Mahirap mag mahal ng di mo naman talaga mahal. Lalu na kung Ipakakasal ka sa taong di mo naman gusto. Yan ang nangyari sa Buhay ko AY! Hindi pala... Bakit? Yan ang IkweKwento ko sa inyo.
Ako nga pala si AICA 18years old.
Grade 4 ako ng magsimula ang isang palabas na pinagbibidahan ng taga ibang bansa. Pinanuod ko ito dahil na din daw sa maganda ang istorya at nakakaKILIG. Tungkol ito sa isang Babaeng ipinagkasundo sa isang mayamang lalaki at tapos ay Kinasal kahit Labag sa kalooban nila. Walang Magawa ang Babae kundi sundin ang kanyang Magulang, ganun din ang Lalaki.
Pag Katapos ng palabas na iyon natulog na ako halos 11:55pm na nun nung natapos iyon. Sa Panaginip ko nangyari ang di ko inaasahan na mangayayari. Natatandaan ko pa ang pangalan ng Lalaking nasa panaginip ko. Siya si JEFF! ang nangyari ay ganito :
(Panaginip)
Gumising ako ng 9:00am sabado walang pasok .
Mommy: Anak Kakain na halika na!
Ako: Opo Mommy wait lang!
-Bumaba ako-
Daddy: Aica Mag usap tayo.
Ako: cge po ano po ba yun? May nagawa po ba akong Kasalanan?
Daddy: Ala anak . Gusto ko lang sana Ipaalam sayo na napagkasunduan na namin ng mommy mo at ng Pamilya ni Jeff na Ikakasal kayo sa Pagdating mo ng 13 years old. Upang mabawasan tayo ng Utang sa mga tao dahil sa pamilya ni Jeff gaganda ang Buhay natin di Muna kailangang magtrabaho!
Mom: OO nga anak. sana ay wag ka magalit samin dahil sa ginawa namin ng daddy mo.
Ako: ANO? daddy ,mommy Grade 4 palang ako at alam nating di pa kami pwedeng Ikasal.
Dad: kahit di kayo Kasal magsasama na kayo sa isang Bubong.
Ako: AYAW KO! bata pa ako at gusto ko pa maging single sa Status sa Friendster ! at higit sa lahat may mahal na ako.
Mom: SINO?? si IAN nanaman? O, Nasan siya diba iniwan ka niya pumunta siya ng Saudi para magaral dun? wala kang maaasahan sa kanya! sa ayaw mo at sa gusto MagpapaKASAL ka kay JEFF!!!
Ako: "walkout at umakyat sa kwarto ko upang mapag-isa at umiyak"(hndi ko alam kung bakit ganun sila dun sa panaginip ko)
Naalimpungatan ako ng mga sandaling iyon ngunit nagpatuloy padin ang panaginip ko :\
MOM and DAD: HAPPY 13TH BIRTHDAY AICA :) "screaming"
Ako: Masaya na kayo dahil 13 na ako ..hindi ko akalain na gagawin nyo sa akin ito. Dapat ba kayong tawaging MAGULANG?"walkout again"
Wala na akong magagawa kundi sumunod ..After ng 3months pinagsukat na ako ng Wedding Gown at ganun din si JEFF nagsusukat na din sya ng BARONG. Lumapit siya sakin upang mag APOLOGIZE.
Jeff: Aica :( Sorry sa nangyayare satin ngayon. Di ko din gusto ang nangyayari satin.
Ako: SAna nga di mo gusto. Malay ko ba kung niRequest mo na ikasal tayo eh.Ano pa nga bang Magagwa ko eh nandito na ..di na ako makaka Atras..
Jeff: Pwede ka pang Umatras.
Ako: Pano sige nga?
Jeff: Pagdating mo sa altar Tumakbo ka Takbuhan mo ako..Umalis ka na.pagisipan mo mabuti. sige alis na ako .
Naisip ko na tama si Jeff tatakbo ako at magpapaka layo layo.
"WEDDING"
habang Inaayusan ako iniisip ko na at pinaplano ang gagawin ko mamaya ..at kung itutuloy ko pa ba iyon o hindi na..
Si JEFF at ang magulang niya ay nasa simbahan na pati nadin ang mga dadalo at mga abay.. Ready na ang lahat..
Dumating ako ng Saktong 4pm sa Simbahan, kinakabahan ako ..habang nakasarado ang pintuan ng simbahan nagiisip na ako ..ng ako na ang lalakad di ako maka apak ng simbahan hindi ako gumagalaw. Pero Lumakad padin ako. habang lumalakad ako at tinitignan silang lahat umaagos ang Luha ko.ng makadating ako sa Harap ng Altar lumingon ako at pinagmasdan ang magulang ko. halatang masaya sila sa nangyayari. Nanaig pa din ang Pagmamahal ko sa Magulang ko Kaya't tinuloy ko na ang kasal.
Dun na natapos ang unang Yugto ng panaginip ko akala ko hindi na mauulit yun kaso ....
8 years Later ,18 years old na ako ngayon. Kagabi November 11, 2012 Sunday napanuod ko ang palabas ni BARBIE sa STAR MOVIE, hindi si Barbie Fortesa yung sinasabi ko ..si BARBIE na Cartoon. ikakasal din ang prinsipe sa babaeng hindi niya mahal kaya't ipinagpalit niya ang pagiging prinsepe para sa pag ibig..natapos nanaman ang palabas na iyon at natulog na ako.
Nagsimula na ang panaginip ko:
Napansin kong malaki tyan ko ..kaya't pinisil ko ito at hinimas himas..akala ko mataba ako..mali pala. habang pinipisil ko ang tiyan ko napansin kong may gumagalaw sa loob ng tiyan ko ..at mukhang bata iyon ..BUNTIS ako. 3months na kasi akong di nagkakaruon ng MENSTRUATION kaya siguro ganun.
pumunta ako ng school at nadatnan ko ang kaibigan kong si almira.
Ako: ALMIRA! BUNTIS AKO!!!
Almira: ano?? nuon sabi mo hindi ka buntis?
at dumating ang isa ko pang Friend si JUWA
Juwa: o ano nangyayare?
Ako: JUWA may asawa pala ako ..nakalimutan ko na, dahil 8 years na kaming di magkasama simula nung kinasal kami..
Almira: eh kaninong bata yan?
Juwa: baka kay ************************
Ako: baka nga..
Juwa: halika Hanapin natin yung asawa mo!
Ako: cge
Hinanap namin ang asawa ko..alam kong nasa BU lang sya dahil na din sa facebook Info nya..
Nahanap namin si JEFF sa isang pwesto sa 3rdfloor..at kinausap..
Ako: JEFF?
Jeff: Aica?
Nagyakapan kaming dalawa
Jeff: Akala ko di na kita makikita miss na miss na kita
Ako: akala ko din ..miss na miss na din kita :'(
Jeff: teka bakit?????"habang tinitignan ang tiyan kong malaki"
Ako: oo jeff buntis ako sa ibang lalaki..nagkaBoyFriend ako dahil akala ko single ako
Jeff: it's ok .kahit di ako ama nyan pananagutan ko yan..
Ako: talaga? :''')
Jeff: Mahal kita aica kahit 8years tayong di nagkasama hindi ko kinalimutan na may asawa ako ..
magsasalita ako ngunit pinigilan ako ni jeff
Jeff: shhh alam ko sasabihin mo pero Past is Past ok? kaya kalimutan na natin yun.sabay tayong uuwi mamaya sa bahay natin dahil nagpagawa na akong ng dreamhouse mo ..ngayong magkakaanak na tayo mag reready na ako :)
Ako: SALAMAT JEFF kala ko di na mangyayari ito. "hinalikan nya ako"
Sabay kaming umuwi sa pinagawa nyang bahay..kung san bahay namin dalawa at nakita kong sobrang ganda nun.
kinagabihan matutulog na kami niyakap nya ako habang nakatalikod sa knya..at sinabing
Jeff:" HINDI NA TAYO MAGHIHIWALAY"
naalimpungatan nanaman ako habag naalimbungatan ako hinawakan ko tiyan ko at pinrotektahan dahil alam ko nsa panaginip pa din ako nakakatawa man ngunit di natin maiiwasan na mangyari yun. at ganun padin nagpatuloy ang panaginip ko. Nanganak ako at naging masaya kami ni JEFF.
nagising ako ng masaya knina at hinahawakan ko ang tiyan ko at nalaman kong ISANG PANAGINIP LANG PALA ang lahat.
-aika-