Chapter I: Almost Forgiven

27 2 0
                                    

Malalamig na pawis, kinakapos na paghinga at naninigas na katawan. Wala akong ibang nakikita kung hindi ang dilim na bumabalot sa paligid ko. Pinipilit kong maimulat ang aking mga mata at maibukas ang aking bibig ngunit napapalitan ito ng mga luha na walang tigil na dumadaloy pababa sa aking mga pisngi.



"Tama na, please. Tama na Dos. Nasasaktan na ako. Tama na." Pagmamakaawa ko kay Dos habang hila hila nya ang buhok ko.


"Kulang pa, Blair! Kulang pa! Ganyan ang mangyayari sayo kapag lagi mo akong papakialaman sa mga lakad ko. Halika dito. Hindi pa tayo tapos." Pasigaw na sabi ni Dos.


"Dos, tama na. Hindi ko na kaya, tama na." Umiiyak na hiling ko kay Dos ngunit tila wala syang naririnig. Hawak hawak ng kaliwa nyang kamay ang buhok ko, habang ang kanan naman ay abala sa paghahanap ng kung ano mang bagay ang kailangan nya.


"Hindi ka na natuto, Blair. Hindi ka na natuto! Alam mo naman na ayaw ko sa lahat nang nakikialam ka di ba?! Tingnan natin ngayon kung hanggang saan ang tapang mo!" Pagbabanta ni Dos sa akin habang nanlilisik ang mga mata. Maya maya pa ay inilabas na nya ang hawak hawak nya. Halos manlumo ako nang makita ko kung ano iyon.


"Do-Dos? Anong gagawin mo? Ta-tama na please. Di na mauulit. Tama na."


Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak nya ngunit huli na ang lahat. Dali daling inilagay ni Dos sa leeg ko ang hawak nyang extension cord. Iniikot nya ito nang sobrang higpit hanggang sa wala ng hangin na pumapasok sa dibdib ko. Hindi na ako makahinga. Hindi ko na kaya....

"Do-Dos......."


                                         (KRRRRRRINNNNNNNG!! KRIIINNNNGGGG! KRIIIINGGGGGG!)


Nagising ako sa aking pagkakatulog nang marinig ko ang alarm ng cellphone ko. Nanginginig pa rin ang aking buong katawan- walang lakas para makabangon na.


"Napanaginipan ko na naman 'yon." Bulong ko sa sarili ko.


My name is Blair San Agustin, twenty-three years old. I decided to move to Manila and leave away from my family to pursue my career in Business Development. I am single and super ready to mingle haha! Just kidding.


A little background on my love life. I had a 5-year relationship with Dos Sebastian, my first boyfriend. He was my dream guy. The first two years of our relationship was perfect. I was so happy with him. Sabi ko nga sa sarili ko, napaka swerte ko na sya ang boyfriend ko – or so I thought. When our relationship reached its third year, doon na nagsimulang magbago ang lahat. Dos started to change. He became an alcoholic and started cheating on me with random girls.


One night, I found his extra phone and caught him flirting with another girl. That's when he first started to hit me. Nanghingi sya ng tawad at ibinigay ko 'yon sa kanya dahil baka nga nadala lang sya ng emosyon- and this was my biggest mistake. 'Yong unang beses ay nasundan ng pangalawa, pangatlo, hanggang umabot ng limang taon. I know that it was stupid, but I was so crazy in love back then. Tiniis ko lahat ng mga nagawa nya hoping that someday, he'd change. Unfortunately, it didn't happen.


One day, I woke up after he almost killed me and I realized that I had enough. Dumadating pala talaga sa point na napapagod ka na lang. I finally accepted that he's never going to change. So I left him. 


Tatlong buwan na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa alaala ko yung huling beses na nasaktan ako ni Dos. Iyon na rin ang huling beses na nakita ko sya. I decided to leave him and hide from him out of fear.


AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon