Halik sa Matabil ang Dila (One Shot)

311 4 6
                                    

"Lili pa rin! Lili pa rin"

                Ayan na naman ang mga classmate ko. Inaabot na naman ng kapraningan. Hindi pa rin ba ito titigil ang mga ito sa kakatukso sa amin ng "paasa" na lalaki na iyon? Hay, naiinis lang ako kapag naaalala ko iyon. Pero tinatakpan ko na lang iyon ng ngiti para hindi sila makahalata na affected pa rin ako.

                Mabuti na lang at madami akong na-download na wattpad stories sa phone ko. May pagkakaabalahan ako at ma-direct ang atensyon ko sa mga kaklase ko na maya't-maya na lang, kapag lumalapit sa akin ang "paasa" na lalaki na iyon ay tinutukso ako.

                Sinulyapan ko ang tinutukoy ko na lalaki. May kausap ito at hindi sa kanya nakatingin kaya malaya kong binigyan siya ng nakakamatay na irap. Oo, ilang buwan na ang nakalipas, pero di pa rin ako maka-get-over sa ginawa sa akin ng gago na yan!

                Isang kembot na lang, magiging boyfriend ko na siya.

                Sa umpisa tropa-tropa kami. At ako namang si gaga na madaling mahulog sa mga gestures na pinapakita niya sa akin. Kaya unti-unti nararamdaman ko na parang napapamahal na ako sa kanya.

                Iniisip ko na ganoon din ang nararamdaman niya para sa akin. Bakit naman hindi. Hinahatid niya ako sa may sakayan kapag umuuwi. Binigyan niya ako ng regalo. Dinadala ang bag ko. at marami pang iba.

                  Nang binigyan niya ako ng isang malaking Bear stuff toy na may yakap na puso kung saan nakasulat din ang salitang "I love you", bumigay na ng todo-todo ang puso ko. Magtanong lang siya ay sasagutin ko na siya.

                Sa hindi maipaliwanag na rason, bigla na lang siyang nanlamig. Kahit anong piga ko sa aking utak ay wala akong mailabas na dahilan kung bakit bigla-bigla ay nanlamig siya sa akin.

                Nasaan na ang pag-ibig na magkasama naming hinabi?

                Masyado akong natuliro sa nangyari. Nakakuha ako ng tres sa Economics ng dahil doon. Pinakalma ako ng mga kaibigan ko. Naaawa ang mga ito sa nangyari sa akin. Pero ako naman pilit na ngumingiti at sinasabi sa kanila na okay lang ako.

                "Lili, o. Inaaway ako ng bf mo?" tukso ni Khim.

                "Bf ko ba yan?" mabilis na bwelta ko.

                Nag-ingay ang mga kaklase ko. "Awwww...!!!!" Samantalang ang ugok na lalaki, tahimik lang.

                "Wala ka pala, khen, e. Tinatanggi ka ng mahal mo," si Khim uli.

                Hindi siya uli umimik. Parang gusto kong sabihin sa kanya, "Wala ka talagang balls". Wala naman talaga siyang "balls" dahil wala siyang kakayahan bilang isang lalaki na ipagpatuloy ang dapat sana maganda naming love story.

                "Bek-bek yan, e," malakas na sabi ko.

                Nag-ingayan uli ang mga kaklase ko. Samantalang ako naman ay tuwang-tuwa sa loob-loob ko dahil kahit papaano ay makakaganti na ako sa kanya sa pag-iwan niya sa akin sa ere. Buti nga yan sa kanya. E, ano kung kumalat sa buong department na bakla siya? problema niya na 'yon kung paano niya lilinisin ang kanyang pangalan.

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

For the very first time, napaaga ang dating ko sa eskwelahan. 7:30 am ang pasok namin para sa Math of Investment pero alas syete pa lang ay nasa campus na ako. Dere-deretso ako papasok sa room 418 pero bigla rin akong natigilan.

                Nasa classroom na rin ang ugok, gago at bek-bek na lalaking iyon! Aatras sana ako pero nakita na niya ako. Nasa may malapit sa pintuan ito nakaupo. Parang childish naman kung bigla akong aalis. Eh, ano naman kung nandito na rin siya. Hindi ako pwedeng magpa-apekto sa kanyang presensiya.

                Naupo ako sa pwesto ko sa likuran. Nakita ko naroon na rin ang bag nina Sychelle saka ni Raiza. Baka nag-CR lang ang mga ito. Pero mga ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik ng room ang dalawa.

                Ang awkward sa loob ng room. Parang may kwago na humuhuni sa loob sa sobrang tahimik. Krukrukru... Bigla ko tuloy na-miss yung dating samahan namin ni Khen. Walang ilangan. Walang ganito na nakakainis na pakiramdam. Nang hindi ko matagalan ang sitwasyon ay nagdesisyon akong lumabas muna.

                Malapit na ako sa may pinto nang biglang tumayo si Khen at pinigilan niya ako sa braso. "Lili..."

                Natigilan ako. Parang gusto kong umiyak ng sandaling iyon. Na-miss ko na marinig ang aking pangalan na binibigkas niya. Pero bigla kong naalala ang ginawa niya sa akin.

                Pumiksi ako. "Bitawan mo nga ako. Pabebe ka, e."

                Pero hindi niya binitiwan ang kamay ko. Dinuro ko siya sa dibdib niya. "Nakakaintindi ka ba ng tagalog? Bitawan mo sabi ako. Baka magka-allergy ka pa sa paghawak sa isang babae. Mga lalaki naman type mo, di ba?"

                Hindi ko alam kong kung galit o pagkaaliw ang nakita ko sa mata niya. Marahan na itinulak niya ako. Napasandig ako sa pinto. "Ano ba? Ano ba prblema mo?"

                "Sabihin mo pang bading ako, makakatikim ka na sa akin. Hindi na lang ako umimimik kapag pinagsisigawan mo yun sa lahat dahil iniintindi kita. Alam ko galit ka sa mga nangyari sa atin," sabi ni Khen.

                "Natakot naman ako. Ano naman gagawin mo, aber. Sampalin ako? o kaya naman kurutin? O kaya naman sabunutan. Ha-Ha-Ha!" pang-uuyam ko sa kanya.

                "Try me."

                "Bading, pabebe, bakla, shokey, at bayot ka. Masaya ka na?"

                In an instant, bigla nitong kinabig ang ulo ko saka sinelyuhan ang nakaawang kong labi. Gulat na gulat ako dahil hindi ko ini-expect ang naging aksyon niya. Malalim na halik ang ginawad niya sa akin. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan sa sarap ng halik nito.

                At nang maramdaman ko na pinanghinaan ako ng tuhod, kumawit ako sa kanyang balikat. Tumugon ako ng kasing-init at kasingrubdob na halik nito. At nang kapwa kami natauhan na nasa classroom kami, bigla kami naghiwalay.

                Saka ako naging aware sa presensiya nina Raiza at Sychelle na kinikilig na nakamasid sa amin. Pinamulahan ako ng mukha. Nahiya ako bigla sa inasal ko kanina. Naramdaman ko ang paghawak ni Khen sa kamay ko. Maang na tumingin ako sa kanya.

                "Gusto kong magpaliwanag sa lahat-lahat."

---------------------------------------------------------------------------------------------------

                                                                 THE END:)

A/N: Sorry sa mga nasagasaan.... peace XD

Buhay EskwelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon