Kabanata 12

86 19 2
                                    

Pagkapasok sa opisina ay agad kong nilapag ang packed lunch sa lamesa at mabilis na nag-tipa ng mensahe para kay Priam.

To Priamero:

Got it! Thanks! :-)

Umupo ako sa swivel chair ko at saka ilang minuto pang nag-hintay ng reply niya. Napagpasyahan kong buksan na at tingnan kung ano ang laman ng packed lunch na pinadala niya.

Agad akong nakaramdam ng tuwa nang makita ang ulam na calderetta sa ibabaw. Sa pangalawang layer ng baunan ay ang kanin at sa pangatlo ay  iba't ibang side dishes. Napangisi ako at bahagyang nakaramdam ng kilig.

Tiningnan ko ang cellphone ko kung may reply na ba si Priam pero nang makitang wala ay nagkibit-balikat nalang ako. He's a very busy businessman, siguro ay nasa meeting 'yon ngayon. Nagsimula na akong kumain.

Nasa panghuling subo na ako nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Lumitaw si Ynoe kaya naman naudlot ako sa pagsubo. Bago pa ako maka-kilos ay agad niya nang iniharap sa direksyon niya ang kutsara at agad na isinubo 'yon.

Mabilis akong sumimangot sa kanya.

Mang-aagaw!

Nang matapos siya sa pag-nguya ay mabilis niyang dinampot ang tumbler ko at agad na ininuman 'yon.

Walang hiya!

Malawak siyang ngumiti pagkatapos at dire-diretsong naupo sa table ko. Napa-irap ako.

"What do you want Ynoe?" Walang gana kong tanong habang nililigpit ang baunan.

"Well, I'm just curious about what you and Priam did last night." Dire-diretso niyang sagot kaya naman mabilis na lumipat ang tingin ko sa kanya.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.

"You know, kiss and that ooh aah thing." Walang preno niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko at bago pa siya maka-atras ay mabilis kong hinampas ang hita niya.

"What did I do?!" Natatawang tanong niya.

"Napaka-dumi talaga ng utak mo!" Gigil kong sabi.

Umalingawngaw ang mala-demonyo niyang halakhak kaya napa-irap ako.

Bakit naman namin gagawin 'yon? Priam and I are not together.

But he said that he likes you!

Well, yes but he did not ask me to be his girlfriend! At least not yet!

So bakit naman kami maghahalikan dalawa?!

Tumikhim si Ynoe at saka seryoso akong binalingan.

"You can't be in a relationship with him." Seryoso niyang sabi. Kumunot ang noo ko.

"Why?"

"You are bound to marry me." Wika niya na parang hindi big deal sa kanya 'yon. Tumawa ako dahil sa sinabi niya.

Oh no Ynoe. You're definitely wrong.

Kahit na wala si Priam sa larawan, siguradong-sigurado ako na hindi kami magkakatuluyang dalawa.

Limang taon pero walang upgrade na naganap sa relasyon naming dalawa. I'm not the only one who's not over with someone here.

Saglit na tumaas ang kilay ko bago nagsalita.

"We both know that you could not marry me Ynoe." Pilya kong sabi. Naglalaro ang ngiti sa labi ko habang kunot na kunot naman ang noo ni Ynoe. Paniguradong alam na alam niya kung ano ang tinutukoy ko.

Kung hanggang ngayon ay hindi ko nakalimutan si Priam, siguradong mas malala ang tama nitong si Santillan.

Ngumuso siya at saka napakamot sa batok niya. I smiled.

Remembering Sunshine (La Castellana Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon