THIRD
Humahangos na nagpunas ng pawis ang binata matapos hatakin ang ngayo'y malamig nang bangkay ng dalagang pinaslang palabas. Siguradong nag-iwan ng bakas ng dugo ang bangkay bunga ng paghatak niya.
Wala namang makakakita sapagkat sa likod ito palaging dumadaan at alam na alam nitong walang pupunta doon lalo na sa ganitong oras.
They wouldn't. It was a strict rule, after all.
Bumubulong ito sa sarili habang naglalakad papunta sa sasakyang palaging dinadala sa tuwing dadalhin ang mga bangkay sa iba't ibang parte ng unibersidad. Sinisigurado nitong rumoronda ang guwardiya at malayo sa estasyon nito kung saan naroon ang mga CCTV footage.
Not like he'd see anything on the screen. Sinisigurado kasi ng binatang naka-disable ang mga camerang maaari siyang makunan bago tuluyang iwan ang bangkay kung saan makikita itong wala nang buhay.
Nang makasakay sa sasakyan ay agad niya itong dinala sa kinaroroonan ng bangkay at agad itong ipinasok sa loob. Nagsisimula na itong mangamoy ngunit binalewala ito ng binata.
Walang pag-aalangan itong nagmaneho papunta sa likod ng unibersidad at doon na iniwan ang bangkay. Wala ito sa loob at nasa tabi lamang ng mataas na bakod na naghahati sa eskwelahan at sa labas ng paaralan.
Kalmado itong sumakay sa sasakyan at nagmaneho palayo.
Nang makabalik ay agad nitong nilinis ang naiwang marka ng dugo galing sa biktima. Agad nitong sinunog ang ginamit na pamunas at naghintay. Walang emosyon ang mukha nito at hindi umiimik. Sa loob-looban nito'y naglalaro ang munting bakas ng kaba sa maaaring mangyari sa kanya matapos ang mga karumal-dumal na mga nagawa.
▬▬▬▬▬▬
BINABASA MO ANG
Caught In Flames
Tajemnica / ThrillerIt was just a harmless decision until she delved deeper into the truth.