CHAPTER THIRTY - THREE

1.3K 45 5
                                    

FIVE YEARS LATER .....

"Mommy! mommy! wake up you have a visitor .. hey! mommy .." naalimpungatan ako ng may maliit na kamay na yumoyogyog saakin,

"Baby, later na okay?." Sabi ko at pinikit ko ulit ang mga mata ko

"Mommy, tito Jack is here." Sabi ng anak kong si Tyron

Bumangon agad ako ng marinig ko ang pangalan ni Jack, napangiti naman ang anak ko sa akin,

"Tyron? are you sure? you're not lying are you?." nakita ko naman ang reaksyon niya na sobrang na disappoint, may pinagmamanahan ka talaga anak,

"Mommy I'm sorry, I just wanna make you happy, I thought tito Jack can make you happy,."

Na guilty ako sa sinabi ng anak ko, paano ba kasi lately nagpakita ako sa kanya na sobrang down ako, dahil sa nabalitaan ko ..

Tinawagan ko sina mama at papa through video call, at limang  taon narin kasi ang lumipas simula ng umalis ako ng Pinas, marami akong pinagdaanan dito sa England para maitaguyod ko ang sarili ko at ang anak ko,

Hindi ko makita kasi ang mga aunties at uncle's ko dito kaya nahirapan ako kong saan ako tumuloy, ninakawan din ako ng pera ng Isang kapwa ko Pilipino dito, hindi ko na alam kong anong gagawin ko, wala akong matuluyan at makakainan, hinang hina na ako hanggang sa aking paglalakad sa gitna ng kalsada nahimatay ako at ang nakapulot Sakin ay si Jack Emerson ..

He brought me into the hospital at siya na ang kumopkop sakin, hanggang sa nanganak ako kay Tyron siya ang tumayong daddy ni Tyron siya ang kinilala niyang daddy, umaasa kasi ako na susundan ako ni Luxxe dito sa London at kukunin niya ako Pero lumipas nalang ang maraming taon hindi siya nagpaparamdam sakin ....

Naging manager ako sa isang famous restaurant ng London na kaibigan rin ni Jack at malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil sa kanyang mga tulong sakin .. dito na ako nagtapos ng Culinary arts, pinagsabay ko ang pagiging ina ko at pag aaral hanggang sa nakapag tapos na ako ...Jack is always with me, even in my hard times palagi siyang nakaalalay sakin pero ang sama sama kong babae dahil hindi ko man lang siya nabigyan ng chansa na MAHALIN ko siya dahil hanggang ngayon siya parin ang nasa puso ko ...




FLASHBACKS ....

Nag celebrate kaming dalawa lang  ni Tyron ng birthday niya, Oo birthday ni Tyron magkasabay sila ng birthday ni Luxxe .. at sakto din na tumawag sina mama at papa ..


"Hello mama, papa .. kumusta po?." masaya Kong bati sa kanila

"Anak, miss na miss ka na namin, miss na miss narin namin ang apo namin, nasaan na si Tyron? birthday niya diba?.." si mama,

"Tyron come here, lola and lolo want to talk to you.." tinawag ko ang anak ko at lumapit naman ito saakin .. " say Hi to lola and lolo.." pagtuturo ko sa kaniya

"Hi Lola, hi lolo today is my birthday! what is your gift for me?." malamabing na Sabi ni Tyron kina mama at papa napangiti naman sila.

"Ahhh.. Tyron, Lolo is buying a toy car here.. you see this?." pinakita agad ni papa ang bili niyang sasakyan

"Wow! that's awesome! can I get that?." tanong naman niya

"Ano Sabi niya?. hahaha .." napatawa naman ako sa tanong ni papa sakin

"Nako pa kailangan niyo ng mag praktis ng English dahil ma no-nosebleed talaga kayo kay Tyron.."

"Oo nga."

Nagtawanan naman kaming tatlo ...

"Happy birthday Tyron..." sabay sabay na bati nina mama at papa sa anak ko

Marrying the BILLIONERS SON [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon