FOUR

862 54 0
                                    

5:30 PM

"As we explore the achievements of these early societies, we'll gain valuable insights into the roots of culture, governance, and technological advancements" habang patuloy sa pagsa-salita ang aming propesor ay natigilan siya ng tumunog ang bell. "Well, it seems time has a way of getting away from us. Please review the assigned readings for our next class, and don't hesitate to reach out if you have any questions. Have a great day, everyone"

Nagsitayuan na ang lahat at kanya-kanya ng lumabas ng classroom. I was about to go out when someone tapped my shoulder. I faced the guy standing in front of me.

"Wait, you're the on who almost bumped me" I said as I remembered his face.

He suddenly smiled. "Yeah. I want to say sorry sa nangyari. I clearly wasn't in my right mind while driving earlier"

"It's fine. Let's just be thankful na walang nasaktan sa 'tin and be careful next time"

He nodded and smiled. We stood there for a minute. I'm waiting for him to end our conversation. Ang bastos naman ata kung aalis nalang ako bigla.

"May kailangan ka pa ba?" tanong ko.

He's not talking. Napapansin ko din na parang nahihiya siya.

"I'm Ivan"

Cute. He just wants to introduce himself lang pala.

"Miguel, but you can call me Migs" binigyan ko siya ng maamong ngiti.

"Nice to meet you. Baka gusto mong mag coffee somewhere o kahit ano. Pang bawi man lang sa nangyari kanina"

"It's okay. You don't owe me anything" sagot ko. "Mauna na ako. Kailangan ko na kasing umuwi"

"Yeah, sorry. See you"

We smiled tsaka umalis na ako sa harapan niya. He's handsome, by the way, I won't deny that. Nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad hanggang sa makababa ako ng ground floor. Iilan nalang yung mga estudyanteng nandito. Nagsi-uwian na ata 'yong iba. Mag-isa lang akong nakatayo sa labas ng entrance at iniisip kung papaano ba ako makaka-uwi nito. I shouted when some random asshole scared me. I saw Felix laughing.

"Tang ina mo talaga" I said irritably and slapped his shoulder really hard.

"Shit. Aray" napatigil ako ng namilipit siya sa sakit.

"Hoy, ayos ka lang?" napansin kong panay hawak siya sa kanyang likuran.

Agad akong pumuwesto doon at itinaas ang kanyang damit. Doon ko nakita na namamaga na ito.

"Anong nangyari dito? Pasensya na. Napalakas ata 'yung hampas ko"

"Wala lang yan. Maliit na bagay"

"Anong maliit na bagay? Magang-maga na nga, oh"

"Concern ka lang sakin, eh"

"Edi, wag nalang. Bahala ka diyan"

"Ito naman, di mabiro. Wala nga lang 'to"

"Dalhin nalang kita sa clinic. Baka nandun pa 'yong nurse"

"Wag na. Close na 'yung clinic. Dumaan ako kanina dun"

Napabuntong hininga ako. I know where he got this. It's those naughty students at the cafeteria who kept on bumping him.

"Paano nga pala tayo uuwi ngayon?"

"May bisekleta akong dala. Nasa bike rack"

"Kaya mo ba?"

"Oo naman. Namaga lang likod ko, hindi napilayan" hindi nalang ako namilit at hinayaan siya.

FALLINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon