Chapter one

19 8 0
                                    

Willehm's Point Of View

THIS DAY is quite busy and exhausting. Yet I still need to prepare for something special.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin habang inaayos ng bahagya ang neck tie. I brushed up my brownish hair at sandali pang nagpa-cute sa salamin. Ah mali ata yung term ko. Nagpapogi pala dapat. Anyway.

I looked at my wrist watch, it's already 7pm. Kailangan ko nang umalis. Kinuha ko ang pink tulip bouquet na nakapatong sa kama ko at lumabas na ng kwarto.

"Ma, aalis na po ako," pagpapaalam ko saka humalik sa pisngi ni mama. Tinapik-tapik nito ang balikat ko at ngumiti. "Mag-iingat kayo ha. Mag-enjoy kayo sa date nyo."

"Thanks, ma. Si Wayne nga po pala?"

"Hindi pa umuuwi eh. Wag mo muna intindihin kapatid mo. Pauwi na rin naman siguro yun. Tsaka matalino naman yung kapatid mo para makalusot sa magtatangka sa kanya. O sya sige, umalis ka na at baka malate ka pa," sagot ni mama.

Ngumiti ako rito bago tuluyang lumabas ng bahay at umalis sakay ng kotse.

Papunta ako sa publishing company kung saan nagtatrabaho ang girlfriend kong si Ivonne. Isa syang magazine editor doon.

Nakilala ko sya noong magkaayaan kaming magkakaibigan slash kabanda ko sa bahay ni Lincoln, gitarista namin. Nakita ko sya sa swing ng bahay nila. Maganda sya, syempre naakit agad ako. Uso pala talaga samin ang love at first sight? Anyway.

Tinanong ko kay Lincoln kung sino yung babae sa swing nila. And there, nalaman kong kapatid nya pala yun. At dahil kaibigan ko si Lincoln, hindi ako nahirapang makipagkilala sa kanya hanggang sa nagkapalagayan kami ng loob.

At ngayon, ise-celebrate namin ang third anniversary namin. Alam ko namang busy sya kaya ako na lang mismo ang pupunta sa office nya para i-surprise sya.

Ilang minuto pa ang itinagal ko sa sasakyan dahil sa traffic.

Ano kayang magiging reaksyon nya kapag nakita nya ako sa office nya dala ang paborito nyang pink tulips?

"Matutuwa kaya sya?" Pagkausap kosa sarili sa loob ng sasakyan. Muling sumilay ang ngiti sa mga labi ko.

"Eh paano kapag nagalit sya?! Ayaw ka nyang bumibisita sa opisina nya, 'di ba?" Gulat na sabi ko sa sarili at napalitan ng kaba ang nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung bakit pero mula noong nakaraang limang buwan, sinabi nya sa'kin na huwag na daw ako pumunta sa office nya or dalawin sya. Hmmm... Ah alam ko na. Baka nadi-distract sya sa'kin.

Natawa ako ng mahina dahil sa naisip na dahilan. Hayst... Baliw na ata ako. Kinakausap ko ang sarili at tunatawa mag-isa sa loob ng sasakyan.

Maya-maya pa ay nakarating na rin ako sa destinasyon ko. Bumuntong hininga muna ako bago lumabas ng sasakyan dala ang bouquet.

"Do you have an appointment, Sir?" Tanong ng babae sa information desk.

"Uhm, is Mss. Mariz Ivonne Lee here?"

"Kaano-ano nya po?"

"Boyfriend nya ako," I answered, flashing a bright smile on my face.

She was about to dial on the telephone when I stopped her. "D-don't call her. Third aniversary kasi namin. I would like to surprise her."

Tumango-tango ito saka ako nginitian.  "Hindi pa po sya nagche-check out. She's in her office at the sixth floor. Happy anniversary po sa inyo, Sir," nakangiting bati nito.

"Thanks," pagkasabi niyon ay nagtungo na ako sa elevator.

Inayos ko sandali ang sarili sa loob ng elevator hanggang sa magbukas ang pinto nito. Pumasok ako sa isang pinto at dire-diretsong lumapit sa cubicle nito. Hindi na ako hinarang pa ng mga katrabaho nito since kakuntsaba ko sila sa plano ko.

Capturing The SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon