"DAMN you, Aaron!" Galit na bulaslas ni Don Mateo na napatayo mula sa pagkakaupo sa likod ng executive table nang makita si Aaron na pumasok sa silid. Naihampas nito sa mesa ang naabutan niyang binabasa nitong mga papeles.
Bahagyang napangiti si Aaron. Hindi man lang natinag sa pagsigaw ng ama. Cool na cool na nagdekuwatro pa sa pagkakaupo sa couch sa isang sulok ng malawak na opisina ng CEO at Chairman ng Villarios Hotels Corporation. Sanay na kasi siya sa temper ni Don Mateo noon pa. At alam niyang sanay na rin ito sa mga kalokohan niyang parati nitong ikinagagalit sa una ngunit wala naman itong nagagawa sa huli kundi patawarin siya dahil siya lang ang kaisa-isa nitong anak.
Kabisado na niya ang set of sanction plan ng ama sa tuwing may mababalitaan itong ginawa niyang kalokohan. Una, ipapatapon siya sa ibang bansa para mabura sa alaala ng mga tao ang eskandalong kinasangkutan niya na hindi lang nito alam ay mas pabor sa kanya dahil malaya niyang nagagawa ang mga gusto.
Ikalawa, babawian siya ng mga credit cards, ATMs, Visa cards etc. pero ang hindi nito alam na sa oras na maubusan na siya ng pera sa banko ay ang bank account ng kanyang mama ang pinagkukuhanan niya ng pera dahil hindi siya matiis ni Doña Lora. O marahil ay alam nito ngunit pinababayaan na lang rin sila nito ng kanyang mama dahil hindi rin siya nito matiis ngunit ayaw lang ipahalata.
Ikatlo, tatakutin siyang hindi pamamanahan na siyang pinakanakakatawang paraan ng ama para mapatino siya. Alam niyang hindi nito kayang ibigay ang pinaghirapang kayamanan sa kung saan lang sa oras na mawala ito. Hindi siya nito kayang pabayaan kahit pa galit ito sa kanya. At isa pa, siguradong aapila ang kanyang mama kung saka-sakali.
Ikaapat, sasabihan siyang kinakailangan na niyang maglingkod sa isa sa chain of hotels nila para maputol na ang carefree life niya—pambababae, pagka-casino, pagkahilig sa mga extreme sports tulad ng motocross, car racing, skydiving etc., at walang patumanggang paggasta ng perang hindi niya pinaghirapan. Ngunit hindi rin nito magawang ituloy ang paghihirang sa kanya sa dapat niyang kapuwestuhan bilang apo ng founder ng korporasyon—bilang General Manager—dahil alam niyang natatakot rin itong makasira siya sa magandang takbo ng kompanya at mapahiya ito sa board of directors nang dahil sa kanya.
Nagtapos siya ng Business Management pero hindi niya sineryoso ang pag-aaral. Aminado siyang wala sa bokabularyo niya ang pagseseryoso at pagiging responsible sa buhay. Indeed, he was a happy-go-lucky and reckless well-heeled slacker. Laman siya ng lifestyle section ng mga pahayagan bilang prodigal son ng pamilya Villarios na sa tingin niya ay eksaherado.
Aminado siyang matigas ang ulo niya at marami siyang nakahiligang gawin na hindi na niya maialis sa sistema niya. Likas rin ang pagkapilyo niya. He liked girls. He admitted to be a connoisseur in the art of womanizing. Ang mga babae naman kasi ang kusang lumalapit.
Hobbie niya ang mangolekta ng vintage autos, sports cars at big bikes. Libangan rin niya minsan ang pumasok sa Casino, lalung-lalo na kapag nasa Las Vegas siya. May isang pagkakataon pa nga noon kung saan minalas siya at nakawaldas ng halos isang milyong dolyar na siyang isa sa napakaraming offenses niya sa ama na nag-ugat sa pagpapabalik nito sa kanya sa bansa. Binawian siya ng access sa pera ng pamilya at hindi na siya pinalabas ng bansa kahit kailan. Mabuti na lang at nandiyan ang kanyang mama para ibigay pa rin ang mga luho niya kahit wala na siyang kapera-pera.
At ngayon, may bago na namang ipinagwawala sa galit ang kanyang papa. Pero sa pagkakataong ito ay alam niyang wala siyang kasalanan at nakahanda siyang panindigan iyon.
"Pa, is that how you return greetings now? I said 'Hi Papa'. In case you didn't hear me right." He knew full well his father has a healthy sense of hearing. Hindi lang niya gustong seryosohin ang galit nito. Kunsabagay, kailan ba niya ito sineryoso?
BINABASA MO ANG
A Devil In Disguise [COMPLETED]
Romance*UNEDITED* *WATTPAD VERSION* Isang chambermaid si Cathy. Minsan na siyang nagkamaling umibig sa isang mayamang lalaki pero kabiguan lang ang napala niya kaya naging ilag na siya sa mga ito. Nakilala niya si Karl, ang guwapong bellboy na bagong katra...