Chapter three

16 8 0
                                    

"ARGH!" Napaungot ako nang maramdaman ang pagkahilo sa pagbangon ko. Gaano ba karami nainom ko kahapon?

Ikinurap-kurap ko ang mga mata at nag-unat ng braso. Amoy pabango ng babae kwarto ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid.

"Ang linis naman," komento ko at napangiti pa. Ngunit agad ding napawi ang ngiti kong iyon.

Asul na kurtina? Skyblue na pader? Puting cabinet? Puting oraganisadong desk? Pink na bed sheet at grey na kumot?

I gasped as I realized something... "Hindi ko kwarto 'to!"

"Syempre, akin 'to eh." Lumingon ako sa nagsalita.

"Sorry," she giggled and it's sound so soft. She has a long wavy brownish hair, a sweet brown eyes, and pinkish lips. Medyo matangos rin ang ilong nito at maputi ang mga balat nito. I feel like I'm looking on an angel.

Nakasuot ito ng formal attire. May pasok siguro sya ngayon. Base sa mga nakita kong blue prints at plates sa table, isa siguro syang architect or engineer.

"Dinalhan kita ng breakfast. P-please don't stare at me like that, nakakailang."

Nakakailang? Pffta! Ganun na ba ako kagwapo? "P-pasensya na. Akala ko, nananaginip ako na may anghel na naghatid ng pagkain para sakin," diretsong sabi ko dahilan upang sumilay ang matamis nitong ngiti.

Inilagay nya ang tray sa kama at ipinwesto ang bed table sa tapat ko.

"T-thanks. Pero hindi mo naman kailangang gawin 'to. Anong nangyari sakin kagabi? Tsaka bakit nga pala ako nandito?" Tanong ko rito. Umupo naman ito sa gilid ng kama.

"Iniligtas mo ako kagabi. At habang buhay na utang na loob ko 'yun sayo. Kinakausap kita kagabi kaso bigla ka na lang napahiga sa semento at natulog. Walang ibang tao that time kaya pinilit na lang kitang isakay sa kotse ko," nakayukong pagkekwento nito.

"Isakay? Pa'no mo ako nagawang buhatin?" Tanong ko dahilan upang tumunghay ito at nagpeace sign kasabay ng pilit na ngiti.

"Actually, hindi kita binuhat. K-kinaladkad kita, sorry. Ihahatid sana kita sa bahay mo kaso hindi ko naman alam kung saan ka nakatira. Wala kang dalang kahit ano maliban sa lowbatt mong cellphone at sa wallet mo na pera lang ang laman. Kaya dinala na lang kita sa bahay ko," pagkekwento nito. Napatango-tango naman ako nang maintindihan ang nangyari.

Pero teka... Sabi nya kwarto nya 'to. Hindi kaya...

Sinipat ko ang sarili at mapanghusgang tiningnan ang babae sa harap ko.

"Bakit?" Inosenteng tanong nito. "Kung kwarto mo 'to, ibig sabihin dito ka natutulog diba?"

"Obviously yes," confident na sagot nito. I gasped. "Hindi kaya..."

Nanlaki naman ang mga mata nito nang makuha ang ibig kong sabihin. "Hoy! Grabe ka naman! You have looks pero hindi ko gagawin 'yon noh!"

"Defensive. Nagbibiro lang naman ako," saad ko bago itinuon ang atensyon sa pagkain. Narinig ko namang tumawa ito ng mahina.

"Sige maiwan na kita. Male-late na ako sa trabaho ko. Mukha ka namang mapagkakatiwalaan," she stood up smiling at me.

"Hindi rin naman ako magtatagal. Siguro uubusin ko lang 'ting inihanda mo sakin tapos uuwi na rin ako." Angbait ko sa tonong 'yun.

"S-sige. Thank you uli sa pagligtas sakin."

She was about to open the door when a question suddenly popped in my mind.

"Wait, before you go. May I know your name?"

"Ah I almost forgot. I'm Gabrielle," she said with poker-faced and then she suddenly laughed after few seconds.

Capturing The SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon