☽ Kabanata XL ☾

135 45 2
                                    

Ang Desisyon


Hindi ako makapaniwala na wala akong nagawa upang mailigtas ang buhay ni Ismael at Roman. Parehas ko silang pinabayaan ako pakiramdam ko wala talaga akong silbi. Namatay silang lahat sa mga kamay ko at dahil iyon sa sumpa ko.

Noong nakaraang buhay ko ay hindi ko kontrolado ang aking mga emosyon at desisyo, ngunit bakit ngayon ay mas nahihirapan ako?

Wala akong nagawang paraan, at kung nakaisip man ako ng solusyon ay huli na ang lahat. Hindi ako sigurado kung sino pa ang dalawang kaluluwa na natitira at labis akong nag-aalala.

Paano ko ito sasabihin kay Waywaya? Paano ko aaminin na wala na ang kaniyang kuya?

Narito kami ngayon sa isang silid sa palasyo, at inihahanda ni Senada ang mga koseta. Bakas naman sa mukha ni  Lusyano ang pagkadismaya at pag-aalala, hindi ko siya masisisi dahil kasalanan ko kung bakit namatay ang isa sa mga apo niya.

Sa ikalawang buhay ni Lusyano bilang si Lolo Pedro ay pinahalagahan niya din ako, kahit hindi pa kami muling nagkikita ay nananabik ako na makita siya. Ngunit ngayon ay si Waywaya ang iniisip ko.. Kapag nalaman niya ang totoo ay tiyak na kasusuklaman niya ako.

Lumipas ang isang araw at nagising na siya sa wakas. Sa pagdilat ni Waywaya ay nakaramdam agad siya ng pagkahilo at napatingin sa akin.

"Ano ang nangyari?" ang tanong ni Waywaya at nagpumilit bumangon. "Huwag mo puwersahin ang iyong sarili, maaaring mayroong masakit sa iyong katawan." ang tugon ni Senada. Natanaw ni Waywaya ang pagsikat ng panibagong araw sa labas at muling tinanong kung ano ang nangyari.

"Apo, wala ka ba talagang naaalala?" ang tanong ni Lusyano. "Apo? Bakit? Ano ba dapat ang aking maaalala?" ang tanong ni Waywaya.

Ang muling binalikan at ikinuwento ni Lusyano ang mga pangyayari. Simula sa pagtatangka ni Waywaya na saktan ako hanggang sa halos gumagapang papalapit sa kaniya si Ismael. Tinignan ako ni Waywaya at nakikita ko sa kaniyang mga mata na marami siyang nais itanong.

"Sa buhay natin ay maraming mga pangyayari na hindi natin inaasahan. Maaari natin itong lagpasan, subukan kalimutan o tanggapin na lamang.. Ngunit sa isang bagay ako siguro, mayroon tayong matutunan dahil dito.." ang sinabi ni Lusyano.

"Kamahalan, Ano ba talaga ang nangyayari? Ano ang inyong pinagsasabi? Nasaan na si Kuya? Nasaan na siya?" hindi kami makasagot sa tanong niya at napayuko na lamang. Muli akong napaiyak at hinawakan ang mga kamay niya.

"Waywaya, patawarin mo ako at.. at hindi kita naprotektahan. Labis kitang sinaktan at hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa iyo." ang sabi ko habang tumutulo ang mga luha ko. Sa mukha ni Waywaya ay mukhang naguguluminahan siya at halos naiinis na. "Sabihin niyo sa akin.. Nasaan na si Kuya Eron ko? at bakit ako nandito?!" ang sigaw ni Waywaya.

Lumabas sandali si Senada at sa kaniyang pagbalik ay kaniyang dala ang isang kapa. Nababalot ito ng dugo at pamilyar ang itsura.

"Pagmamay-ari ito ni Kuya ha? Bakit ito nandito? At bakit mayroon itong dugo?!" sa tono ng pananalita niya ay mukhang alam na niya ang totoo ngunit pilit niyang hindi inaamin.

"Ano?! Reyna Tora.. Sumagot ka!" napapikit na lamang ako at napahawak sa aking dibdib. Naninikip ito at hindi na makahinga ngunit kailangan ko magsalita.

"Patawarin mo ako Waywaya.. wala na siya.." ang mahinang sinabi ko.

"Wala na siya? Sinong siya?!" ang tanong ni Waywaya habang hindi namamalayan ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

"Waywaya, kumalma ka sana.. Naikuwento na sa akin ni Lusyano at Reyna Tora ang katotohanan at wala kang kasalanan. Hindi mo ito kagagawan at-" hindi pa man tapos ang sasabihin ni Senada ay nagsalita na agad si Waywaya.

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon