"Break na tayo! Nakakasawa na yang ugali mo! Hindi na kita mahal!"
Paulit ulit ko parin na naririnig ang mga huling sinabi mo sakin bago mo ko iwan noon. Mahigit dalawang taon na rin ang lumipas simula ng tapusin mo ang isang taon nating relasyon. Pero heto ako, nakaupo parin sa favorite spot natin, iniintay na baka bumalik ka.
*Flashback*
Umuulan nanaman, pero wala padin akong balak na umuwi, basang basa na ko pero hindi ko alintana yon. Ayoko muna umuwi, paguwi ko, andon nanaman ang problema, ipapakita ko nanaman sa kanila na hindi ako apektado sa mga salitang binibitawan nila.
Patuloy ang pag agos ng mga luha ko, kasabay ng pagbuhos ng ulan. Muli kong kinuha ang kutsilyo sa aking bulsa at saka itinutok yon sa aking dibdib.
"Pagod na ko, ayoko na!" Isinigaw ko ng buong lakas sa rooftop ng isang lumang apartment sa pagaakalang ako lang ang tao na naroroon. Ng biglang may umagaw sakin ng hawak kong kutsilyo at niyakap ako.
"Miss, wag mo tapusin dito, may pagasa pa, wag kang susuko." Saad ng lalaki na nakayakap sa akin. Hindi ko sya kilala pero ramdam ko na safe ako sa kanya. Medyo nahimasmasan ako at humihina na din ang ulan.
Patuloy parin ako sa paghikbi ng bigla akong inalok ng isang bote ng alak ng lalaking kanina ko lamang nakilala. Tinitigan ko lang ang hawak nyang bote, hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi. Kahit minsan sa buhay ko ay hindi ko pa nararanasan ang uminom, ni hindi ko nga alam ang lasa, ni tumikim non ay hindi ko binalak. "Sige na, wag ka na mahiya, hindi naman malakas ang tama nyan. Wag ka mag-alala, wala akong balak na masama sa'yo, sige na, kunin mo na to, nangangalay na ko oh!" Sabi nya sakin. Wala ko sa sariling kinuha ang bote sa kanya at ininom yon. Medyo mapait at gumuguhit sa lalamunan ang init, ganto pala ang lasa nito.
"Alam mo, pag mag problema ako, ganto lang ginagawa ko, tamang inom lang para kahit sa ganitong paraan ay malimutan ko ang mga problema ko." pagkukwento nya sakin bago nya inumin ang pangalawang bote ng alak. "Pano ka natuto uminom?" hindi ko alam kung bakit sa lahat ng tanong na pwede ko itanong sa kanya ay yon pa ang tinanong ko. Saglit syang uminom at tsaka nagsalita.
"High school ako non, first year, iniwan kami ni papa dahil akala nya'y may lalake si mama. Pero bago nya kami iniwan, kada gabi, paguwi nya galing sa trabaho ay lagi silang nagaaway ni mama. Sagutan, hanggang sa pagtaasan na nila ng boses ang isa't isa. Nagaaway sila sa harap ko. Tapos yon," Saglit syang tumigil para muling uminom.
" Pagkatapos non, sa sobrang stress ni mama, hindi na sya kumakain, nagkasakit sya, napabayaan ang sarili nya pati narin ako, kaya napagdesisyunan nya na kila lola muna ko para may magalaga sakin. Isang linggo pagkatapos kong lumipat kila lola, nalaman ko na lang, nagpakamatay si mama. Hindi ko alam kung anong gagawin ko non, wala na kong tatay, wala na rin akong nanay. " bakas ang lungkot sa boses nya habang ikinukwento sakin ang nangyari sa kanya.
"Pagkatapos ng libing ni mama ay hindi man lang nagpakita sakin si papa, nagpapadala na lang sya ng pera pang sustento sakin. At dahil kila lola na ko nakatira, at hindi naman sila ganon ka strict sakin, nagagawa ko ang gusto ko, aalis ako ng 5 am sa bahay at uuwi ako ng hating gabi galing sa bahay ng barkada ko. At yon, dahil sa mga barkada ko, natuto ako uminom,takasan ang totoong mundo,kalimutan saglit ang problema." saad nya sakin ng may ngiti sa kanyang mga labi.
"Ikaw? Bat mo naman naisipan na gawin yung kanina? Mukhang may problema ka din ah, magkwento ka, makikinig ako." Kinwento ko sayo lahat ng problema ko sa buhay, naging magkaibigan tayo, at makalipas ng ilang buwan ay niligawan mo ko.
~March 12,11:11 pm~
Ibinigay ko sayo ang matamis kong 'oo' , sa eksaktong lugar kung saan tayo nagkakilala.
Noong una'y maayos naman tayo, pinakita mo sakin na mahal mo ko, na ako ang prinsesa mo, na kuntento ka sakin.
Hanggang sa dumating na yung 1st anniversary natin. Excited ako non kasi first time kong makakaranas non, usapan natin ay magkikita tayo sa favorite spot natin at dun natin ise-celebrate ang anniversary natin.
10:00 pm ng dumating ka, dalawang oras ng late sa napagusapan. Pero sa halip na magalit ay hinayaan ko na lang, "ang importante kasama kita" sabi ko sa sarili ko.
"Happy anniversary!" bati ko sayo na sinabayan pa ng mahigpit na yakap. Pero sa halip na batiin mo din ako, isang tipid na ngiti lang ang sinagot mo.
Ilang oras ang nakalipas ng bigla ka nagsalita."Tapusin na natin to." Sabi mo sakin at saka tumayo't naglakad papalayo, ilang hakbang pa lang ay hinabol kita, niyakap at tinanong "bakit? May nagawa ba ko? Sabihin mo lang! Please, wag mo ko iwan." pakiusap ko sayo pero hindi ka natinag kaya't niyakap kita. "Please, wag mo ko iwan,nakikiusap ako" pakikiusap ko sayo habang dahan dahang pumapatak ang mga luha ko. Nagpumiglas ka sa yakap ko at sabay sabing "Break na tayo! Nakakasawa na yang ugali mo! Hindi na kita mahal!"
*end of flashback*
11:10 pm na, isang minuto na lang ang iniintay ko, bago ko tuluyan tapusin ang lahat, nakailang bote na rin ako, pero hindi parin nababawasan ang sakit, pagod na rin ako, matagal na rin akong iniwan ng taong akala ko'y magse-stay sakin. Matagal na kong iniwan ng taong akala ko hindi ako iiwan, na dahilan kung bat pinili kong mabuhay kahit na andami kong problema. Masyado na kong pinapagod ng mundo, oras na siguro para sumuko na talaga ko. Matapos kong damhin lahat ng sakit ay biglang nag vibrate ang phone ko, senyales na oras na,11:11 na. Tumayo ako at saka huminga ng malalim. "Oras na" unti unti akong lumapit sa dulo ng rooftop at saka tumalon.
12:59 pm oras na nakita ko sa relo ng isa sa mga rescue na ngayon ay tinatakpan na ng puting tela ang katawan kong punong puno na ng dugo. Hindi na ko makakaranas pa ulit ng sakit, tapos na lahat ng paghihirap ko.
-end-
BINABASA MO ANG
suicidal(one shot)
Short Storyimagine, a suicidal person lived, kase dumating ja sa buhay nya. Tapos bigla mo sya iniwan.