Chapter 6: Can I Be Your Friend?

21 1 0
                                    

-SCHOOL-

"Hello Samantha" bati ni Jhenyrose sa akin ng makapasok ako sa room, agad ko naman syang kinawayan at binati bago ako umupo sa upuan ko.

"Wala pa si Rovic?" tanong ko rito, umiling naman ito bilang sagot. Humarap ako sa katabi ko na naka tulala sa labas ng bintana. "Good morning Mr. Fortella" bati ko sa lalaking katabi ko, ngunit kagaya kahapon. Snob ang beauty ko. Tss! "Nag breakfast kana ba?" I asked but no response hanggang sa dumating na ang teacher namin sa English.

"Get your book and answer page 116 to 120" sambit ng teacher namin, agad akong nagtaas ng kamay. Nakuha ko naman ang attention nito. Dahil nakatingin na ito sa akin, nag-aalangan na kumamot ako sa aking ulo

"Ma'am, I don't have book. I'm late transferee and today is my second day" pagbibigay information ko sa kanya, baka nakalimot eh.. Tumango-tango naman ito.

"You may share to your classmates, and after class go to your adviser. Asked for the books" ani nito.

"Okay po Ma'am" sagot ko. Saka inilibot ko ang aking tingin kung kanino pwede makishare ng mapasulyap ako sa katabi kung sobrang tahimik. Napangiwi ako ng makitang nag-uumpisa na ito.

"Hindi mo manlang sinabing may libro ka, O kaya hindi mo manlang ako inalok na makishare sayo. Damot" reklamo ko sa kanya, sinulyapan ako nito ng may masamang tingin.

"Napaka-dami mong sinasabi" tanging sambit nito at iginitna ang libro.

"Saan isusulat iyong sagot?" tanong ko sa kanya. Wala naman kasi akong narinig kanina kung saan eh.

"Sa notebook lang" sagot nito. Tumango naman ako at kinuha na ang notebook sa bag ko at nag-umpisa na rin magsagot. "Do you a have friend?" biglang tanong ko sa kalagitnaan ng pagsasagot namin, hindi sya kumibo o kahit pagpansin sa akin ay hindi nya ginawa. "I think you don't have, Ang sungit mo kasi eh" Dugtong ko pa. "If you don't mind, starting today. Can I be your friend?" pahabol na sambit ko. Hindi ko alam kung bakit ba kinukulit ko ang masungit na lalaking ito. Bigla itong napalingon sa akin kaya naman agad akong ngumiti sa kanya.

"I don't need, Stop your nonsense talked and finish your work" Tanging saad nito at itinoon na muli ang atensyon nito sa pinapagawa ng teacher namin.

"Sungit! Talo pa?" bulong ko at pinagpatuloy na rin ang ginagawa ko.

Aish! Napaka-arte akala mo kung sino! Kung tutuusin nga may kasalanan pa sya sa akin! Arghhh!

-AFTER TWO MORE SUBJECTS-

"Samantha, Tara canteen" aya ni Jhenyrose na kasama na si Rovic, Nilingon ko naman sila at nginitian. Napasulyap ako kay Mr. Fortella na palabas na ng room.

"Ahm.. may sasabayan kasi ako guys" tanging sambit ko at iniwan na sila. Lakad na mabilis ang ginawa ko upang masundan sya, buti na lang at okay na ang katawan ko ngayon. Hindi ko na kailangan gamitin ulit iyong saklay na iyon! Napalingon-lingon ako sa paligid upang hanapin sya, agad ko naman nakita ang likuran nya. Gusto ko syang tawagin para hintayin ako, pero sa ugali na meron iyon paniguradong hindi manlang iyon hihinto o lilingon. Naiinis ako dahil ang layo na ng pagitan namin, dagdag pa ang ibang studyanteng naghaharutan habang naglalakad dahilan ng pagbagal ko sa paglalakad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll Swallow The PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon