Nandito ang buong klase nila ngayon sa mini chapel ng senior high school department ng St. James Academy.
Recollection kasi nila at ang activity na iyon ay may kinalalaman sa mas pagpapalalim pa ng relationship nila as a class lalo na at kaunti na lang ay maghihiwa-hiwalay na sila.
"Tingnan niyo 'yong boys, alagang-alaga ng magulang oh"
Sabi ni Clara at sabay naman nilang tingnan ni Zyrina sina Brent, Drick, Alex, Mel, at Vien na kumakain sa katapat lang nilang table.
Lunch time kasi nila ngayon at bawal silang lumabas ng campus ng senior high kaya naman pinagpabaon sila ng pack lunch.
Kinakain ng mga ito ang ipinabaon ng mga magulang ng mga ito. Kanya-kanya pa ang mga ito ng lunch box kaya naman napangiti siya.
Ang lalaki ng katawan at kagagwapong mga nilalang pero heto ngayon at nasa harapan nila at kumakain sa lunch box na iba't iba ang kulay.
"Ang cute nila tingnan"
"Ang cute nga tapos tayong mga girls ay eto, fastfood ang lunch"
Sabay-sabay naman silang natawa kaya napatingin sa kanila ang boys. Napako naman ang paningin sa kanya ni Brent kaya umiwas siya ng tingin dito at itinuloy ang pagkain.
Matapos kumain ay sabay-sabay na rin silang nagtoothbrush bago bumalik sa loob ng mini chapel.
"Nakikita niyo 'yang nakahanay na mga upuan na 'yan? 'Yan ang next na activity natin"
Sabi sa kanila ni Ma'am Jhe at napatingin naman silang lahat sa dalawang hanay ng mga upuan sa gitna.
Parang pa-oval ang ayos noon at mukhang alam na niya ang mangyayari. Ganoon din ang ginawa nila noong grade 9 sila.
"Uupo kayo d'yan at kung sinong makakatapat niyo ay kakausapin niyo. Pwede kayong magthank you o magsorry, basta kayo na ang bahala. Mayroon din kayong papel na hawak, 'diba? Makikipagpalit kayo sa makakatapat niyo at isusulat niyo sa papel ng isa't isa ang mga magagandang ugali na mayroon ang katapat niyo. Pwede niyo 'yang basahin pagkatapos ng activity. Pwede na din 'yan as a remembrance niyo sa isa't isa. Lahat ng kaklase niyo ay makakatapat niyo dahil after ng 30 secs ay tatayo ang kabilang linya para umusog ng isang upuan. Malay niyo, ito na rin ang chance niyo na makipag-ayos sa mga kaaway niyo o kaya ay makausap ang mga crush niyo nang harap-harapan. Okay ba 'yon, Fidelity?"
Tanong sa kanila ni Ma'am at sabay-sabay naman silang lahat na sumagot ng 'opo'.
"Mukhang ngayon ay mag-kakaayos kayo ni insan ah?"
Natatawang sabi ni Zyrina bago sila umupo sa napili nilang upuan at napailing-iling na lang siya.
"Sana nga..."
Nagsimula na ang activity nila at sobrang nag-eenjoy siya dahil ito na ang pagkakataon nila para makausap ang isa't isa.
Nakakatouch din ang mga messages ng mga kaklase niya pero sa bahay na lang niya babasahin ng tuluyan. Kaunti na lang din at makakatapat na niya si Brent.
"Huwag kang kabahan, Mika. Hindi ka naman kakagatin ni insan"
Bulong sa kanya ni Zyrina at natawa na lang siya. Nang makatapat na niya si Brent ay agad silang nag-ngitian.
"Hi! I'm Brent and I'm single"
Sabi nito at nakipagkamay sa kanya kaya naman mahina siyang natawa.
"Hi! I'm Mika and I'm double"
"Yabang"
"Nakakainis ka"
Natawa na lang sila pareho saka nagpalitan na ng papel.
BINABASA MO ANG
IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody Monster
Fiksi RemajaOnce a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"