THOAMB #11 - Blood

1.2K 55 0
                                    

Chapter 11

Lara's POV

Nasaan na ba ang kusina sa bahay na to? Bakit kasi hindi ko tinanong kay Lucas bago sya umalis. Ang dami ring pinto dito hindi ko na alam kung anong papasukin ko. Kanina dahil sa pag hahanap ko, napasok ko ang kwarto ng mga kasama nila sa bahay. Pati ang isang grand hall nakita ko rin at grabe ang ganda nun.

May nakita akong isang lalaki na may straw hat at feeling hardinero sya dito dahil sa hawak nyang grass cutter. "Miss Lara, may hinahanap po ba kayo?" thanks God may mapagtatanungan na ako.

Ngumiti ako sa kanya at tinanong kung asan ang kusina. "May tatlo pong daanan papunta roon Miss Lara, ang isa ay sa likod pa po ng bahay, ang pangalawa ay sa second floor po at ang huli ay sa dining hall po." Ngumiti sya sakin at saka nag paalam na aalis na pag katapos kong mag pasalamat.

Grabe naman tatlo talagang daanan, parang ang dali namang tumakas dito pag may umatakeng kung sino sa bahay na to.

Sa second floor? E ayokong pumasok sa mga pinto roon, feeling ko kasi baka kung ano ang makita ko. Kung sa likod naman baka kung saan pa ako mapunta pag lumabas ako sa malaking bahay na ito. Doon nalang sa dining hall napasok ko na iyon kaya alam ko na kung saan, kaya pala may hagdaan doon kusina pala ang punta.

Pag pasok ko ay hindi ko parin mapigilang mapahanga kahit nakita ko na iyon kanina. Pakiramdam ko ay napaka liit kong tao dahil sa taas ng ceiling ng lugar na ito, maganda rin ang napiling tiered chandelier na nakasabit. May mahabang glass table na may fourteen na upuan at may fire place din. Sa tabi nun ay may spiral staircase na merong staircase chandelier. Ito palang lugar na ito ay nag susumigaw na nang karangyaan.

Inakyat ko ang hagdanan at pumasok sa pinto doon. Mas malaki pa ata ang kusina na ito kesa sa kwarto ko sa bahay. Maayos na nakasalansan ang mga gamit at organized din ang mga appliances. Malinis ang bawat sulok ng lugar at parang hindi ginagamit sa sobrang ayos. May table din at anim na upuan, siguro ay ginagamit lang nila ang dining hall kapag may pag diriwang. May tatlong double door refrigerator din. Putek grabe na ang lugar na ito, gano kaya karaming pera ang ginastos para dito? Grabe naman ang binibigay na pera ng Laffiel empire.

"Oh ija, Gutom ka na ba? anong nais mong kainin? Ipag luluto kita." Pinaupo ako ng isang babae na medyo may katandaan na at binigyan ako ng maiinom habang hinihintay kung anong gusto kong kainin.

"Hindi po ako nagugutom, nauuhaw lang po ako." Magalang kong sagot sa kanya at ngumiti na ikinangiti rin nya.

Ipinag patuloy nya ang ginagawa nyang pag luluto at panaka nakang tumitingin sa gawi ko. Tumayo ako at nag lakad palapit sa kanya. "Pwede pong tumulong?" mukhang nagulat sya sa sinabi ko dahil muntikan nang sumablay ang pag hihiwa nya. "Hindi na ija, ang sabi ni Konrad ay ituring ka namin ng katulad sa kanya kaya hindi kita pwedeng pag lutuin at baka mapagalitan pa ako nang batang iyon." Pinag patuloy nya ang pag hihiwa habang ako ay nakatingin lang sa kanya. "Hindi nyo po sya tinatawag na boss?" na amuse lang ako dahil lahat ng taong nakilala ko na kilala rin sya ay tinatawag syang boss.

"Nako sya ang nag sabi na huwag ko na syang tawagin nun dahil matanda na raw ako at malapit ng mamatay." Imbes na maoffend o malungkot ay tumawa pa sya. Mag tatanong na sana ako pero na unahan na nya ako. "Katulong ako sa pag papalaki sa batang iyon mula ng isinilang sya. Hindi man nya aminin ngunit alam kong napamahal na sya sakin. Kahit anong sabihin nyang hindi maganda ay alam kong hindi totoo iyon at ginagawa lang nya iyong panakip sa totoo nyang nararamdaman." Napangiti ako dahil sa sinabi nya, I admit Lucas is a sweet guy.

"Pwede nyo po ba akong kwentuhan tungkol kay Lucas? Sandali palang po kasi kaming mag kakilala." Hindi na sya umangal ng makita nyang kumuha ako ng knife at sinimulang gayatin ang ilang mga gulay. Tumingin ako sa kanya at nakitang may ngiti sa mga labi nya.

The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon