Chapter 12 - E

885 42 3
                                    

Chapter 12 - Hindi ko kayang...

Hindi ako makapali.

Tinititigan niya ako habang nag-iigib ng tubig sa poso. Naghuhuramentado .na ang damdamin ko hindi ko yang makatagal sa titig niyang halos lagpas kaluluwa ko. Geez, Leonde. Hindi ko din kayang iwasan ng tingin ang pag-flex ng muscles niya sa kanyang braso hanggang balikat tuwing humuhugot ng pwersa sa pag-iigib. Pati na din ang katawan niya..

Aish! Umiling iling ako at pilit niwala ang aking sarili at itinuon nalang ang atensyon sa nilalabhan ko. Geez. Hindi naman ako attracted sa mga abs dati. Kaylan ka pa naging pervert Ria!

"OMO! Look at that ate Ria! Ulam, ulam, ulam. Ulam everywhere omygee. May kanin ka ba dyan?" pabulong na sinabi sa'kin ni Thalia habang nakatitig nahalos may puso na mata kay Key na namumula na ang balat dahil sa init ng araw. Siniko pa ako nito habang napapakagat labi. Napailing nalang ako habang patuloy ang pagtapak sa mga kobre-kamang nasa malaking palanggana.

"Hindi ka ba attracted sa mga abs? Masarap naman tingnan ah. Ayan oh may choices ka, pwedeng si Kuya Neil, Si kuya Locky o kaya yung pogi kong older brother. Mas bet yung kay kuya ko, dun ka nalang. H'wag lang yung kay Kensyu my loves, alright?" ngumunguso pa ito habang nakatingin sa'kin. Nakoo kung alam mo lang Thalia.

"Mag ka-edaran lang ba kayo ni Key? Napansin ko kasing hindi mo siya tinatawag na Kuya." tanong ko habang nakayuko sa nakaupong Thalia.

Ngumiti ito ng malawak sa'kin bago sumagot. " Bakit ko naman siya i-kukuya kung a-asawahin ko siya." sabi nito sabay kindat.

"At saka nga pala paki paalala sa'kin na mga tao yung nag-lalaway sa labas ng gate mo," may irap na sinabi sa'kin ni Thalia habang nakatitig sa mga babaeng nasa labas ng gate.

"Omg kahit maging poso nalang ako basta mahawakan lang ako nung lalaking yun, grabe ang gwapo!"

"Ang hot kaya niya at cool!"

"No, para sa akin yung may pink na buhok na nagsasampay!"

"Hindi mas bet ko yung nagsasaling ng tubig na may blue na buhok"

"No red hair for me! Mas defined ang abs!"

"Hindi yung nasa poso talaga for the win!"

Para naman nag-pantig ang tenga ko ng marinig ang sinabi ng una at huling nag-salita. Baka makalimutan ko din pigilan si Thalia sa balak niyang gawin.

Sinamaan niya pa ulit ng tingin ang mga babae bago bumaling sa akin. "Baka makalimutan kong tao sila at ipalaglag ang mga cable ng kuryente sa itaas nila."


"Pakshet! Ang init! Pero para kay Ria titiisin ko 'to hooo!" napangiwi naman ako sa biglang pag sigaw ni Key. Sabay tingin ko at hingi ng paumanhin gamit ang mata kay Thalia na nakanguso. Umiling ito sa'kin

"Sanay na me. Don't worry." I felt bad for her. May mas malala pa kaya? Aware kaya si Key na may gusto ang kapatid ni Light sa kanya?

Napatingin naman ako kay Light na matalim ang tingin kay Key.

"Pare baka matunaw ako.. Mawalan ka ng mapapangasawa. Aww!" Sabi nito sabay kindat pa kay Light na agad siyang binato ng tabo.

Napuno ng tawanan ang likod bahay ng tinutuluyan ko. Lumipas ang dalawampu't minuto at maari ko ng maisampay ang mga kobre-kama, punda, kumot at kurtina. Inangat ko ang kobre-kama at naramdaman ko agad ang bigat nito.

"Mabigat. Ako na." Agarang sambit nito at agad na kinuha sa'kin ang hawak ko. Shocks mata mo Ria.

Pinanuod ko siyang diniretso sa sampayan ang kobre-kama, Geez akala ko makakatakas na ako sa tanawin ng katawan niya pero hanggang likod grabe. Paano pa kaya kung mas mag mature siya? Ano yun katapusan na ng mga babae sa mundo. Napabuga ako ng hangin at agad na lumapit sa kanya upang abutan ng pang-ipit sa sinampay.

The Cowardly Princess (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon