Luna Blaire Miranda.
"Oh fuck! I forgot my wallet sa bahay I have there my pera and my ID!" bulalas ni Luna bago pa man makasakay ng jeep papuntang paaralan.
"Tangina talaga! Late na ako eh! Ugh!so nakakainis naman!"
Takbo lang ng takbo si Luna papasok ng University at syempre di mawawala yung mga mura niya. Wala siyang pakialam sa mga nadadaanan niyang estudyante na nagtatakang tumitingin sa kanya. Late na siya at terror pa naman yung prof nila sa first subject.
Tatawid na sana siya sa kabilang building nang may nahagilap siya sa kabilang dulo ng daanan, isang matandang babae na hirap sa pagpulot nang mga paninda niyang gulay at prutas. Nagtaka si Luna... Paano ito nakapasok sa paaralan eh bawal naman yung vendors dito? Late na talaga siya pero napapansin niyang ngumingiwi yung matanda, at nakahawak ito sa likod niya habang nagpupulot. Bakit walang tumutulong sa kanya? Nilalagpasan lang siya ng mga estudyante na pawang hindi ito nakikita. Oh fuck! Multo ba ito? Siya lang ba ang nakakakita rito?
Natigilan si Luna at pinagmasdan yung matanda, napansin niyang iniiwasan talaga siyang mabunggo ng mga tao kaya nakahinga siya ng maluwag pero nainis din siya kalaunan. Mga walang manners! Catholic School ba talaga 'to??Kahit late na siya sa klase, lumapit nalang siya sa matanda at tinulungang pulutin ang mga dala nito at nialagay sa kanyang basket.
"Nay, ako na po. Pansin ko po nahihirapan na po kayo."
"Naku salamat ineng! Kay bait mo namang bata."
ngumiti siya dito."Bakit po kayo nandito Nay? Ang alam ko po bawal po ang vendors dito." tanong ni Luna.
"Ay hindi ako narito para magtinda ineng! Dito pumapasok ang aking apo, kakagaling lamang namin sa palengke at narito ako kasi hinatid ko siya."
Na-guilty naman si Luna sa pag aakala niyang isa itong vendor. Naawa rin siya sa matanda kaya nag-offer siyang ihatid ito hanggang sa labas ng paaralan.
"Maraming Salamat talaga, ano nga bang pangalan mo ineng?"
"Luna po."
"Luna." ngumiti ito. "Kay gandang pangalan para sa isang magandang binibini." medyo nailang si Luna sa pagtitig nito sa kanya.
"Bilang pasasalamat ko sa'yo..." may kinuha ito sa kanyang bulsa na isang..kwintas??? hinawakan ang kanyang kamay at nilagay ito sa kanyang palad. Doon lang napansin ni Luna ang pawang maliit na orasan ang pendant sa kwintas na ito. Ordinaryo lamang itong tignan pero mabigat ito sa kanyang kamay.
"Isa itong kwintas na galing pa sa aking mga ninuno. Nawa'y ingatan mo ito at ipangako mo na hinding hindi mo ito ibibigay sa iba." parang babala na sinabi ng matanda. Bigla tuloy siyang kinilabutan sa tono nito."Ano po bang mangyayari 'pag binigay ko to sa iba?" nag iingat na tanong ni Luna sa matanda.
Sa halip na sumagot, ay nginitian na lamang ito ng matandang babae na parang inaasahan niya na itatanong niya yung tanong na iyon. Weird.
Napansin rin ni Luna na kahit sa katandaan ay pawang maaliwalas ang mukha nito na parang walang problema na dinadala, napakaganda ng ngiti niya.Sana All..
Nang makasakay na ang matanda sa isang jeep, nilagay na rin ni Luna yung kwintas sa bag niya at bumalik na sa loob para sa klase niya.
Oo nga pala! Late na pala siya.
"Hays 2nd subject na nga lang.. kabanas naman oh, kingina." napabuntong-hininga na lamang si Luna at dumiretso na lamang sa kanilang library upang magpalipas ng oras.
YOU ARE READING
The Time Warp
General FictionLuna Blaire wants to escape the violent reality of her current world. She attempted every possible way of killing herself without being guilty of the things and people that will be left behind. When Luna's life couldn't get any better (note the sarc...