I
Nakakita ka na ba kung paano magalit ang isang taong matagal nang nagtitimpi?
Parang representation lang ang tanong na ito ng kabataan ko sa Remedios. Lumaki kaming dalawa ni Madeline sa realm ng Classical Antiquity. Ang mga kuwento ng pakikipagsapalaran ng mga bayani sa The Iliad at The Odyssey, ang kabaliwan na nagtulak kay Heracles na patayin ang kanyang mag-ina, at ang pagsuklam ni Aphrodite kay Psyche na isang mortal dahil higit na mas maganda pa ito sa kanya—ang mga ito dahil lang bagot ang mga Olympian kung kaya naghanap sila ng pwede nilang mapaglibangan.
Malupit, pabago-bago, mapaghigante, mababaw, masidhi, baliw. Nang malaman naming minsa'y nagbalat-kayo si Zeus bilang toro para makipagtalik, kumbinsido kami na isang malaking biro ang pamilyang ito. At kalaunan, parehas kaming sang-ayon na ibaling na lang ang aming interes sa ancient Greek dramas.
Pero kung tutuusin, hindi ko matandaan kung kailan nagsimula ang fascination naming dalawa sa ideya ng kontrol gayong sa simula pa lang halatang wala sa mga diyos at diyosa ang bagay na ito. Madali silang magalit, mataas ang opinyon nila sa kanilang mga sarili, at magawa nila ang isang bagay na walang pagdadalawang-isip.
Hindi kami fascinated sa ideya ng kontrol—in truth, fascinated kami sa pagkawala nito.
Ang mga naunang pilosopo kagaya nina Plato, Socrates at Epicurus, may punto ba sa buhay nila na naging baliw sila? Mga matatalino, patas, nauunawaan ang behaviour at mental processes ng tao, nagawa nilang makita ang katotohanan sa likod ng makapal na pakunwari. Pero para makuha ang ganitong karunungan, anu-anong mga bagay ang kanilang matalikuran?
Sa kasawiang palad, hindi pa nauuso ang salitang baliw sa panahon nila. At kagaya kay Heracles, ang tanging rason kung bakit hindi makapag-isip nang matuwid ang isang tao ay dahil pinarusa o biniyayaan siya ng mga diyos.
Kaya sinanay nila ang kanilang sarili na maghugas-dili, nag-aayuno. Hanggang sa umabot na rin sa punto na pinahirapan nila ang kanilang sarili—nagbakasakali na makuha nila ang atensyon ng mga diyos, umasang dadalaw ito o kakausapin sila sa mga panaginip nila.
Kaso hindi kami kagaya ng mga diyos. At kahit ano pa ang kumbisihin ni Edmund sa kanyang sarili, hindi siya self-sufficient.
Iilan lang ang kayang tumagal sa isip nila. Iilan lang ang kayang maging tahimik. Iilan lang ang kayang humarap sa mga demonyo nila nang mag-isa. Sa hindi ko maintindihang dahilan, lalo lang naging interesante si Edmund sa paningin ko.
"Tumawag ako sa landline niyo," wika niya sa akin, pagkatapos niya kaming batiin pagliko namin sa isang open hallway. "Sinabi nilang dadalawin niyo sina Charlotte kaya dumiretso na agad ako rito."
Binigyan ako ni Madeline ng makahulugang ngiti bago naunang maglakad sa amin. Hindi ito napansin ni Edmund, sa kasamaang palad, dahil nang ibalik ko ang mga mata ko ay nahuli ko siyang pinagmasdan ako.
Kinuha ko ang kamay niya at binagalan ang aking paglalakad. Magsasalita na sana siya nang hilahin ko siya papasok sa isang hardin, sumulyap saglit kay Madeline sa kalayuan bago humarap sa kanya.
"Mukhang hindi ka nakatulog nang maayos kagabi," wika niya. Kahit na naguguluhan siya sa akto ko ay bakas pa rin ang boses niya ng pag-alala. "Binabangungot ka pa rin ba?"
Humugot ako nang malalim. "Ed, sabihin mo na sa'kin. Para sa'n mo gagamitin ang belladonna?"
Humakbang siya paatras pero nanatili pa rin iyong malapit na distansya sa aming dalawa. Kung nagulat man siya ay nagtagumpay siyang itago ito sa akin.
"I looked the plant up on the internet." Nahirapan akong tingnan siya ng diretso samantalang pinagmasdan lang niya ako na may amusement sa mukha niya. Ba't ang kalmado pa rin niya? "Don't make me lay the facts and statistics to you."
BINABASA MO ANG
Reverie
Mystère / ThrillerHalina't pumasok sa gubat at magliwaliw, kalimutan ang oras at direksyon. Kung ikaw ay maligaw ay huwag mangamba. Magpariwala. Walang mas hihigit pa sa katinuan ang alisin ang mga kadenang gumapos sa mga isip natin at pilit tayong maging malaya. Kas...