Nagulat ako sa narinig ko, who is she? Siya ba ang fiancé niya? But why? He's mad at me because he said his fiance broke up with him right? Eh ano 'yong pinagsasabi niya? He fool me! At hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari.
"No! Please tell me, who am I to you? Sa loob ng ilang taon na pagsasama natin basta mo nalang ako aayawan? May babae ka ba? Ba't ka umuwi sa bansang ito? Tell me Colt! Tell—"
Nagwawala na siya ngunit natigilan siya nang makita niya ako. She stared at me and she wiped her tears.
"Damn it, Stop it and just get out!" ngunit hindi siya nakinig, napatayo naman ako nag makita siyang naglakad papunta sa puwesto ko. Pinigilan siya nito ngunit nagpumiglas siya.
"So, is she your woman? Siya ba? Tell me!" hinila niya ito sa kamay at naaawa na ako sa kaniya dahil alam kong masakit ang paghila nito sa kaniya.
Aalis na sana ako dahil nais kong tumakas sa ganitong gulo ngunit hinarangan niya ako. Next thing I know, bigla nalang niya hinila ang buhok ko kaya wala akong magawa kundi patulan siya. Hindi ako ganoon kabait para hindi gumanti, ang sakit kasi ng paghigit niya sa buhok ko.
"I will drag you to hell! I'm pretty than you bitch!"
Tang ina ang sakit! I have no choice but to pulled her hair too.
"Stop this Fella! What the fuck!" galit na sigaw niya habang inaawat kami. Gago siya! Siya pala ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay, bakit ako ang inaaway ng babae niya at bakit hindi siya?
Tinulak niya ako sa dining table hanggang nahulog sa sahig ang ilang pagkain na nasa mesa. Naawat nila kami but she's so damn desperate to drag and hurt me. Until we reached the floor and we're still fighting, damn! Nakalmot niya ang balat ko dahil sa mahabang kuko niya.
Sa sobrang inis ko ay kinalmot ko rin siya. Ngunit natigilan kaming dalawa nang bigla nalang dumagundong ang lakas ng pagputok ng isang baril.
Napatili ako at natakot nalang ako bigla, nakita ko si Colt na may hawak na baril nakita ko ang basag na antique jar kung saan niya ipinaputok ang baril na hawak niya.
"Now get out! If you don't want me to shoot you. Get out!" hindi siya nakapagsalita at nakita ko siyang nanginginig at basta nalang siya tumakbo palabas. Nanghina ang mga tuhod ko nang makita siyang naglakad papalapit sa puwesto ko.
I cried as he touched my arm kung saan may kaunting dugo dahil malalim ang pagkakalmot ng babae na 'yon. Natakot nalang ako bigla sa kaniya dahil naalala ko ang baril na pinadala niya sakin na may bahid pang dugo noong bago kami kinasal.
Hindi na ako nagreklamo nang buhatin niya ako palabas ng dining at umakyat siya sa taas. Pumasok siya sa kabilang room, ang room na hindi ko pa napasukan kahit kailan.
Iniwan niya ako sa ibabaw ng kama at umalis. Nang bumalik siya ay may dala siyang med kit box, umupo siya sa tabi ko at binuksan ang box.
Pinahiran niya ang sugat ko, ang hapdi ngunit ininda ko nalang ang lahat. Napatingin siya sakin kaya nagtama ang mga mata naming dalawa. Nagbago ang facial expression niya na nakakunot ang noo at muling nilagyan ng ointment ang natamo kong sugat.
Nakatitig lang ako sa kamay ko habang ginagawa niya 'yon. Ngunit nang muli kong tingnan ang mukha niya ay napakabog ang dibdib ko dahil nakatitig rin pala siya sakin. Pagkatapos niyang gamutin ang braso ko ay inabot niya ang kamay ko.
Napalunok ako nang halikan niya ito at ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya at nang bibig niya na dumampi sa balat ko. Pagkatapos ay hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na nakakalat sa mukha ko.
Inayos niya ang magulong buhok ko at di ko mapigilang mapatitig sa kaniya. Hindi na ako makahinga pa at pakiramdam ko nagwawala na ang puso ko sa loob ng dibdib ko. I can smell his breath, sobrang bango lalo na kapag nagkatapat ang mukha namin. Naiinis ako sa ginagawa niya, pakiramdam ko gusto niya akong higupin ng buo. Gusto niyang mahulog ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 2: Colt Develios (COMPLETED)
RomantikWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Caramel inherits a fortune from the late billionaire Don Conrad, but with a condition: she must marry the domineering Colt Develios and live with him. When Colt accuses her of manipulating the w...