Chapter 1

15 0 0
                                    

Year 2007

College Days:

"Ano nang plano mo Tina, san ka mag wowork after graduation?"

Napahinto ako sa pagkain ng favorite kung carbonara sa biglang tanong ni Trish. Andito kami ngayon nakatambay sa isang coffee shop malapit sa school.

"Ewan, di ko pa alam"

"Eh diba pupuntang Canada si Carl after graduation? Pano yon edi long distance na kayo?" - Dianne

Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan na pupunta palang canada si Carl right after our graduation.

Si Carl yong first boyfriend ko. Naging kami mula first year, at hanggang ngayon going strong padin kami.

"Canada" yan yong isa sa mga rason kung bakit kami laging nagtatalo lately. Knowing my boyfriend, hindi sya makakatagal sa long distance kaya naman gusto nya akong sumama sa canada.

"Gusto nya akong sumama" sabi ko na sumubo ulit ng carbonara.

"What? " - Trish/Dianne

"So, pumayag ka?" - Dianne

"Malamang hindi"

Tama ka ng dinig. Hindi ko tinanggap ang alok ni Carl na sumama sa kanya papuntang Canada.

Kaya naman sobra syang nalungkot sa decision ko. Kahit gustohin ko din naman na lagi lang kaming magkasama ay hindi pwede.
Lalo na at sa unang taon nya ay makikitira lang sya sa tita niya na mukhang ayaw naman sakin.
Actually hindi lang pala yong tita nya ang ayaw sakin kundi buong angkan yata niya.
Sa 4 years na magkarelasyon kami ay hindi ko parin maintindihan kung bakit ang bigat parin sa pakiramdam sa tuwing kasama ko ang pamilya niya. Sa tuwing may occasion sa bahay nila ay lagi akong present. Pero never ko na feel na open arms akong welcome sa kanila.
Dahil mahal ko siya at mahal niya ako ay binalewala ko nalang.

"Tama lang na hindi ka pumayag noh. Baka gawin kapang alipin ng monster nyang tita. Hahaha" - Trish

"Hindi naman monster. Pero parang ganon na nga. Hahaha"
At nagtawanan nalang kaming tatlo.

"Hahaha" - Dianne/Trish

"Speaking of your prince charming"

Kinikilig pang sabi ni Dianne.
kaya napalingon ako, and there nakita kong laglalakad papalapit samin si Carl na ngiting ngiti.

"Hi babe" Masayang bati sakin ni Carl. "Can we talk? " sabay tingin nya sa mga kaibigan ko na mukhang nakaintindi naman.

"Oh sya sige na. Solohin mo na yang kaibigan namin. Chat nalang maya Tina ha. Babush" - Dianne

Pagka alis nila Trish at Dianne niyakap ako ni Carl sabay bulong ng "I love you" kahit kailan talaga napaka effortless magpa kilig ni Carl.

"I love you too Babe. Bakit sobrang sweet mo ngayon? Anong meron? " tanong ko sa kanya.

"Lagi naman ako sweet sayo ah."

"Pero iba ngayon parang may something. Sige na sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin" pagpapa sweet ko din sa kanya.

"Hindi na ako aalis after graduation" sabay halik nya sa pisngi ko. Nabuhayan ako ng loob sa sinabi nya.

"Talaga? Pero bakit?" -ako

"Pumayag na sila mama na dito na muna ako sa pinas for the mean time. And besides after a year pa naman yong approval ng bahay na gusto kung bilhin don. Nang sa ganon hindi na ako makikitira  sa kanila tita at para comfortable kana pag sinama na kita ng Canada."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon