became true again. Now, I'm one hundred percent sure that things that I have dreamt of every dawn are true.

"Did...did you do that to him?" tanong ko sa kanya. Alam ko naman na hindi siya aamin. Sabagay, wala naman aamin sa isang kasalanan hangga't hindi mo napapatunayan 'yon sa sariling mong mata.

"Paano ko naman gagawin 'yon kung magkasama tayo buong magdamag?" balik naman niyang tanong. Napangiti na lang ako ng mapakla at tinalikuran na lang siya. Ayoko ng umaasa na maging maayos pa ang lahat.

"Saan ka pupunta?" muli niyang tanong sa akin pero ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad hanggang sa marinig ko ang boses ni Kiara. Tumatakbo ito papunta sa akin pero napatigil din siya ng makita si Ethan na nasa likod ko. I don't know but I saw something in her eyes. Para siyang nakakita ng multo---no, alam kong takot ang nakikita ko ngayon sa mga mata niya.

Kung takot ngayon si Kiara kay Ethan, ibig sabihin lang nito na ang mga sinabi sa kanya ni Ethan ay lubhang nakakaapekto sa kanya. Isa pa, this is the first time that I saw her not in her usual self.

"Kiara," tawag ko sabay baling kay Ethan na nasa likod at nakita na naman ang kakaibang ekspresyon. Nakangiti siya ng parang walang problema, ibang-iba sa kung ano ang lagi niyang pinapakita sa akin. Muli tuloy akong napaisip kung sino ba talaga siya at ano ang rason talaga niya para gawin ang lahat ng ito.

"Mauuna na ako sa classroom, bilisan mo at huwag mong kalimutan ang plano natin." paalala niya muli sa napag-usapan namin kaninang papunta kami dito.

Hindi na ako tumugon sa kanya bagkus at naglakad na lang muli habang si Kiara naman ay nanatiling nakatayo ng ilang layo sa akin. Ako na lang ang lumapit sa kanya at ilang sandali lang naramdaman namin ang presensya muli ni Ethan.

"Hi sayo, bestfriend ni Sheena." sabi nito at pagkatapos ay narinig na lang namin ang mga yapak niyang papaalis na. Hindi ko inalis ang tingin kay Kiara. Nakakapagtaka ang mga kinikilos niya ngayon at hindi siya makatingin sa gawi ni Ethan. Mukhang kilala nila ang isa't-isa.

"Kia-" hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay mabilis na niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi naman kaagad ako tumugon sa kanya. Masyado akong nabigla lalo na nang marinig ko na lang ang paghikbi niya at makailang ulit niyang paghingi ng tawad sa akin.

"Kiara," sabay yakap ko sa kanya at ilang beses siyang tinapik sa likod. Habang ang balikat ko naman ay basa na.

"I'm so sorry bruh, I'm sorry."

"For what?"

"Basta, I'm sorry." hindi na ako nagtanong pa. Alam kong meron siyang nagawa na hindi niya kayang sabihin sa akin ngayon na alam ng lalaking 'yon. Magtitiwala na lang ako sa kanya katulad kung paano niya ako pagkatiwalaan. Besides, she's my best friend at ayokong pati kami ay magkaroon ng problema lalo na sa dami ng problema na nangyayari ngayon sa akin.

Sa huli ay niyaya ko na lang siyang pumasok. Hindi ko na lang pinansin ang kakaibang kilos niya ngayon. Ibang-iba siya sa Kiara na kilala ko. Alam kong may nangyari at may problema siya.

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon