Alexander's POV
"What is your plan Dad?". Tanong ni Daddy kay Chairman habang kumakain ito.
Mahigit tatlong araw na rin ang nakalipas nang mangyari yung aksidente at mabuti nalang nakalabas na rin si Lolo sa hospital. Allergy ako sa hospital eh! Di ko gusto yung amoy!
"I think i'm going back to my country, i'm not safe here anymore". Agad naman kaming natigil sa pagkain at napatinggin kaming lahat sa kanya. Seryuso ba sya dyan?
"Sigurado ka ba dyan Dad?". Tanong naman ni Mommy.
"Oo, bukas o sa makalawa ay aalis na ako". Para namang bumagsak ang mundo ko dahil sa sinabing yun ni Lolo.
Hindi dahil sa uuwi na si Lolo. Nalulungkot ako dahil mawawala na yung kontrata namin ni Ivy. Sa oras na umuwi si Lolo sa bansa nya ay hindi ko na sya Girlfriend. Magbre-break na kami. Kung saan ko pa na realize na Mahal ko na sya ay dun pa mapuputol yung kontrata namin. Parang gusto kung pigilan si Lolo na umalis ayaw kung maputol yung kontrata namin ni Ivy pero parang magiging selfish naman ako nun at para naman to sa seguridad ni Lolo. Kaya kahit masakit papakawalan! Chur! Ang drama ko! HAHA!
Ng matapos na kaming kumain ay pinapunta muna ako ni Lolo sa opisina nya. Kinakabahan nga ako eh baka pagpasok ko sa kwarto eh babatuhin ako ni Lolo ng kutsilyo. Ang OA ko naman. Bago ako pumasok sa opisina ay napa-buntong hininga muna ako.
"Lo". Agad naman umangat ang tingin ni Lolo dahil nagbabasa sya ng dyaryo ng pumasok ako.
"Upo". Tinapunan nya lang ako ng tingin at bumalik na sya sa pagbabasa ng dyaryo.
Agad naman akong umupo dun sa upuan na nasa harapan ng mesa.
"Bakit nyo po ako pinpapupunta dito Chairman?". Wala ng dahilan para magpa-ligoy ligoy pa. Ayaw kung magtagal dito sa loob feel ko kasi anytime pwede akong mahimatay. Dahil sa sobrang kaba.
"I know everything Alexander". Agad naman akong napakunot ng noo. Anong ibig nyang sabihin sa everything? "Alam ko kung ano ka talaga Apo". Ano ba to si Lolo pa suspense. Pero ang sarap pala pakinggan ang matawag kang Apo no? First time to kasi mga teh!
"Ano pong ibig sabihin nyong Lolo?". Naguguluhan kung tanong kay Lolo. Clueless talaga ako sa mga pinagsasabi ni Lolo.
"Alam kung Bakla ka Alexander". Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Lolo. Anytime pwede akong himatayin dahil sa sinabi ni Lolo. Hanu daw? Alam nyang bakla ako? Nooo!
"P-po? Ano po bang pinagsinasabi nyo dyan Lo". Pero mukhang hindi kumbinsido si Lolo.
"Alam ko ang lahat Apo, sinabi ito lahat ng Lola mo bago ito namatay. Sinabi nya sa akin ang lahat". Mas lalo pa akong natigilan sa sinabi ni Lolo. It's mean? Matagal ng alam ni Lolo ang sikreto ko pero di nya man lang ako pinagalitan. "Oo, sinabi nya ito sa akin bago mamatay dahil ayaw nya daw na nahihirapan kang itago ang totoo mong kulay Apo. Sinabi saken lahat ng Lola mo para habang maaga ay mapatawad na kita. Pero Apo, ito lang ang masasabi ko sayo. Di ako galit sayo". Para naman nabunutan ng tinik sa puso ng dahil sa sinabi ni Lolo. Di sya galit? Bakit?
"I'm sorry Lo". Paghingi ko ng tawad kay Lolo. Parang anytime babagsak na ang mga luha ko. Sh*t! Nakaka-touch ang scene na to!
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Gay
Ficção AdolescenteWhat if your friend is starting to fall in love with you? What if? But there's a problem, he is a GAY. What are you going to do? Are you going to stop your feelings? or tell him that you love him? I'm Ivy Perez and he is Alexander Ford Monteriño...