CHAPTER 31: BLUE AND PINK

908 26 0
                                    

Estrella's POV
"Kamusta ang checkup mo anak?" Tanong sa akin ni ate Martha pagpasok namin sa loob ng bahay ni Mikay.

Madalas ko kasing isama ang isa sa kanila sa tuwing may checkup ako at ngayon nga ay sinama ko ang bunso ni ate Martha na si Mikay.

"Ayos lang ate Martha. Isang lalaki at isang babae ang magiging anak ko." Masaya kong sabi habang dahan-dahan akong umuupo sa sofa.

Ang limang buwan ko na kasing tiyan ay kasing laki na ng isang buntis na kabuwanan na sa isang sanggol. Ramdam ko na ang bigat ng tiyan ko kaya naman maingat ako sa pag-akyat baba sa hagdan.

Pumalakpak si ate Martha. "Wow! Napakaswerte mong bata ka. Unang buntis mo pa lang kambal na tapos may isang babae at lalaki ka na agad na anak. Blessing sayo 'yan ma'am Estrella. Baka magsisi yung ama nung mga anak mo." Nginitian ko lang siya habang umiiling at saka naglakad na ako papunta sa hagdan.

"Akyat na po ako para makapagpahinga sandali." Paalam ko sa kanila.

"Oh sige. Tatawagin ka na lang namin kapag kakain na. Huwag masyadong tutukan ang trabaho ma'am." Bilin pa niya sa akin.

Sa ilang buwan ko na silang kasama ay nasabi ko na rin sa kanila ang kwento ko. Hindi man lahat pero yung sapat na para makilala nila ang pagkatao ko at isa na si Zack sa mga naikwento ko sa kanila.

Nakakatuwa nga silang kausap dahil hindi sila basta-basta nanghuhusga ng tao. Nung ikinuwento ko nga sa kanila ang tungkol sa amin ni Zack ay wala silang pinanigan sa amin. Pinagsabihan lang ako ni ate Martha na sa susunod daw na makahanap ulit ako ng mamahalin ay huwag ko raw ibigay lahat ng mayroon ako.

Sinabi ko pa nga sa kanya noon na napakamalas ko sa buhay dahil nawala na nga ng maaga ang mommy ko tapos hindi naman ako nabibigyan ng atensyon at pagmamahal ng ama ko tapos wala pang ama yung mga anak ko. Ang sabi lang niya sa akin ay huwag ko raw isipin yung mga ganoong bagay dahil wala naman na raw maitutulong sa akin 'yon.

Maiistress lang daw ako at hindi maganda 'yon sa isang kagaya ko. Siya rin lagi ang nagmumulat sa akin na swerte ako lalo na sa mga anak ko. Hindi pa man daw sila lumalabas ay ipinapangako niya sa akin na tutulong sila sa pag-aalaga sa mga anak ko na alam kong kakailanganin ko lalo na kapag nanganak ako.

Pagpunta ko sa kwarto ko ay inilabas ko agad ang photo album kung saan nilalagay ko ang mga pictures ng mga ultrasound ko. Kapag nanganak ako ay dito ko rin ilalagay ang mga pictures ng mga anak ko. Pagkatapos kong gawin 'yon ay pumunta ko sa laptop ko na nasa mesang mahaba na ginagamit ko ngayon sa pagtatrabaho.

Now that I know the gender of my baby, makakakuha na ako ng mga baby name ideas para sa magiging pangalan ng mga anak ko. Nung tatlong buwan pa lang akong buntis ay excited na talaga akong mag-isip ng pangalan nila. 'Yun nga lang dahil sa hindi ko pa alam ang gender nila ay hindi pa ako sure sa mga napili kong pangalan.

Pinili kong mabuti ang nasa listahan ko yung talagang nagustuhan ko. I'm okay with Empress and Emperor. Hindi man malapit sa pangalan ko atleast letter E rin siya nagsisimula. Pero gusto ko sana may second name pa sila. Bakit hindi na lang kaya ako kumuha ng second name idea nila sa pangalan ng ama nila? Tama! Kiano Zachary ang tunay na pangalan ni Zack. Bakit hindi kaya tig-isa na lang ang mga anak ko sa dalawang initial niya na K at Z.

Isip ako ng isip ng mga pangalan na kahawig ng kay Zack nung tawagin na ako ni Eloisa para kumain na ng tanghalian. Maingat ang bawat hakbang ko pababa at si Eloisa ay nakaantabay lamang sa tabi ko para alalayan ako.

Pagkarating namin sa hapag ay naramdaman ko ang gutom nang maamoy ko ang ulam namin ngayon tanghali na tinolang manok. Hanggang ngayon ay sa tuwing kumakain ako ng ulam na 'to ay naaalala ko si Zack na gulong-gulo non kung bakit nasuka ako dahil sa amoy ng luya. Buti na lang talaga at tapos na ako sa first trimester ko kaya naman hindi na ako pihikan sa mga pagkain at wala na rin ang morning sickness ko.

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon