PANATAG 3 ( Messenger Conversation )

73 4 0
                                    


Messenger Conversation

One day you'll meet a guy. And ultimately, he's going to know everything about you!💟

"May pagtingin sa'yo si Yuan"

"May pagtingin sa'yo si Yuan"

"May pagtingin sa'yo si Yuan"

---

Paulit ulit kong iniisip iyong mga sinabi sa akin ni Venny kanina bago ang ensayo.

Paano namang nangyaring may pagtingin agad si Yuan sa akin? Kakakakilala pa lamang namin. Imposible talaga.

Napabuntong-hininga na lamang ako at bigla ko ulit naalala ang unang pagkikita namin ni Yuan.

Yung pagpunas niya sakin sa aking mga luha.
Yung titig niya noong nagpakilala ako sa harapan bago ang ensayo.
Yung ngiti niya. At ibinigay pa sa akin ang panyo niya.

Posible bang nabighani siya kaagad sa aking kagandahang taglay? Hahahaha chos.

Hayyy! Erase. Erase. Erase.

Nakakainis lang kasi eh. Binibigyan niya ako ng distractions. Sinasabi ko na nga ba't marami akong pagsubok na kakaharapin sa buhay ko dito.

Nagpalit na kaagad ako ng damit pagkauwi namin galing ensayo. Ganun din si Emarie.

"Ang babait pala nila dito ate no! At sa tingin ko masaya silang kasama" saad niya dahilan para mapangiti ako.

Inalis ko ang earings ko. "Oo nga mukhang ayos sila."

Iyon naman talaga ang isa sa mga hiniling ko sa Ama sa panalangin ko. Ang magkaroon ng mga kaibigang kapatid sa Lokal na ito para hindi na kami parang OP ni Emarie.

Madali kong napalagayan ng loob si Venny. Siguro dahil madaldal din siya kagaya ko at masayahin. Sa tingin ko ay magkakasundo talaga kami.
Kanina sa ensayo ay magkakatabi kaming tatlo nila Emz. Gaya ng dati ay nasa gilid ako malapit sa aisle, nasa gitna namin ni Emarie si Venny.

Ayos din kasama si Jude kasi napapatawa ako kapag nagsasalita siya lalo na kapag nag crack siya ng joke at sa kakaiba niyang pagtawa.

Si Josh at AJ naman medyo tahimik sila pero napansin ko na magaling silang mang-asar.

At si Yuan. Si Yuan ay...

Ano nga ba?

Para sa akin gentleman siya, maalalahanin at pakiramdam ko ay masaya ding kasama.

"Ate bababa muna ako ah. Ako na ang magluluto para sa atin."

Ang bait din naman talaga ng Emarie'ng to. At masaya ako na siya ang kasama ko ngayon dito.

Hindi na ako nakasagot kasi tumakbo na siya pababa. Naiwan na ako mag-isa sa kwarto. Ang tatlo pa naming kasama sa aming silid ay umuwi na sa kanila dahil wala naman pasok kinabukasan.

Monday to Thursday lang ang klase namin. Hindi na kami umuwi ni Emarie dahil dito kami tutupad sa Linggo.

Gustuhin man naming umuwi dahil sa pangungulila sa aming pamilya ay hindi namin magawa dahil sa aming tungkulin.

PanataG❤Where stories live. Discover now