Simula

16 1 2
                                    

Paalam

     Nabuhay ako sa puno kasinungalingan, isang bagay na nagpabago sa aking kapalaran. Ngunit nakaukit sa aking mga palad na kailangan kong harapin ang katototohanan at kailanma'y di ki ito matatakasan. Tama sila hindi mo maaring baguhin ang nakatakda sapagkat ang nakatakda ay mangayayari sa tamang oras at panahon.

      Kisap-matang nilalanghap ang sariwang hangin na humahaplos sa aking balat at sa pagmulat ng mata'y luntiang kapaligiran ang masisilayan at kasabay nito ang pagsibol ng mga bulaklak na naghahatid ng bagong pag-asa sa bagong umaga at bagong simula.

       Tingin ng mga tao'y wala akong halaga at walang saysay na isa lamang akong pagkakamali na nabubuhay sa mundong ito at isang palumuting walang kinang sa kanilang mga mata. Hindi ko maikubli ang sakit at pait na aking nararamdaman dahil sa mga  masasakit na salitang kanilang binabato sa akin.

       Siguro'y kung kasama at kapiling ko lamang ang aking mga magulang ay hindi ko mararanasan ang ganitong klaseng buhay, sadyang kay lupit lamang ng aking kapalaran dahil wala man lang iniwan ang aking magulang sa kanilang pagkakilanlan. 

      Kahit sa madilim kong mundo ay may isang tao na nagbigay sa akin ng pag-asa na ipagpatuloy ang aking paglalakbay sa likod ng masalimuot kung buhay. Sa kanya ko naramdaman ang tunay na kahulugan ng pagmamahal,  siya ang nagparamdam sa akin na may saysay at may halaga ako dito sa mundo. At higit sa lahat sa kanya ko natutuhan kung paano magmahal at mahalin.

       "Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap" nagulantang ako sa pagsulpot ni Adam sa aking harapan.

       Hindi ko lubos akalain na makakatagpo ako ng isang tulad niya,  isang lalaking yayakapin ang aking kapintasan. Masaya ako na kahit papaano'y nakatagpo ako ng tatanggap sa akin maging sino at ano man ako.

      "Kanina ka pa ba riyan? A--hh pasensya na kung pinag-alala kita" paumanhin ko. 

     Lumapit siya sa akin at ako'y kanyang hinagkan. Pakiramdam ko'y sa bawat yakap niya'y naiibsan ang kalungkutan na aking nararamdaman . Lumayo siya nang bahagya upang muli niya akong makita.

     "Hindi naman kararating ko lang, masyado yatang malalim ang iyong iniisip kung kaya't di mo namalayan ang aking pagdating" wika nito.

       "A-h hindi naman masyado lang talaga akong nalibang sa pagmamasid sa ganda ng tanawin. " pagsisinungaling ko.

        Kinuha niya ang aking kamay at pinagsalikop niya ang mga ito ng mahigpit.  Pinagmasdan niya ang aking mukha na tila binabatid niya kung nagsasabi ako ng totoo. Makikita  sa kanyang mga mata ang pag-aalala  at sakit na dulot ng pighating aking nararamdaman. 

      "Kahit hindi mo ipaalam sa akin batid kong iniisip ang mga tao na nananakit sa iyo, ang tanging magagawa mo lamang ay ipagsawalang bahala ang lahat, huwag mo na lamang silang pansinin. Tandaan mo na kahit anong mangyari ay andito lang ako para sayo." saad nito.

      Sadyang kilalang-kilala niya ako , sa pakiwari'y ko 'y wala na akong maililihim pa sa kanya sapagkat nauunawaan niya ang aking nararamdaman at pinagdaraanan. 

      Isang mahigpit na yakap ang iginawad ko sa kanya sapagkat pinapagaan niya ang aking kalooban sa gitna ng magulong sitwasyon ng aking buhay. Matapos ang isang sandali ay napagdesisyunan na naming lisanin ang lugar. Tumulak kami papuntang pamilihan upang mag angkat ng produkto na gagamitin ko sa paggawa ng mga pulseras na aking ibebenta sa mga panauhin. 

The Choosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon