Chapter 22

578 29 29
                                    


Pabalik palang kami sa DLM ay agad nagpadala na ako ng mensahe kay Yvo na gusto ko siyang makausap. Wala akong natanggap na reply mula sa kanya kaya hini na anging maganda ang araw ko sa trabaho. 

Lalo pa ng ipinatawag ako ni Kuya Sirius kasama ang ibang team para sa dinner meeting. Muli kong tinignan ang cellphone bago ipasok sa loob ng bag, kung may mensahe ba mula kay Yvo ngunit wala talaga. Bumuntong hininga ako, papalapit sa akin si Honey g mag-angat ako ng tingin.

"Usap-usapan ang pagsama mo kay Sir Vinn. Hindi lang sa kanya, marami ang nakakakita na halos nakakasama mo ang ibang pinsam mo sa labas ng trabaho." Bulong niya, wala si Grenny ngayon dahil may in-assign akong trabaho sa kanya, at si Lucy naman ay walang pakialam sa amin. 

"Hayaan mo na. Marami akong problema ngayon Honey para unahin yung mga bashers ko. Hindi naman nila alam ang totoo kaya ayos lang  na pag-isipan ako ng masama." Walang gana kong sagot sa kanya. Napanguso ako, totoo naman. Hindi ko masisi ang ilang makakapag sabi ng ganon, kaya ano pa ba ang dapat kong gawin.

"Nasa drawer mo ang brown envelope. Diyan nakalagay ang lahat ng gusto mong malaman, hindi pa komplto, ngunit sinusubukan niyang makakuha ng impomasyon sa lalong madaling panahon." 

Hindi ko alam kong kakayanin ko pa kapag may nalaman o tinatago ang mga pinsan ko. Sinunod ang sinabi ni Honey, minabuting itago sa loob ng bag bago tumuloy sa dinner meeting para sa buong team. Nasa isang brach ng Kanza ang location ng meeting namin, dahil na i-skedule ang buong  building sa pest control ngayong gabi kaya hindi kami pwede, at may event sa main ng Kanza. 

Sumabay ako sa company van kasama ang ibang ka-trabaho. Nagsimula ang bulungan ng umakyat kami ni Honey at Lucy sa sasakyan. Huli na kami kaya tama lang ang upuan na natira para sa aming tatlo. 

Ipinikit ko nalang ang mga mata haang sa biyah habang nag-iisip ng kung ano ang ba ang kaya kung gawin at hanggang saan ko kayang lumaban. Pagod na pagod na ako, pakiramdam ko lumalaban ako sa wala. Mabilis ang biyahe, nakarating kami kaagad, mukhang sinadyang i sara ang 2nd floor ng resto para sa lahat ng staff ng DLM. 

Pagkababa ko aya agad na nagtama ang tingin namin ni Kara. She's beautiful! I can't deny it! Dumagdag pa ang suot na hapit na hapit sa katawan at hanggag tuod. Naalala ko bigla nakakalimutan ko na ang pag gym at madalas ng kumain ng kung ano nalang. Nag skedule pa ako sa isipan na makipagkita kay Seiko at Ara para alng makapag gym at spa.

"Hini ako insecure." Bulong ko sa sarili ko. Habang papalapit na kay Kara. Bumati ang lahat ng staff sa kanya bago pumasok, yung iba ay lumingon pa at tumingin sa akin para tignan kung ano ang gagawin ko.

Of course I'm nit that bad. Kailangan magpalakas kaonti. Sirang-sira na yata ako sa buong building. Tanging si Greeny at Honey lang ang malapit sa akin, kung mayroon man ay kaswal lang na nasa ibang department.

"Magandang gabi po." Si Honey sabay siko sa akin. "Good eve Ms. Kara." Tumango lang siya. Bago ko pa siya malampasan ay agad niyang nahawakan ang braso ko. Nagulat ang ilang staff na hindi pa nakapasok at ang ilang nasa loob ay napaangat pa ng ulo.

Tinaas niya ang kamay ko, dahan-dahang kinuha ang aking bag. Kinabahan ako dahil lahat ng dokumento na binigay ni Honey ay naroon. Ngunit mali yata ang iniisip ko.

"Where did you get this?" Ang bag ang ibig niyang sabihin. I can afford that Kara! Bahagyang nanlaki ang mata ko ng maalala na pareho ang bag namin na bigay ni Daddy na ngayon ay gamit niya din.

Bakit ba hindi ko naisipan ang magpalit ng bag, ni hindi ko manlang naalala ang bagay na iyon. Rumehistro na sa mukha niya ang labis na pagtataka. Kinuha ko kaagad ang bag ko sa kanya.

SelenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon