Chapter 17
Revelations
The storm has passed. Masayang masaya ako nang gumising at nakitang hindi na makulimlim ang langit. Kahit hindi pa gaanong sikat ang araw dahil maaga pa, siguradong maganda na ang panahon.
Mabilis akong nag ayos dahil tuloy kami sa Tagaytay ngayon. I opted for a black spaghetti strap top, boyfriend jeans and denim jacket. Siguradong malamig pa rin doon kahit maaraw na.
7am pa lang ay nakaayos na ako. Nakapagpaalam na ako kay Tita kahapon pero gusto ko ulit siyang masabihan bago umalis kaya naman lumabas na ako bitbit ang backpack with my change of clothes. Ang sabi kasi ni Rigo magsiswimming kami. Sa tagaytay. I don’t even know what came into him. Alam niya namang lamigin ako. Pero kahit ganoon, excited pa rin.
“Good morning, Tita.” Humalik ako sa kanyang pisngi ng maabutan ko siyang nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng kape sa aming veranda. Mukhang bagong gising at nakasuot pa ng robe niya.
“Good morning. Andyan na ba si Rigo?” tanong niya. Nakamasid sa akin habang umuupo sa upuan sa kanyang tapat.
“On the way na po.” Nakangiting sagot ko.
Something has changed with my Tita Elena. Her aura seems to be lighter these days. Hindi pa rin pala ngiti pero mas maaliwalas ang mukha niya ngayon, kumpara noon.
Tumango siya at ibinaba ang dyaryong binabasa sa marmol na lamesa.
“Make sure you will be back by dinner. May mga bisita tayo mamaya at gusto kong narito ka.” Bilin niya. Nabanggit na niya ito sa akin kagabi nang umuwi ako at magpaalam.
“Opo. Maaga po kaming uuwi dahil babalik na sa Manila si Rigo bukas ng umaga. Sino po ba ang mga bisita mamaya?” Sobrang dalang naming tumanggap ng mga bisita maliban sa ilang relatives at mga kaibigan ko.
“You’ll find out later.” Her small smile made me even more curious kung sino ang darating mamaya.
Mula sa veranda ay nakita ko ang pagpasok ng sasakyan ni Rigo kaya madali akong nagpaalam kay Tita at bumaba na.
Nang salubungin ko si Rigo ay nakababa na siya ng sasakyan at naghihintay na sa akin.
“Good morning, baby.” Nakangiti na at ipinagbukas ako ng pintuan ng kanyang sasakyan.
“Morning!” masiglang bati ko bago sumakay.
Pinanood ko siya habang naglalakad sa harap papuntang driver’s seat. Medyo basa pa ang buhok at sobrang gwapo sa suot na putting collared shit at khaki shorts.
The lingering scent inside his car intensified when he got in. Napapikit ako habang humihinga ng malalim para mas lalong maamoy ang pabango niya.
“Ang bango mo.” Hindi ko napigilang sabihin habang tumatawa.
He smiled and put his wayfarers on.
“Huwag mo akong simulan ng bolahan, Marionne.” Banta niya habang binubuksan ang makina ng sasakyan.
Nagtawanan at asaran kami habang palabas ng village. I’m just glad he’s okay. Nang ihatid niya ako kagabi ay tahimik pa rin siya at mukhang binabagabag pa. Akala ko nga ay hindi na kami matutuloy. Pero bago siya umalis ay nagbilin na tuloy pa rin kami ngayon.
Nag drive thru na lang kami para sa aming breakfast kaya sinusubuan ko si Rigo habang nagddrive siya.
Nang makarating kami sa Tagaytay ay halos 9am na. Walang traffic at mataas na ang sikat ng araw.
Nag check in kami sa hotel kung saan kami magsstay para sa araw na ito. Staycation ang gusto ni Rigo. Marami rin namang amenities ang hotel at maganda ang view mula sa 21st floor na room namin. Tanaw na tanaw ang Taal Lake mula sa veranda. Masarap at malamig ang simoy ng hangin. Kahit hindi na buksan ang aircon ay malamig sa kwarto.
BINABASA MO ANG
If I Didn't Break Your Heart
Storie d'amoreThis is a story of a love that conquered and lost.