Kasalukuyang nagpapahinga si Ella sa may duyan sa ilalim ng naglalakihang puno ng mangga. Tapos na kasi ang mga gawaing bahay niya at wala naman na siyang ibang gagawin kaya naisip niya na magpahinga muna kahit isang oras lang. Lulubusin lang niya ang pahinga dahil bukas ay Sabado na naman at sasakit na naman ang ulo niya sa purwesiyong dala ng kambal na sina Jace at Trace.
Nasa kasarapan siya ng kaniyang pamamahinga ng marinig ang boses ng isang lalake. Nang lingunin niya iyon ay nakita niya si Natoy, ang binata na regular na nagdi-deliver sa kanila ng tangke ng Gas. Hindi lang sa Mansyon kundi pati na sa ibang mga bahay sa loob ng Hacienda kaya madalas silang nagkikita nito.
"Hi, Ganda!" Magiliw na bati nito habang bitbit ang dalawang tangke ng Gas.
"Hello, Macho!" Ganting bati niya. Dahil sa regular na pagdedeliver nito ay nakasundo na niya ang lalaki.
"Ihatid ko muna ito ha. Balik na lang ako." Paalam nito at saka muna itinuon ang atensyon sa gawain.
Habang pinagmamasdan niya si Natoy ay saka niya nari-realize na gwapo rin pala talaga ito. Tall, dark, and handsome. Ganoon niya idescribe ang lalake. Matangkad din ito siguro nga ay halos parang ka-height ni Jace at Trace. Pinoy na pinoy ang physical features ni Natoy at sinamahan pa ng banat na muscles. Siguro ay dahil iyon sa kakabuhat ng mga tangke ng Gas kaya parang naging automatic workout na nito iyon. Sabagay, hindi nga naman biro ang bigat ng isang tangke tapos si Natoy ay kayang buhatin ang dalawa ng walang kahirap-hirap.
Paglipas lang ng kulang-kulang limang minuto ay nagbalik na si Natoy at pinuntahan siya sa may duyan.
"Kamusta ang magandang Dyosa?" Biro nitong bati ng maupo sa isa pang bakanteng duyan sa may tabi niya. "Mukhang wala ka ata masyado ginagawa ngayon ah?"
"Tapos na. Nagawa ko na lahat. Nagbu-beauty rest na lang ako." Pagsakay niya sa biro nito, "Alam mo naman, bawal mabawasan ang ganda."
"Tama yan. Huwag mo masyado pagurin ang sarili mo. Ayaw kong magkasakit ka."
At ito na naman nga ulit si Natoy. As always, nagpaparinig ng tungkol sa pagkakagusto nito sa kaniya. Syempre pa, iti-turn down na naman niya ulit ito gaya ng nakagawian. "Natoy, wag mo ako paandaran ng mga ganyan mo dahil hindi yan tatalab. Wala ako sa mood mag-jowa."
Kagaya nga rin ng laging nangyayari, tinatawanan lang nito ang diretsahan niyang pambabasted. "Hindi talaga umeepekto sayo ang pangungulit ko 'no, Ella?"
"Hindi talaga." naiiling niyang tugon.
"Sige, next time na lang ulit baka sakali magkagusto ka na sa akin."
"Malabo yan, tsong. Baka kulay pink na ang araw, hindi pa rin kita crush." Natatawa niyang sabi at pabiro pa itong sinuntok sa braso, "Mag-move on ka na ha? Marami pang iba diyan. Ang pogi mo pa naman, wag mo aksayahin ang lagi mo sa Dyosa na tulad ko. Humayo ka na at magpakarami."
"Ayaw mo ba talaga i-try kahit isang beses na date lang? Malay mo magbago ang isip mo." Patuloy na pangungulit nito. Ilan beses na rin kasi siya inaaya nito ng date pero sa lahat ng aya nito ay pagtanggi ang kaniyang tugon.
"Sure ako hindi na magbabago ang feelings ko."
"Hindi kita sasaktan. Promise!" Nagtaas pa ito ng kamay bilang sumpa ng pangako sa sinasabi, "Kung gusto mo kahit i-background check mo pa ako. Okay lang."
Nasa ganoon silang tagpo ng biglang lumitaw ang kulay pula na Ferrari. Nagulat at nagtaka pa si Ella dahil wala naman ibinilin si Manang Elsa na uuwi ng maaga si Trace.
Ang inaasahan nila ay bukas pa ito uuwi. Pero Biyernes pa lang ng tanghali ay nasa Hacienda na agad ito. Napatayo tuloy siya bigla dahil baka isipin nito na nagtatamad-tamaran lang siya imbes na unahin dapat ang trabaho sa bahay.
BINABASA MO ANG
One That Got Away (Playboy Series #4)
Romance(Tragic Romance) Trace is a rich young businessman and a well-known playboy. At hindi niya iyon itatanggi, in fact, nagagawa pa nga niya pagsabayin ang mga babaeng nilalandi niya. And Ella is just another innocent victim of Trace's game. Dahil ang...