Siguro naman halos lahat sa atin nakapaglaro na ng tagutaguan. Tara samahan natin sila Kiko,Bryan,Erwin,Joy,Princess at Bugoy mag tagutaguan.
Alas sais palang ng gabi madilim na ang paligid, wala ka nang batang makikita na nasa labas ng kanilang tahanan. Ganyan dati naniniwala kasi ang mga kabataan na pagsapit ng alas sais naglalabasan na ang mga engkanto,multo at kung ano ano pang itim na nilalang. Ngayon hindi na uso ang mga panakot na yan.
Nagkitakita ang magkakaibigan na si Kiko, Bryan at Erwin sa dotahan ala sais palang noon at maliwanag pa. Si Kiko ay labing apat na gulang palang habang si Bryan at Erwin ay labing lima na. Lagi silang laman ng computer shop simula pag uwi nila galing eskwelahan.
Isang araw paguwi nila galing eskwela naabutan nilang maraming tao sa baranggay hall nila. May nagnakaw pala ng transformer ng kuryente ng buong baranggay. Maraming nagrereklamo na hindi sila pwedeng mawalan ng kuryente dahil nagtratrabaho sila sa kanilang mga computer at laptop, meron din naman nagrereklamo dahil sa mamatay ang mga alaga nyang isda at meron mga naguusisa lang sa kaguluhan sa baranggay hall. Imbis na makigulo dumeretso ang tatlo sa computer shop.
"Nakakatamad naman walang kuryente" ang sabi ni Kiko habang nakatambay sa labas ng computer shop.
"Sabi nila mga one week daw bago magkaroon ng kuryente" sabi naman ni Erwin habang naglalaro sa cellphone nya.
"Ang tagal naman. Magbasketball muna tayo para di tayo tamarin dito" sabi ni Kiko na bagut na bagut na.
Ala sais nang matapos sila maglaro ng basketball nagsiuwian muna ang magkakaibigan para magpahinga at kumain. Alas otso nang lumabas si Bryan at Erwin wala si Kiko. Nagtaka ang dalawa dahil laging nauuna si Kiko sa twing tatambay sila sa Computer shop, ngunit ngayong walang kuryente wala pa ito sa tambayan nila sa harap ng computer shop. Nakita nilang dalawa ang magkaibigan na sina Joy at Princess na nasa tindahan nila Aling Chora. Kumakain sila ng tinapay at softdrinks.
"Aba himala ata at lumabas kayo" kantsaw ni Erwin sa kaedaran nilang si Joy at Princess.
"Wala kasing kuryente eh. Nasan si Kiko?" Sagot ni Joy.
"Wala pa nga eh. Uyy namimiss nya.." kantsaw ulit ni Erwin na ginatungan pa ng tawa ni Bryan.
"Hindi ah, kulang kasi kayo eh" sagot ulit ni Joy na halata namang namumula.
Sakto naman ang paglabas ni Kiko. Kakagising lang nya at parang wala pa sa ulirat. Pawis na pawis at nakahubad.
"Oh pre anu nangyari sayo para kang naliligo sa dami ng pawis mo ah" kantsaw ni Bryan sa kaibigan nyang kakarating lang.
"Hindi pre, binangungot ata ako. Dapat hindi ako natulog pagkatapos natin maglaro" Sagot ni Jp.
Nagkakatuwaan na ang mga magkakaibigan asaran, kamustahan, inaalala ang mga pagkabata at kung ano ano pa. Silang lima kasi ay magkababata, sila lagi ang magkasama pero nang magdalaga sila Joy at Princess hindi na ito masyadong sumasama sa kanila. Natigil ang kwentuhan nila ng may makita silang familiar na mukha sa kanila. Si Bugoy pala siya ang pinakabata sa kanila. Mga limang taon na rin ito wala sa lugar nila, 5 taong palang sya nun at ngayon at 10 taon na.
"Bugoy tagal mong nawala ah!" bati halos ng lahat sa kaibigang kadarating lang.
"Bakit walang kuryente?" tanong ni Bugoy.
"Mahabang storya eh dito ka muna tambay tayo" aya ni Bryan na tuwang tuwa pa rin sa pagbalik ng kaibigan.
Marami silang napagkwentuhan tungkol kay Bugoy at sa mga pagbabago sa lugar nila. Umuwi lang sila para kumain ng hapuan at pagkatapos maghapunan nakitakita sila ulit. Walang binibigay na liwanag ang buwan natatakpan kasi ito ng mga ulap. Nakaisip si Erwin ng magandang gawin para hindi sila mainip sa gabing iyon, nagaya sya maglaro ng Tagutaguan ng gabing iyon. Nagulat si Kiko umapela sya sa sinabi ni Erwin.
"Wag, hindi maganda un. masyadong gabi na. magkwentuhan nalang tayo" apela ni Kiko kay Erwin
"KJ naman to, tara na" Sabi ni Bryan
"Oo nga minsan nalang to oh" sang ayon naman ni Princess kay Bryan at Erwin.
Iniisip ni Kiko na ikwento sa iba ang bangungot nya, pero ayaw nyang makantsaw nila Erwin at Bryan alam nyang mapapahiya sya sa harap ni Joy. Sumangayon nalang din sya sa gusto ng mga kaibigan, hindi nalang nya pinansin ang napanaginipan nya. Nakakalimang laro na sila pero wala pa ring kakaibang nangyayari. Walang gana maglaro si Kiko at parang may inaabangan lang sya na mangyayari. Si Kiko ang laging taya dahil sa iniisip nito, hindi nya nakikita ang mga kasama nya dahil hindi sya tumitingin sa madidilim na lugar.
"Anu ba yan para kang walang gana Kiko, pati mga babae naiiwan ka. Ikaw tuloy laging taya." Kantsaw ni Erwin sakin na parang naiinis na.
"Nakakatamad naman" dagdag pa ni Princess.
"Kung itigil nalang natin to" Ang sabi ni Kiko na namumutla na sa takot.
"Dun kaya tayo magtagutaguan sa playground sa labas ng village mas maganda dun, mas maraming matataguan at mas maluwag ung matatakbuhan natin" aya ni Bryan
Di na nagsalita si Kiko hindi sana sya sasama pero parang may iniiwasan syang mangyari.
"Sasama ka ba Kiko bat ayaw mo maglakad?" tanong ni Erwin.
Napapayag nilang sumama si Joy nagdadalawang isip si Kiko kung sasama o hindi pero naisip nya na kaibigan nya ang mga kasa dito.
"Wag na tayong tumuloy please. may mangyayari satin" halos pasigaw ng sinabi ni Kiko sa kanila.
"Wag ka na sumama kami nalang kung natatakot ka" kantsaw ni Bryan.
Nagtawanan naman silang lahat pati si Bugoy na tahimik lang tumawa at sasama rin sa kanila. Kahit ayaw sumama ni Kiko sumama na rin sya, kung sakaling mangyayari ang nakita nya sa kanyang bangungot mapipigilan nya ang mga susunod pang mangyayari.
________________________________________________________________________________
vote and comment po. maya maya ung part 2:)