Babaeng may lampara

7 1 0
                                    

"Matutunghayan mo ang ganda ng mundo kapag ang liwanag at dilim ay nagbuklod" Isa sa mga matatalinghangang salita na iniwan ng aking lolo Narcisso, kasama ng kanyang 'di matapos tapos na kwento ukol sa kanyang unang minahal na may dalang lampara. Lagi kong tinatanong bakit siya may dalang lampara, ang sagot naman niya ay "dahil kakaiba siya Ben, natatangi, puno ng mahika, kapag kausap ko siya ay lumulutang ako sa hangin." At kapag naalala niya ang babaeng may hawak ng lampara ay tumutulo na lang ang kanyang luha sabay sabi na "ngunit di ko na maalala ang kanyang pangalan, at sino ka nga ulit ginoo?"

"Kailangan mo muna ng pahinga Ben, ipapadala muna kita sa maliit na lupain ng iyong lolo para naman makalanghap ka ng sariwang hangin." "Kailangan mo ito para ihanda ang iyong sarili sa ...." At ayun ang huling salita na binitiwan ni Mama bago niya ako inihatid sa bukid ni lolo Narcisso.

"Iiwan ko muna siya dito Nay kailangan niyang makapagpahinga sa gantong lugar kung saan sariwa ang hangin dahil kapag binalik ko na siya sa siyudad ay de'deretso na kaagad siya sa ospital"

"Sige walang problema Veronica mas mabuti na narito siya upang may makasama na din ako simula kasi nang namatay ang kanyang lolo ay mag-isa nalang ako dito bukod sa katiwala nating si Fern, ika nga nila mas marami mas masaya" tugon ni Lola Marissa.

Si Lola Marissa ay ang nag-iisa kong Lola at ako naman ang kanyang paboritong apo, mahal na mahal ko siya dahil sa lagi niya akong binubusog ng kanyang "specialty" na apple pie at leche flan, Inalagaan niya si lolo Naricisso hanggang sa huli nitong hininga kahit na hindi na siya naalala nito, iyon siguro ang maituturing kong dakilang pag-ibig, sila ang masasabi kong nagmamahalan ng tunay, kahit na mahirap alagaan si lolo ay kinaya ito ni lola kahit nawala na siya sa memorya ni lolo ay buhay pa din naman siya sa puso nito, at 'yon ang pinanghahawakan ni lola kaya't hanggang sa huli ay inalagaan niya ito. 

Mabilis na umalis si Mama dahil kailangan niya pang tapusin ang mga task na iniatang sa kanyan ng kanyang boss "Paalam anak pakabait ka dito," dagdag niya "Pasensiya na Nay kailangan ko na din umalis. Paalam sa inyo mahal ko kayong dalawa."

"Apo tara na't pumasok na tayo loob ng bahay di ko na matanaw ang kotse ng Mama mo malayo na siya" wika ni Lola Marissa

"Sige po Lola" tugon na may kasama galak

Wala pa din pagbabago ang loob ng bahay, puno ng sinaunang gamit at ang nakakatuwa ay may luto na kaagad na si lola na putahe at ito ay sinigang na manok ang paborito kong ulam, ngumiti siya sa akin ng buong puso na tila ba'y nakalimutan na niya na kalilibing lang ni Lolo noong nakaraang buwan.

"Kamukang-kamuka mo siya apo lalo na ang iyong mata" wika ni Lola habang natulo ang kanyang luha "Pasensya na apo naalala ko lang aqng iyong lolo"

"Ayos lang po iyon" tugon ko na may kasama lungkot

"Sige lang Apo, maiwan muna kita, wag kang uukit sa ulam,  tatawagin ko lang si Fern, at sabay-sabay na tayong kumain"

Habang wala si lola ay nabaling ang tingin ko sa labas binuksan ko ang bintana para pumasok ang sariwang hangin at sa di inaasahang pagkakataon ay may dumapo sa ilong kong isa alitaptap, kinuha ko ito mula sa aking ilong at hinipan papalayo mula sa aking kamay, tinanong ko ang hangin bakit may alitaptap sa gitna ng katirikan ng araw.

AlitaptapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon